Pagmulat palang ng aking mata ay agad kong nakita si Zaizen sa kilid ng kama.
"Anong oras na?" Papikit-pikit pa ako.
"Eight in the morning." Tumayo siya at hinawi ang kurtina, napapikit ako lalo sa sinag ng araw na pumapasok. "Tumayo ka na, mag-aalmusal na tayo."
"Inaantok pa ako." Nagpagulong-gulong pa ako sa kama pero bigla nalang niya akong dinampot at kinarga na parang sako. "Wahh! Ibaba mo ako!" Nagpupumiglas ako pero walang epekto sa kaniya. Binuksan niya ang pinto ng banyo at inilapag ako sa harap ng shower.
"Gusto mo bang ako pa ang tatanggal sa suot mong damit?" Walang ka emosyong niyang tanong pero ako parang sasabog na sa inis.
"Bastos!"
"Sabi mo tinatamad ka edi ako ang magpapaligo sayo."
"Alis! Maliligo ako!" Tinulak-tulak ko siya papalabas.
"Merari its okay, nakita ko na naman ang katawan mo." May ngisi na ngayon ang kaniyang labi at panukso akong tinitigan mula ulo hanggang paa. Napayakap tuloy ako sa aking katawan ng wala sa oras.
"Get out!" Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti at kinindatan pa ako. Kung nasa tamang wisyo lang ako ay baka kinilig pa ako sa kindat niya pero mas lalo akong nainis at nairita. "Alis!" He smirked before he left me. When was the time he saw my body? I didn't remember.
Nakatapis lang ako ng roba paglabas ng banyo, mabuti naman at wala si Zaizen. Nakakahiyang makita niya na ganito ang ayos ko. Dumapo ang tingin ko sa damit na nakahanda sa kama at mas ikiangulat ko ay may kasama pa itong panloob na damit at napakasakto nito sa'kin. Kasama nito ang isang white sunny dress na lagpas sa tuhod ko.
Paglabas ko ay nakatayo sa gilid si Zaizen na naiinip na ang mukha at 'di na maipinta ang mukha nito.
"Kanina pa ako dito."
"Hindi ko naman alam na naghihintay ka pala. Sana sinabi mo."
"Nagsisimula na silang kumain, tayo nalang ang wala doon."
Sumunod lang ako sa kaniya, sa laki ng bahay nila ay maliligaw pa yata ako. Ilang araw ko ngang pinag-aralan ang pasikot-sikot sa mansyon ng Evergard bago na memorya kahit kasulok-sulukan nito. Tumigil kami sa double door na pinto na may dalawang sundalong nakabantay. Nakaramdam naman ako ng kaba, at hindi ko namalayang napakapit na ako ng mahigpit sa braso ni Zaizen na agad naman niyang napansin.
"Umalis muna kayo, bumalik nalang kayo sa pwesto pagkatapos naming kumain." Sumaludo muna ang mga ito at naglakad paalis.
"Sorry, kayo tuloy ang nag-aadjust sa sitwasyon ko." Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay.
"Hemes family will do everything just for you Merari because you are worth to protect." Natigilan naman ako doon at hindi napansin na bumukas na pala ang pinto.
"Ate Merari!" Napangiti ako nang makilala ang sumigaw sa aking pangalan.
"Cole!" Magyayakapan sana kami nang bigla nalang humarang si Zaizen sa aming pagitan.
"Hindi mo siya pwedeng hawakan." Tinapunan niya ng masamang tingin si Cole na nagtataka sa utos ng kaniyang kapatid.
"Okay lang naman Zaizen eh, si Cole lang naman iyan." Sumilip ako kay Cole at ngumiti sa kaniya. Sinenyasan ko siyang lumapit pero mas naging matindi ang ang inis na makikita sa mukha ng Zaizen.
"Ako lang ang lalakeng pwedeng makalapit sayo Merari." Napangiwi ako sa sinambit niya at hinila ako palapit sa mesa.
"Kuya Zai ako ang unang nakakilala sa kaniya. First come first serve!" Agad na tumakbo si Cole sa'kin at niyakap ako. Hindi man lang natablan sa pamatay na tingin ng kaniyang kapatid at dinilaan niya pa ito. "Ate Merari is mine, ako ang una niyang nakilala bago ikaw, so back-off." Nagkaroon ng mainit na titigan ang dalawa.
BINABASA MO ANG
A War Between Us (UNEDITED)
Historical FictionAng pag-ibig daw ay kusang dumadating sa hindi inaasahang oras at panahon. At lalong lalo na sa hindi inaasahang tao. Sa unang pagtama ng tingin, at sa unang pamamaalam ay umusbong ang kakaibang damdamin. Kahit pa ilang beses sa 'di inaasahang na mg...