S H A R I L L E
"Itigil mo nga 'yan, Sharille. Paulit ulit ka na lang sa pinaggagagawa mo."
Kanina pa ako sinasaway ni Mommy dahil picture daw ako ng picture sa sarili ko. Gusto ko lang naman ng remembrance eh. Ilang taon din kaya ako nagstay sa US.
"Sama ka na lang bili, Mommy. Oh, smile!"
Nagsmile naman agad siya sa camera. What the rip! Haha. Dami pang sinasabi, sasali rin naman pala. Kahit kailan talaga 'to si Mommy aba.
We are now heading to the place where we can buy the things I want and of course, Suzie's request. Bibili na rin ako ng regalo ko for my twin brother. I'm so excited for Friday!
"Mmy, which do you think is better?" I asked as I was showing her the doraemon hoodie jackets I saw.
"Ito." Itinuro niya naman yung white na may black sa gilid. Yay! Ito naman talaga yung pinipili ko, gusto ko lang malaman yung opinion niya.
Kinuha ko naman iyon. Ibinili ko rin si Suzie ng hoodie jacket na white rin at t-shirt na minions naman ang design. Ang daming mga magagandang plush toys dito ng gusto namin ni Suzie pero hindi naman ako pwedeng bumili nung malalaki dahil papaano naman namin maiuuwi yon?
Natapos na yung ceremony kaya naglilibot na lang kami ni Mommy dito sa Singapore. Cash prize, medal, at certificate ang natanggap ko. Mayroon ding free training in photography na sagot ng company nila pero hindi ko naman na gagamitin pa yon dahil hindi iyon ang main priority ko ngayon. Libangan lang kumbaga.
Ipinakita rin nga kanina yung shots ng iba't ibang contestants at ang gaganda ng mga kuha nila. Hindi ko aakalaing mananalo pa ako kung ganun rin pala kaganda yung sa mga nakalaban ko.
"Sharille, ito oh." Inabot sa akin ni Mommy yung kinuha niyang t-shirt na may tatak na Doraemon.
"Ang ganda, 'mmy. Saan mo po nakuha? Di ko naman 'to nakita kanina dito ah."
"Di ka lang naghahanap."
Napasimangot ako dahil sa sinabi ni Mommy. Naghahanap naman talaga ako kanina. Baka nalampasan lang ng mga mata ko. Ibinili ko na lang si Shadd ng hoodie na kulay yellow. Paborito niya kasi yung yellow at Spongebob. Hindi ko nga alam kung bakit nahilig kami sa mga character na 'yan. Doraemon, Spongebob, at Minions.
Naglibot pa kami ni Mommy sa kung saan saan at bumalik na rin kaagad sa hotel na tinutuluyan namin dahil ngayong araw na ring ito ang alis namin dito. Mamayang hapon pa naman para gabi kami makakarating sa Pilipinas. Bukas na rin pala ang birthday ni Ashy. Hindi man lang kami makakapunta doon dahil sa susunod na araw ay birthday naman namin ng kambal ko. Ang galing nga eh, magkasunod lang kami ni Ashy.
"Achi!" she shrieked. "Nasaan na yung pinabili ko sa iyo?"
Natawa naman ako sa kaniya. Mas nauna pang kumustahin yung ipinabili niya sa akin kaysa sa amin ni Mommy na kauuwi lamang. "Nandiyan sa mga gamit ko."
"Kunin ko na ha?" Tumango na lang ako sa kaniya. "Kuya Paul! Ako na po bahala diyan sa gamit ni Achi. Yung kay Mommy na lang po asikasuhin mo." Napaka talaga ng babaeng 'to.
Lumapit naman ako kay Daddy at Shadd na nag-uusap sa sala. I gave them a kiss on their cheeks before joining to what they were talking about. Ah, yung sa debut pala.
"Yung mga invitations ay okay na sa lahat, ano?"
"Opo, Daddy. Yung venue ay ichecheck ko po ulit bukas para sure na."
"Kumusta nga pala yung awarding, Sharille?" Daddy asked.
"Okay lang naman po, 'ddy. Puro taga ibang bansa yung mga nandoon," masaya kong pagkekwento. Tumango-tango lamang siya sa akin.

BINABASA MO ANG
Set You Free
Fiksi RemajaI am Shaloice Kayrille Lim and a friend of mine said that I deserve to be happy and that I shouldn't be dwelling in bitterness. What if things get worse if I follow my happiness?