01

139 22 18
                                    

S H A R I L L E

"Please, Pat. Don't do this. Nagmamakaawa ako sayo."

"AAAAAAA TULOOOOONG"

"Help me, Lord. Please."

"HINDI KITA MINAHAL KAHIT KAILAN."

NAGISING na naman ako na humihingal hingal habang niyayakap ako ni mommy.

"Shhh. Stop crying, baby. Wala na yon." pagpapatahan sakin ni mommy. Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa panaginip ko - bangungot ko. I always have this every night and ang hirap hirap. Lagi akong magigising sa umaga na umiiyak at palagi ring nariyan si mommy para sakin.

It's been four years since umalis ako ng Pilipinas kasama si mommy. Four years na walang balita sa mga kaibigan ko except for my best friend. Four years na nananalangin na sana maging okay na ako. Four years simula nung nagbreak kami ng boyfriend ko - ex boyfriend. Four years na simula nung pumunta kami dito sa States for my therapy.

Who would have thought na sa loob ng four years hindi pa rin ako okay? Siguro nga, parusa na sakin ito ni God dahil sa mga desisyon kong ginawa dati. Ang hirap para sa akin dahil sinaktan ako ng taong mahal ko. Sobrang sakit kapag naaalala ko na naman yung nangyari sakin four years ago

Pat calling....

"Loi, can we talk later?" tanong ng boyfriend kong si Patrick.

"It's fine with me. Wala naman akong pupuntahan eh," sagot ko. Hindi ko alam pero there's this weird feeling na hindi ko matukoy.

"Okay. I'll see you later. Puntahan kita sa inyo by 5 pm."

"Alright. See you. I love you" and then he ended the call. Ang weird lang kasi palaging ako yung nag-eend ng call and lagi din siyang nagsasabi ng 'i love you' sakin.

Anyway, 1 pm pa lang naman so meron pa kong time magprepare. Gosh! It is our first anniversary today! Can you believe that? Naka-isang taon na kaming maagkarelasyon. Mukhang di naman nya nalimutan na anniversary namin ngayon kaya siguro nag-aaya sya hihi.

Graduating na kami ng high school. Nakakaproud lang kasi yung best friend ko yung Valedictorian.

I'm calling my best friend. After two rings sinagot din nya kaagad.

"Sharille! Himala at tumawag ka" ang lakas talaga ng boses nito at tumawa pa sya ng malakas sa kabila.

"Ayaw mo naman ata eh," nakalabi kong sabi at alam kong alam nya ang reaksyon ko kaya sya tumawa ng malakas ulit.

I don't know what to do anymore sa isang Arilia Daisy Maritain. Sobrang lakas ng boses niya and sobrang ingay din pero may sense naman kausap kapag seryosong bagay.

"First anniversary namin, remember? I need your help." Siya lang at si mommy ang nakakaalam ng relationship namin ni Pat. Mommy's girl eh

"Oooh. Ewan ko ba sayo, Sharille, at nagtitiis ka dyan kay Patrick. Hindi ka nga niya pinapayagan ipaalam yung relasyon niyo tapos lagi pang walang time sayo." Narinig ko ang pagbuntong hininga nya sa kabila. Tama naman sya don sa sinabi nya kaso wala eh magpapakatanga ka talaga para sa pag-ibig.

"Arsy," seryoso kong tawag sa kanya. "Maging masaya ka na lang for me, please?"

"Okay okay." pagsuko nya kasi alam nyang ayokong pinagtatalunan namin ito. "What kind of help do you need?"

"Punta ka dito sa bahay hihi"

She ended the call after she said na pupunta na sya. Kilala ako ng mga tao na mataray pero kapag sa malalapit sakin, sobrang sweet ko.

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon