Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang sitwasyon niya. May tama siya ng bala sa kaniyang kaliwang braso, sa gilid ng kaniyang tiyan at ilang saksak na kailangang tahiin. Nakaramdam ako ng takot at pag-aalala, 'di man kami gaanong kalapit pero tinuring ko narin siyang kaibigan. Hindi rin ganito ang inaasahan kong muling pagkikita namin. Agad naman siyang ginamot ni Doc. Pete.
"Miss Merari, manatili ka dito para bantayan siya, halatang kilala mo si Major, babalik ako bukas."
"Opo Doc."
Pag-alis nito ang siya namang pagpasok ni Lieutenant Eli na kanina pa naghihintay sa labas. "Kamusta siya?"
"Okay na, sana lang mabilis humilom ang sugat niya."
"Nakakapanghinayang isipin na sa ganitong sitwasyon mo pa siya makikita ulit." Napatitig ako kay Zaizen na maayos na ang paghinga nito pero hindi pa siya gumigising, maaring aabot pa ng ilang araw. "Kung hindi dahil sa kaniya malamang walang sundalong makakabalik pa dito." May halong lungkot nitong sambit. Napansin ang pagod sa kaniyang mukha at madumi pa ang kaniyang damit na may mantiya ng dugo.
"Magpahinga na kayo Lieutenant, ako ang magbabantay sa kaniya."
"Salamat Miss Merari."
Nang siya ay makaalis ay naiwan akong nakatulala habang nakatitig sa walang malay na lalaki sa harap ko. Binuwis niya ang kaniyang buhay para mailigtas ang kaniyang mga kasama.
Inabot ko ang kaniyang kamay at hinawakan ito. "Magpagaling ka agad."
Napansin ko naman ay pagtaas ng kaniyang lagnat, nilagyan ko siya ng basang bimpo sa kaniyang noo. Pinunasan ko narin siya at nilagya ng ointment ang maliliit niyang sugat.
"Merari." Napatigil ako sa bigla niyang pagbanggit ng aking pangalan. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha. Napapaginipan niya ako o mali lang ang aking dinig?
Pagsapit ng madaling araw ay muling dumalaw si Doc. Pete, nag-aalala itong ibinalita na walang magpapalit sa'kin sa pagbabantay kay Zaizen dahil abala ang mga nurse sa emergency tent. "Okay lang po, nakatulog naman ako saglit kagabi."
"Huwag kang mag-aalala sa oras na may bakanteng nurse ay ipapadala ko agad dito."
Maayos naman ang lagay ni Zaizen bumaba narin ang kaniyang lagnat. Nag-iwan ng ilang gamot ang doktor bago ito umalis. Hindi naman ako nakaramdam ng pagkabagot dahil dumating si Lieutenant Eli, siya ang pumalit sa pagbabantay at hinayaan akong makapagpahinga sa gilid.
"Anong sabi ng doktor?"
"Okay naman ang sitwasyon niya, sana lang ang gigising na siya agad."
Naalimpungatan ako nang marinig ang isang pag-uusap at mabilis akong napatayo nang makita ang kapatid ni Zaizen.
"Sorry po,"
"Alam kong pagod ka sa pagbabantay sa kaniya Miss Merari. Kailangan mo rin ng pahinga. Hindi ko lang inakala na makikita kita dito matapos ang masquerade ball ng Evergard."
"Nandoon po kayo?"
Bigla siyang humalakhak. "Hindi ko makakalimutan ang gabing iyon, naimbitahan kami ng iyong pamilya. Malapit na magkaibigan ang mga Evergard at Hemes. Pero mas nasurpresa kami nang makita ka. Hindi na ako nakalapit pa dahil may pumigil sa'min" Sabay tingin kay Zaizen at may pailing-iling pa ito.
Napatingin siya sa kaniyang orasan. "Kailangan ko ng umalis, kayo na ang bahala sa kaniya." Agad kaming tumango ni Lieutenant.
Labis ang paghingi ng tawad ni Doc. Pete, dahil hanggang ngayon ay hindi siya makahanap ng pamalit sa pagbabantay kay Zaizen. Naiintindihan ko naman, at mas nais kong ako nalang ang mag-alaga sa kaniya hanggang siya ay magising. Bumabalik lang ako sa tent namin at sa emergency tent kung may kailangan ako. Tinutulungan naman ako ni Lieutenant, at siya ang pumapalit sa pagbabantay kapag wala siyang ginagawa.
BINABASA MO ANG
A War Between Us (UNEDITED)
Historical FictionAng pag-ibig daw ay kusang dumadating sa hindi inaasahang oras at panahon. At lalong lalo na sa hindi inaasahang tao. Sa unang pagtama ng tingin, at sa unang pamamaalam ay umusbong ang kakaibang damdamin. Kahit pa ilang beses sa 'di inaasahang na mg...