23

27 5 0
                                    

S H A R I L L E

"Ick?"

"Hmmm?"

"I still love you."

Natigilan naman siya saglit sa pagsayaw at itinuloy na rin ulit.

"Loi, you know I asked you for a second chance, for us to be friends, right?"

Kahit alam kong hindi niya ako nakikita, tumango pa rin ako. Kung kanina ay umiiyak ako dahil sa tuwa, ngayon naman ay para kong pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi na siya umimik pa dahil nagsalita na ulit ang emcee sa unahan.

"And now, for the last dance, we will witness them dancing on one stage! Let us all clap our hands to them!"

Ako na ang kumawala sa pagkakayakap at mabilis na pinunasan ang luhang tumulo mula sa mga mata ko. Lumapit naman na sa akin si Shadd. I glimpsed at Patrick na ngayon ay naglalakad na paalis.

"Ako na yung kasayaw mo, tapos nasa iba pa rin yung tingin mo."

Napalingon ako sa kakambal ko na ngayon ay tinitingnan na ang naglalakad na kasayaw ko lamang kanina. Tumingin na rin naman siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko.

"Shh, Sharille. What happened? This is our night oh, tapos umiiyak ka."

Napayakap na lang ako sa kaniya. Bakit nga ba ako umiiyak? Nagtapat lang naman ako sa kaniya ah. Wala naman akong dapat ikaiyak. Yun bang sinabi niyang hanggang kaibigan na lang talaga? Hindi ko na alam sa sarili ko.

"It hurts to know that someone you love doesn't love you back, Shadd."

"You still love him, don't you? And you confessed while you were dancing there?" I nodded at his interrogation. "What did he tell you?"

I shook my head. "Nothing."

"Eh bakit ka umiiyak diyan, wala naman palang sinabi?" Tumawa siya pero hindi ako natawa kaya tumigil ka agad siya. "Cheer up na oh. Let's enjoy our night at may susunod pang twenty one, twenty one na yan. May after party pa tayo bukas sa bahay kasama sila Lia."

"Happy Birthday ulit, Ate Shaloice!" Celine greeted me before bidding her good bye. Tapos na ang party at anong oras na rin ito natapos. Umalis na kanina pa ang ibang mga bisita. Ang iba naman ay kakwentuhan pa sila Mommy.

I waved my hand and mouthed "Take care!". She, then, smiled to me before they exited the hall.

"Come on, let's take another group selfie!"

We smiled at the camera as Nathalie captured one of the best moments in my life. Nagwacky pa ulit kami at nang tingnan namin ang picture, natawa kami sa mga itsura namin.

"Bro, you did a great job here. Look!" Claude told Clifford, laughing.

Tiningnan ko naman ulit yung larawan at totoo ngang nakakatawa. Nakalabas ang dila niya habang nakatingin sa taas at nakalagay ang hintuturo sa ilong.

"Siobe, aalis na daw sila Rex."

Napaharap naman ako likod ko kung saan nanggaling ang boses ni Shadd.

"Uy, salamat sa pagpunta niyo ah? Pati na rin sa mga regalo."

"Hindi naman ikaw ang pinunta namin dito, Shaloice. Si Kidd lang talaga ang pakay namin," Aseq joked.

Nagsitawanan naman sila habang ako naman ay napangiti na lang. "Oh siya, sige na. Salamat pa rin."

"Sige, Kidd, Shaloice! Mauuna na kami," pagpapaalam ni Rex sa amin. "Pre!" Itinaas niya ang kamay niya, as a sign of good bye, kanila Clifford and they did the same thing.

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon