Chapter 28: The Train to Hell

64 4 0
                                    

Kunot noo akong nakatitig sa kaniya. Bakit siya nandito? Bakit kasama niya ang mga kalaban? Isa ba siya sa kanila? Trinaydor niya ba ang sarili niyang bansa? Napakaraming tanong na naglaro sa aking isipan na 'di ko man masabi sa kaniya. Pansin ko ang hindi totoong bigote sa kaniyang mukha, kung hindi ko lang siya kilala ng lubusan malamang 'di ko siya mamumukhaan.

Bigla siyang tumayo at hinila ako kung saan. Narinig ko pa ang suporta ng mga sundalo niya. Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari. Dinala niya ako sa madilim naparte nawalang katao-tao. Walang pagdadalawang-isip niya akong niyakap ng mahigpit.

"I miss you." Tinugon ko rin ang yakap niya, na miss ko siya ng sobra.

"Namiss din kita, pero pwede bang ipaliwanag mo sa'kin ito." Akala ko hindi ko na siya makikita pa. Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga bago kumalas sa yakap.

Nilibot niya muna ang tingin sa paligid bago nagsimulang magsalita. "I know you are confused, its a very long story why I ended up in here. Pero Merari trust me kasali ito sa plano. I'm very sorry I lied. The truth is my mission is not in the northern border but to spy the Sauville army and to be one of them." Kumurap ako ng ilang beses para maproseso lahat ng kaniyang sinabi. Nakahinga ako ng maluwag, akala ko trinaydor niya na kami.

"Pero kay bilis naman na naging Colonel ka agad," komento ko.

Ngumisi naman ang loko, "Magaling ako Merari, they saw it and they give me the rank without hesitation." May pagkahambog din pala itong si Zaizen.

Kung Colonel siya at mataas ang ranggo bakit 'di niya pinigilan ang mga kalaban na sumayaw kami sa harap nila. Masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya na ikinataka nito.

"What?"

"Bakit hinayaan mo kaming sumayaw doon?" Inis kong sambit, nakakahiya kaya ang ginawa ko. Hindi ko lubos maisip ang ginawa ko kanina.

Inabot niya ang dalawa kong kamay at mahigpit itong hinawakan. "Patawad, wala akong magawa utos din ng nakakataas sa'min, kung aangal ako baka magduda sila sa'kin." Palihim ko siyang inirapan. "Patawad, napapansin ko narin kasi na nagdududa na sila sa kinikilos ko kaya mas doble ingat ako ngayon."

"Paano kami? Ano ang gagawin niyo para makuhang muli ang buong Winston, malamang alam mo ang plano ng kalaban."

Hinawakan niya ang aking pisngi at mahina itong hinagod. "Don't worry everything is under control. Just trust me. Magpanggap ka lang na parang walang nangyari, I can't share with you the whole plan. But I promise I will save you."

Dumapo ang tingin niya sa kwintas na suot ko kung saan nilagay ko ang iniwan niyang singsing. "I want to put that ring personally in your hand but today is not the right time. But as soon as all of these things end, expect that I will ask you for our future." I can't stop myself to feel happy hearing those words. 

Ilang minuto kaming nag-usap hanggang sa kinakailangan na niyang bumalik.

"Mag-ingat ka," ani ko at niyakap siya ng mahigpit.

"Mag-ingat ka rin, lahat ito matatapos din. And we will be together again." Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo. "Please be safe my love, I love you."

"Mahal din kita." Mabilis siyang kumalas sa yakap at gulat na gulat na nakatitig sa'kin.

"Tama ba ang pagkakarinig ko?"

Napakagat labi ako at pilit na hindi matawa sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Mahina akong tumango at niyakap siya para itago ang hiya at pagkapula ng aking mukha.

"Sh*t, I'm so happy," bulong nito pero dinig na dinig ko naman.





Mag-isa akong bumalik sa tent namin, pagdating ko ay nandoon narin ang iba at nag-aayos. Nang makita ako ay agad nila akong sinalubong.

A War Between Us (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon