24

24 6 2
                                    

S H A R I L L E

"I thought you were my fairytale

A dream when I'm not sleeping

A wish upon a star

That's coming true"

I could still feel my tears running down to my cheeks as I was taking a shower. Ito na naman ako. Paulit ulit na lamang.

"But everybody else could tell

That I confused my feelings with the truth

When there was me and you."

It's been almost two months since Shadd and I had our 21st birthday. Two months of crying, feeling like I've been dumped. Two months of trying to make myself more than happy like I used to be. Na para bang bumalik na lang ulit yung sakit na naramdaman ko nung nasa US pa kami. Ang pinagkaiba na lang ay hindi ko na alam kung mas masakit ba iyong dati o mas masakit itong ngayon.

"I swore I knew the melody

That I heard you singing

And when you smiled

You made me feel

Like I could sing along"

I've been living my life na sanay na sa mga ganyang sakit. And now, I'm experiencing it again? Bullsh*t! Wake up, Shaloice Kayrille!

"But then you went and changed the words

Now my heart is empty

I'm only left with used-to-be's

And once upon a song"

I remembered what my best friend told me. She said, "Hindi dahil nasanay ka na sa sakit ay hahayaan mong ganiyan na lang palagi ang buhay mo. Marami pa rin ang nagmamalasakit sa iyo."

I cried that time. I cried for the nth time. Sabi ng iba, yung mga nagiging magkarelasyon sa High School ay hindi nagtatagal. Totoo ngang hindi nagtatagal, pero bakit ganito? Bakit tumagal yung pagmamahal na 'to para sa kaniya? I never thought na babalik ako sa ganito. Nakabangon na kasi ako ih. Bakit bumalik na naman ako sa pagkakabagsak? O talagang hindi lang ako nakabangon dahil hinayaan niya lang ako dito sa baba. Dahil tuluyan na niya akong binitawan, ilang taon na ang nakalilipas. At ako lang itong, pilit na inaabot ang imahinaryong kamay niya, na akala ko totoo. Na akala ko nandiyan pa.

Umasa ako. Umasa ako na meron pa. Umasa ako na hindi doon nagtatapos ang lahat. Kaso wala pa rin pala. Wala na pala talagang patutunguhan ang lahat.

Masaya na siya. Nalaman ko na rin na nililigawan ni Patrick si Patricia. Bagay naman sila eh. Gwapo si Patrick, at maganda si Patricia. Hindi imposibleng magkatuluyan sila. Nakikita ko naman sa mga mata ni Patricia na may gusto din siya kay Patrick o mahal na niya. At halos magkapangalan naman sila. Baka sila talaga ang para sa isa't isa.

Maybe now is the time to set him free. No, mali. To set myself free from this one sided love. Dapat nga matagal ko na itong ginawa. I was just blinded by my thoughts that there really are happy endings. That a man can wait for years, if he truly loves her. That after a long time, kayo pa rin sa huli. Maling mali pala ako doon.

Fudge this mind and heart of mine!


"Shaloice!"

Napatingin naman ako sa tumawag sa akin.

"Hi!"

Sobrang sama naman ng tadhana sa akin, ano? Kaya nga ako nagpunta dito sa mall ngayon, para naman maging masaya ako kahit papaano. Tapos, makikita ko lang sina Patrick at Patricia na magkasama? Grabe lang.

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon