Chapter 13: The Falls of Smile

90 4 0
                                    

Nanatili lang ako sa taas ng puno at nagpakalma, 'di ko alam kung anong tumakbo sa isip ko at umakyat dito. Madilim na ngunit wala akong balak na bumalik sa tent. May ilang mga sundalong nakakalat sa buong base camp. Ilang minuto muna akong nagpahangin bago nagdesisyong bumalik sa tent.

"Saan ka galing?" Sinalabong agad ako ni Jane na kanina pa yata na naghihintay sa'kin.

"Sa tabi-tabi lang."

"Kanina ka pa namin hinahanap, halos naikot na namin ang buong base camp, pero hindi ka namin mahanap."

"Sorry," paghingi ko ng tawad.

Hinila niya ang kamay ko at pinasok sa tent. "May naghahanap sayo kanina, sinabihan nalang namin na bumalik nalang."

"Sino?"

"Lieutenant Eli ang pangalan." 

Kunot noo akong napatitig kay Jane.Bakit naman ako hinahanap ni Lieutenant?

"Kilala mo?" tanong ni Mira na bigla nalang sumulpot kung saan.

"Oo, siya ang malapit na kaibigan ni Major Zaizen," sagot ko pero nakatitig parin siya sa'kin. "Sabihin mo na ang nais mong sabihin." Halata kasi sa mukha nito na may sasabihin siya.

"Gwapo kasi, type ko." Napasapo ako sa noo nang marinig ang nais niyang sabihin. Akala ko ay kung ano na. "Ilakad mo ako." Mahina akong napailing, siya ang pinakabata sa'min pero napakaatat na makahanap ng kasintahan.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at iniba ang usapan. "Sino pala yung babae kanina?" Agad naman nilang naintindihan ang babaeng tinutukoy ko. Naging masama nga ang timpla ng kanilang mga mukha. Parang hindi lang ako ang may malalim na galit sa sundalong 'yon.

"First Lieutenant Ingrid McCallum, isang military doctor," sagot ni Jane na may mapait na pagkakasabi.

"Kaya pala ang baba ng tingin niya sa'kin."

"Naku kung alam mo lang Merari 'di lang ikaw ang bigla-biglang sinesante nun. Sa dami ng nurse at manggamot na nawalan ng trabaho dahil sa kaniya. Ang init ng ulo lalo na kapag nakalapit kay Major."

"Ginamot ko lang ang Major pero kung magalit..."

"Parang asawa," siya na ang nagtapos ng sasabihin ko. Hindi ko napigilang mapangiti nang makita kung paano umikot ang mata ni Jane.

"Oo."

"Maraming usap-usapan na may gusto siya ka Major tapos fiancé niya ito." Bigla akong nakaramdam ng kirot na 'di ko maipaliwanag. Bakit naman ako makakaramdam ng ganito?

"May karapatan naman pala siyang magalit," malamig kong saad naikinataka ng dalawa.

"Kahit na, wala sa lugar ang ginawa niya, pero hindi naman sigurado totoo na engaged sila. Siya lang naman ang nagsasabi pero walang naririnig na salita galing sa Major. Kaya hangga't hindi ko naririnig mula  sabibig mismo ng Major hindi ako maniniwala," nakangiti pang sabi ni Jane. At parang siguradong-sigurado siya na hindi totoo ang usapan.

Lahat ng kasama ko ay on-duty, wala akong magawa kundi magliwaliw sa buong base camp. Napadpad ako sa isang tahimik na bahagi ng base camp na parang maliit na gubat. Pero 'di ko inaasahan ang makita ang pamilyar na pigurang nakasandal sa isang puno. Ilang hakbang lang ang layo ko mula sa kaniya kaya't tanaw na tanaw ko ang angkin niyang kakisigan. Nakapikit ito, napansin ko ang benda sa kaniyang ulo at braso, hindi pa humihilom ang sugat niya ngunit nandito siya. Ang bilis ng kaniyang paggaling pero hindi niya dapat abusuhin ang kaniyang katawan. Maaari siyang mabinat at matagalan sa paggaling. Pero napansin ko ang kalmado at ang mahinahon niyang mukha.

Tinitigan ko muna siya ng ilang segundo bago umatras paalis. Kailangan niyang magpahinga at magpagaling.

"Saan ka pupunta, Merari?" Napalingon ako nang marinig ang kaniyang boses. Nakamulat na siya habang nakatingin sa'kin. Nagtama ang aming tingin, ngunit agad din akong umiwas dahil sa kaniyang mata, mas lalong lumitaw ang kakaiba nitong kulay dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mata.

A War Between Us (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon