Chapter 22: The Party

57 4 0
                                    

"Look at her my son. She is a goddess."

Hindi ko maialis ang tingin kay Zaizen, bagay sa kaniya ang suot niyang tuxedo. Maayos din ang pagkakaayos ng buhok niya.

Binatukan bigla ni Mrs. Hemes ang kaniyang anak. "Umayos ka nga!" Muli niyang binaling ang kaniyang tingin sa'kin "Bumaba ka nalang dito Merari, hindi na nakapagsalita ang anak ko dahil sa ganda mo."

Napasapo nalang sa ulo si Zaizen. Napatawa ako habang pababa ng hagdan. "Anak may dapat ka pang ipaliwanag sa kaniya tungkol dito. Dapat iuwi mo siya ng maaga at ligtas, tandaan mo iyan kung ayaw mong matutulog ka sa labas!"

"Sino ba ang anak mo dito ako o siya?" Sumulyap sa'kin si Zaizen kaya nakaramdam ako ng init sa pisngi. Bakit ako nagkakaganito?

"Ikaw, pero mas mahalaga siya sa'kin." Hinila ako ni Mrs. Hemes sa kaniya. Napailing nalang si Zaizen at hinablot ako sa kaniyang ina.

"Aba inaagawan mo na ako ngayon!" Nagtitigan ang dalawa at parehong nakahawak sa magkabila kong kamay.

"Ate Merari!" Dumating si Cole at nagningning ang mata nito nang makita ako. "Saan ka pupunta?" Bigla na namang pumagitna si Zaizen sa aming dalawa at masamang tinitigan ang kaniyang paslit na kapatid.

"Back-off young man, date ko siya party." Napako naman ako sa aking kinatatayuan. Date?

"Date? Is that true Ate Merari?" Papaiyak na ang mukha ni Cole habang nakasilip sa'kin.

"I don't know." Sumigla ang mukha nito nang marinig ang aking sagot at nakangising tinapunan ng tingin ang kaniyang kuya.

"Do you hear that? Ate Merari will never be your date, ikaw lang ang nagsabi eh. Feeling mo naman papayag siyang ma date ang tulad mong wala naman sa kalingkingan ko."

"Shut-up, let's go Merari." Hinila ako ni Zaizen palabas, napalingon pa ako kay Cole na nagliliyab sa galit.

"Enjoy the party Merari!" Paalam ni Mrs. Hemes na napakalawak ng ngiti habang kumakaway.



Nang nasa byahe na kami patungong Royal Palace hindi ko maiwasang mapatanong kay Zaizen tungkol dito.

"Patawad kung hindi kita nasabihan agad tungkol dito, biglaan din kasi."

"Okay lang, pero sana sa susunod sabihin mo at para hindi ako atakihin sa puso sa gulat."

"I'm sorry."

"Okay lang ba talagang sumama ako? Baka maraming lalake doon, at makagulo lang ako," napayuko ako. Ayaw ko namang dungisan ang pangalan nila lalo na't kilala ang kanilang pamilya. Hindi ko yata kakayanin na makitang magalit si Mrs. Hemes.

Naramdaman ko ang paghawak ni Zaizen sa isa kong kamay. "Huwag kang mag-aalala hindi ako aalis sa tabi mo." Nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig iyon. "Alam ito ni Doc. Madeline, pumayag naman siya isama kita sa party. Kailangang magkaroon ka ng malapit na kontak sa mga lalake, para paunti-unti mawala ang takot mo."

May punto rin siya, sa Swendey pa kasi ay unti-unti na akong nasasanay kay Lieutenant Eli at Colonel Alexander. May iilan din na mga sundalo na dumalaw na naging pasyente ko doon, pero hindi naman agad- agad nakaka adjust ako. Labag pa nga sa loob ni Zaizen pero sinasabihan naman siya ng doktor na makakabuti iyon sa'kin. Ngayon ay nakokontrol ko na ang aking emosyon at hindi na gano'n kalala tulad sa ginawa ko kay Zaizen. Wala narin nangyaring biglaang paglalaslas ko naulit lang talaga kahapon. Kaya puno ng pagkadismaya si Zaizen nang makita ang pulsuhan ko.

"Sorry kung pabigat ako sayo.."

Simula noong aksidente naging pabigat na ako kay Zaizen. Siya ang nag-alaga sa paahon nalugmok na lugmok ako. Nasaksihan niya kung gaano ako kahina, ang rami na niyang ginawa sa'kin na hindi ko man masuklian.

A War Between Us (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon