Chapter 27: A Dance of Disgrace

58 4 0
                                    


Nagulantang ang lahat ng hingal na hingal na dumating ang isang matanda na ginamit nila para mag-espiya sa nangyayari sa labas. Dalawang araw na ang nagdaan at halos nasakop na ng Sauville ang Princeton. Sila na ang pumalit sa pamumuno.

"Lahat ng sundalo dinakip at pinag-utos na lahat ng babae ay kunin." Napasinghap ang lahat at bakas ang takot sa mga mukha nito. "Nahirapan pa akong makatago dahil nakakalat ang mga sundalo, lahat ng kabahayan ay sapilitan nilang pinapasok at kinukuha ang mga gamit lalo na kung may bata at dalaga, dinadampot din."

Napasapo ako sa aking noo, mas lumala ang kalagayan namin.

"Kailangan nating makaalis sa madaling panahon. Baka hindi na tayo abutin ng umaga at nasa kamay na tayo ng mga kalaban."

Nagpulong muna ang mga matatanda hanggang napagdesisyunang aalis kami pagsapit nang gabi. Walang pagdadalawang-isip na nag-impake ang mga ito.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa gubat, may alam silang lugar na pwede nating pansamantalang pagtaguan," sagot ni Lieutenant. Pero nababahala ako kay Lieutenant Coleen, hindi pa siya tuluyang gumagaling.

"Kakayanin kaya niya?" tanong ko.

"She's a soldier miss, mas malala pa ang naranasan niya sa natamo niya ngayon."

Pagsapit ng gabi ay walang ingay naming binaktas ang daan patungong gubat. Pilit naming hindi magawa ng ingay lalo na't napakaraming sundalong nakakalat sa paligid.

"Hindi maganda ang pakiramdam ko dito," bulong ko kay Lieutenant Lexa. Kanina pa ako kinakabahan at hindi mapakali, para kasing masamang ideya ang pag-alis namin.

"Ako rin, pansin ko ang hindi magandang tingin ni Mrs.Guzman."

"Wala naman akong nakikitang 'di maganda sa kaniya."

"May narinig kasi ako kagabi, may kausap siya sa telepono, may perang nabanggit, malaking halaga pero ang iba ay hindi ko na masyadong narinig," pag-amin nito.

Hindi kaya ibebenta niya kami?"

"Itaas ang mga kamay!" Isang malakas na sigaw ang nakapatigil sa aming lahat. Sa isang iglap nakapalibot na sa'min ang mga sundalo habang tinututukan kami ng kanilang armas. Natuon lahat ng atensyon kay Mrs.Guzman na lumapit sa isa sa mga sundalong dumating at nakangiting nakipagkamay dito.

Tama nga ang hinala ko. Masamang tingin ang pinukol ng lahat kay Mrs.Guzman pero batid kong walang epekto ito sa matanda.

"Trinaydor tayo," bulong ng ilan.

Tinapon sa kaniya ang isang bag, maaaring nandyan ang pera. Aaksyong dadamputin niya ito nang umalingaw-ngaw ang isang putok. Lahat napasigaw at sa isang iglap napasalampak na si Mrs.Guzman sa lupa at may tama sa ulo. Napaatras kami at 'di makapaniwala sa nangyari. Nakaramdam na rin ako ng takot, bumalik sa alaala ko ang nangyari sa Swendey.

"Damputin niyo silang lahat!"

Isa-isa kaming hinila ng mga ito, pilit akong nagpupumiglas, may iilan ng nag-iiyakan.

"Hindi! Bitawan mo ako!"

"Huwag po!"

"Maawa po kayo sa'min, wala naman kaming ginagawang masama."

"Captain may sundalo po dito!" Napatigil ako at napalingon sa dalawa kong kasama. Agad na lumapit ang lalaking sinasabi nilang pinuno sa aming kinatatayuan, at walang pagdadalawang-isip na sinampal ang mga ito.

"Huwag niyo po silang saktan!" Pagmamakaawa ko, sinawalang bahala lang ako nito at may humila sa'kin palayo sa dalawa.

"Bitawan mo ako!" Pilit kong makaalis sa pagkakahawak nito pero masyado siyang malakas.

A War Between Us (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon