S H A R I L L E
Kinabukasan naman ay nagising ako na maganda ang mood so I spent my day cleaning and fixing my things in my room. Nagpaakyat na lang ako ng box kay Ate Irah sa kwarto ko para paglagyan ng clothes na hindi na kasya sa akin. Madami-dami rin akong maidodonate.
Habang nagliligpit ako, nakita ko yung box kung saan itinago ko yung mga bagay na nagpapaalala sa akin kay Patrick. Nandito pa rin pala 'to.
Letter.
Ito yung first letter niya sa akin confessing his love for me.
"Shai! Ipinaaabot sa iyo oh." Cliff handed me a folded paper.
"Ano ito?"
"Ewan ko. Baka love letter," he laughed. "Kingina. Ang baduy naman"
I just shrugged. Sino naman ang magbibigay sa akin nito? Ang effort naman. Special paper pa gamit.
"Raulo. Di naman baduy. Ang cute nga eh," I said, sounding like a kid.
"Whatever, Shai. Nasaan ba si Raz?"
"Sa akin mo pa hinanap eh ikaw ang best friend non" He chuckled.
We parted our ways and pumunta na ako sa field. Dito naman kasi ako palagi tumatambay sa bench dito. Presko kasi kaya comfortable pati hindi ganun kainitan.
I opened the letter and to my surprise, ang ganda ng sulat. Shet nakakainlove.
'Hi Shaloice! Uhmm hindi ko alam kung paanong magsisimula pero I want to get it straight to the point. I like you. Yes, nabasa mo ng tama. Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula, basta ang alam ko gusto kita.'
Shet na malagket HAHAHA potek. I continued reading it.
'Ang saya sa pakiramdam na nakikitang masaya ka at tumatawa ka. Nakakainlove lang. You already had me when I first talk to you nung first year high school. Ang duwag ko kasi nun kaya hindi kita malapitan at makausap tapos kasama mo pa palagi yung kakambal mo. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob, alam mo ba yon? Sana mapansin mo 'to.
-Pusong Ligaw'
Hindi ko maiwasang mapangiti nang basahin ko ulit yung liham. Parang bumalik ako sa pagiging high school student.
Sunod ko namang kinuha ay yung isang box na naglalaman ng lines mula sa favorite songs ko.
"Happy monthsary, Loi!" bati niya sa akin.
It's our 3rd monthsary ngayon, April 20. Nandito kami sa restaurant na gustong gusto ko yung cake.
"Happy monthsary, Ick! Tatlong buwan na kong nagtitiis sayo," I joked.
"Hindi ba dapat ako ang magsabi niyan?" he chuckled.
"Here's my gift oh. Hope you'll like it," I handed him the paper bag.
He smiled, letting his dimples out. He opened it and nakita kong natuwa naman siya sa regalo ko.
"Wow. Thank you," di makapaniwala niyang sabi at niyakap ako.
I bought him a polo katulad nung style nung iba niyang polo. Alam ko kasing mahilig siya sa ganun.
He, then, handed me a box. "Later mo na lang i-open sa bahay."
I nodded and smiled. "Thank you, Ick."
Pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay, binuksan ko kaagad yung box. It did surprise me.

BINABASA MO ANG
Set You Free
Teen FictionI am Shaloice Kayrille Lim and a friend of mine said that I deserve to be happy and that I shouldn't be dwelling in bitterness. What if things get worse if I follow my happiness?