Chapter 16: Awakening of the Past

73 3 0
                                    

Paglingon ko sa pinanggalingan nito ay nakahandusay na sa lupa si Jane.

"Jane!" Hindi pwede, hindi pwede. "Jane!" Muli akong pumiglas para makaalis at makalapit sa kaniya ngunit mas malakas ang lalakeng ito. Parang sinaksak ang dibdib ko nang makita ang kalagayan ni Jane na nag-aagaw buhay. "Jane!" Mas lalo akong napasigaw at napaiyak nang makita ang pag-agos ng sariwang dugo sa kaniyang ulo at unti-unti siyang napasalampak sa lupa. Nagkatitigan kami at nakita ang mukha niya na puno ng magmamakaawa at ilang butil ng luhang dumaloy sa kaniyang pisngi.

"Jane!"

"Mga tanga sinayang niyo ang isang 'yan," bulyaw ng pinuno sa armadong bumaril kay Jane. "Pag tuluyan 'yan itapon niyo sa ilog malapit dito, mangangamoy 'yan kapag matagalan." Walang pusong utos ng kanilang boss at walang habas akong hinila palayo sa aking mga kasamang pumipiglas sa mga humihila sa kanila sa kaniya-kaniyang kubo.

"Jane! Mira! Kris!"






Dinala ako niya sa kubo, naglalaro parin sa aking isipan ang mukha ni Jane nakatitig sa'kin habang ako ay palayo. "Sorry," di ko na mapigilang mapaiyak. Napayakap ako sa aking sarili. "Jane I'm sorry."

Matapos dahin sa dito iniwan muna niya ako mag-isa sa makalat niyang silid, ngunit mula dito rinig na rinig ko ang kanilang pinag-uusapan sa kaniyang kasama. Napahigit ang paghawak ko sa aking damit nang marinig ang lahat ng kanilang balak at plano sa Winston. Sa lahat ng taong pwedeng makarinig bakit ako pa? Parang sinaksak ang dibdib ko ng ilang beses sa aking mga narinig.Nang sila ay matapos, narinig ko ang pagpaalam ng kaniyang kausap at bumalik kung nasaan ako.

"Mga demonyo kayo!" Sinalubong ko siya ng bulyaw at pinukulan siya ng masamang tingin.

"Narinig mo pala ang pinag-uusapan namin," napangisi siya nang makita ang reaksyon ko.

"Dahil sa inyo maraming nawalan ng pamilya. Maraming na sayang na buhay!" Napaiyak ako habang sinisigaw ito sa kaniya.

"Tumigil ka sa pag-iyak! Kahit ilang luha pa ang iiyak mo hindi sila mabubuhay." Sinampal niya ako at sa lakas ay napasalampak ako higaan. "Ngayon, dapat pasayahin mo ako kung gusto mo pang mabuhay, sa narinig mo ay wala ng rason pang buhayin kita pero kung maging masunurin ka baka pagbibigyan pa kita." Unti-unti siyang lumapit habang ako ay umaatras sa kaniya palayo. Nakakatakot ang kaniyang mukha habang kinakagat ang kaniyang ibabang labi. "Huwag ka ng umangal at matakot, halika dito." Nataranta ako nang mapansing wala na akong maatrasan.

"Ahh!"

"Wahh!"

Napatigil ako nang marinig ang mga pamilyar na mga sigaw. "Nagsisimula na sila, dapat magsimula narin tayo," ngumiti siya at nagsimulang gumapang sa'kin. Tinanggal na niya ang kaniyang ibabaw na damit at gumapang. Pinagsisipa ko siya ng ilang beses ngunit wala parin itong epekto para tumigil sa balak niya. Nahawakan niya ang dalawa kong kamay, pilit kong makawala ngunit napakahigpit ng kaniyang pagkakahawak. Itinaas niya ito at pinosasan ang magkabila kong kamay.

"Huwag po!"

Muling naglaro sa aking isipan ang nangyari noon, matapos akong ibenta ng sarili kong ina sa kamay ng mga mangangalakal.




Flashback 8 years ago

"Mama." Hindi ko inakalang kaya akong ibenta ng sarili kong ina sa mga mangangalakal. Ginapos ang aking paa at kamay at tinakpan ang aking mata. Wala akong makita, napakadilim, at ang hirap huminga.

May kumarga sa'kin na parang sako, pinagsisipa ko ito ngunit parang walang epekto. "Bitawan mo ako!"

"Umayos ka bata kung gusto mo pang mabuhay," bigla ako nitong sinuntok sa sikmura. Napaimpit ako sa sakit at pasimple lang ako nitong inihagis kung saan.

A War Between Us (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon