Malungkot ang mukha ng kambal nang makita ang aking bagahe na nakahanda na sa harap ng pinto. Sinundan ito ng mag-asawa na dali-daling lumabas ng marinig ang iyak ng mga ito nakasuot pa ito ng pantulog.
"Aalis ka na?" Hndii makapaniwalang tanong ni Tito.
"Opo, nakakita na po ako ng matutuluyan at trabaho."
Lumapit si Mrs. Maureen at nagmamakaawang hinawakan ang aking kamay. "Bakit? Akala ko sa susunod pa na araw ang pag-alis mo."
Tinanggal ang kaniyang pagkakahawak at umatras. "Sinabihan ko na po kayo na aalis ako sa oras na makakahanap na ako ng trabaho at matutuluyan."
"Ayaw mo ba kaming makasama? Hindi mo parin ba ako napapatawad?" Napapikit ako ng mariin at nagpipigil na makabitaw ako ng salita na ikakasakit ng kaniyang kalooban. I want to leave this house peacefully.
"Napag-usapan na namin ito ni Abe, nais niyang makasama ka. Kahit labag sa loob kong iwan siya dito wala rin akong magagawa kung ito ang nais niya. Dadalaw nalang ako tuwing may bakante akong araw."
"Merari please stay here. Stay with me." I look into her eyes but all I could see is how she left me that night. Binaling ko kay Tito ang aking tingin.
"I have to go, thank you for accepting us. I will repay you as soon as possible." Niyakap ko ang kambal at si Abe. Kinuha ko ang aking bagahe at dinala palabas.
Muli akong hinarang ni Mrs. Maureen. "Merari please, stay." Nagsimula ng bumagsak ang butil ng mga luha sa kaniyang mata.
Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi ngunit binalaan ko siya. "Abe will stay here. Huwag na huwag mong gawin sa kaniya ang ginawa mo sa'kin noon. Sa oras na may mangyari sa kaniya, sisiguraduhin kong hindi mo na siya makikitang muli." Hindi siya nakaimik agad, malaya ko siyang nilagpasan dala-dala ang aking mga gamit.
Nagpapasalamat ako kay Princess Zuriel sa tulong niya. Ang rami niyang alam at isang tawag lang ay nakahanap agad siya ng pwede kong matirhan at trabaho. Tama lang ang pinaupahang kwarto para sa'kin kompleto ang gamit at malapit lang sa base camp ng militar kung saan ako magtatrabaho bilang tagatulong sa paggamot ng mga sugatang mga sundalo. Kanina lang may balitang may bagong bayan na naman ang binomba. Kung magpapatuloy ito ay malamang maraming maaapektuhan. Marami na ngang mga sundalong nakakalat at mas doble ang ingat nila ngayon kaysa sa kamakailan.
Nang makaligpit ay agad akong dumiretso sa base camp, tinulungan naman ako sa nakatokang sundalo na nagbabantay sa gate palang para mahanap ang maliit nilang hospital.
"Maraming salamat."
"Walang anuman, Miss Merari," kumindat pa ito sa'kin bago umalis pabalik sa kaniyang pwesto.
"Ikaw ba si Merari?" tanong ng nurse ng makita ako.
"Ako nga po."
"Halika, sumunod ka sa'kin." Dinala niya ako sa storage room at pinagpalit ako ng damit na kulay puti, tulad ng kaniyang suot. "Ako nga pala si Jane, ako ang magtuturo sayo kung ano ang gagawin mo, sinabi narin sa'kin na may kaalaman ka sa paggamot."
"Opo, ilang buwan kasi akong nagkaroon ng trabaho sa isang maliit na hospital sa Campbell."
"Mabuti narin at may katulong kami kahit hindi ka napag-aral ng medisina. Ilan lang kasi ang nais magtrabaho dito sa base camp."
"Bakit naman?"
"Delikado kasi ang buhay natin, minsan pinapupunta tayo sa pinangyarihan ng digmaan. " Nakaramdam ako ng takot nang marinig ang kaniyang sagot at napansin naman niya ito. "Huwag kang matakot nasa iyo parin ang desisyon kung sasama ka." Nakahinga naman ako ng maluwag.
BINABASA MO ANG
A War Between Us (UNEDITED)
Tiểu thuyết Lịch sửAng pag-ibig daw ay kusang dumadating sa hindi inaasahang oras at panahon. At lalong lalo na sa hindi inaasahang tao. Sa unang pagtama ng tingin, at sa unang pamamaalam ay umusbong ang kakaibang damdamin. Kahit pa ilang beses sa 'di inaasahang na mg...