Pilit kong ayaw umiyak ngunit trinaydor parin ako ng sarili kong luha. "Papa." Napasalampak ako sa sahig at niyakap ang aking tuhod. I'm not strong, hanggang ngayon iyakin parin ako.
"Are you okay Ate Merari?" Bigla nalang sumulpot sa aking gilid si Cole at halatang iiyak na din nang makita ako.
"Oh Cole, I'm okay."
"You're not," sabi ni Kuya kapag umiyak daw ang babae bigyan ko raw ng yakap."
"Thank you, Cole, okay lang talaga ako." Umiling siya at dinamba ako ng yakap.
"It's okay to cry Ate, kahit umiyak ka maganda ka parin." Those words make me smile again.
"Cole what are you doing?" Isang lalake ang bigla nalang sumilip sa counter.
Agad na kumalas si Cole sa yakap, ako naman ay pinahiran ang aking mga luha at inayos ang sarili bago harapin ang mga bagong dating. Sa aking pagharap ay tumambad sa'kin ang tatlong nakaunipormeng sundalo. Hindi naman ako nagdalawang-isip na yumuko.
"Patawad po at hindi ko kayo agad napansin." Hinila ng isang lalake si Cole sa aking tabi.
"What happened Cole?"
"Wala naman akong ginawa."
"Bakit siya umiiyak?"
"I console her. Tell them Ate Merari." Napangiti ako sa paghingi niya ng saklolo. Napunta sa'kin ang tingin ng tatlong lalake, agad naman akong yumuko.
"He's telling the truth, Sir."
"Alam mo na kung paano patahanin ang babae Cole? I'm very proud of you." Niyakap ng lalake si Cole, siya lang ang nagsasalita kanina pa at siya rin ang sumilip sa counter at nahuli si Cole na nakayakap sa'kin.
Muli namang tumingin ang lalake sa'kin. "Sorry for not introducing myself miss, I'm Eli Gawer, First Lieutenant. You are?"
"Merari Vinceton."
"Very beautiful name." Laking gulat ko nang kunin niya ang aking kamay at hahalikan sana ito ng may isang kamay na naman ang humawi at pinigilan ang kaniyang balak. Mahina akong napatalon sa gulat sa ginawa ng kaniyang kasama. I looked at him but due to the sunlight passes through the glass window hindi ko makit ang kaniyang mukha.
"I'm sorry, Captain," saad ni Lieutenant at bumaling na naman siya sa'kin. "I'm sorry Miss."
"I told you, Eli, to stop doing an improper manner. Women need to be respected," saad ng lalake na katabi ni Lieutenant. Hindi man siya ang pumalo nito but he still shows a friendly gesture towards him. "I'm Major Alexander Hemes." Halata sa kaniyang tindig ang pagkakaroon ng mataas na katungkukan. Blonde ang kaniyang buhok, like Cole. I think he's Cole's older brother.
"Nice to meet you, Major."
Sabay na lumingon ang dalawang sundalo sa isa pa nilang kasama, hindi ko parin makita ang kaniyang mukha. I even tried to squint my eyes. "Introduce yourself," Major Alexander ordered.
Humakbang siya ng isang beses kaya nasilayan ko ng tuluyan ang kaniyang mukha, his amber eyes met mine, na ikinatigil ko sa aking kinatatayuan. The way he stands and his built its full of authority. They are handsome indeed but his feature is stronger than the others. "Captain Zaizen Hemes, Miss." Nakipagkamay ako sa kaniya at pilit na hindi pinapahalata na napatulala ako saglit sa angkin niyang kagwapuhan. Pareho sila ng apilyedo ni Major pero magkaiba ang kanilang kulay ng buhok at mata. He had jet black wavy hair and a firmed jaw, pero iba ang dating ng mata niya sa'kin. Parang maraming sinigaw at pamilyar.
Nang namalayan ko na matagal na akong napatitig sa kaniya ay agad akong umiwas ng tingin at pinukol sa dalawa niyang kasama.
"Naghahanap po ba kayo ng libro?" tanong ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
A War Between Us (UNEDITED)
Historical FictionAng pag-ibig daw ay kusang dumadating sa hindi inaasahang oras at panahon. At lalong lalo na sa hindi inaasahang tao. Sa unang pagtama ng tingin, at sa unang pamamaalam ay umusbong ang kakaibang damdamin. Kahit pa ilang beses sa 'di inaasahang na mg...