S H A R I L L E
NAGISING ako mula sa isang mahimbing na tulog. Thank You, Lord! Turo sa akin yun ng mga magulang ko na huwag kalimutang pasalamatan ang Panginoon sa lahat.
Rise and shine everybody!
'Wag kang tatamad-tamad, Shaloice Kayrille, okay?' sabi ko sa sarili ko.
"Good morning, Mommy" bati ko pagpunta ko ng dining area.
"Good morning, Sharille. Halika at kumain ka na" bati niya pabalik at hinalikan ako sa pisngi ko, pag-upo ko sa tabi nya.
Kahit matanda na ko, baby pa rin ako kung ituring ni mommy. Nakakahiya na nga minsan. Nakita ko namang napangiti si Ate Irah sa gilid.
"Mom, can I go out with my friends later?" I asked mom. Biruin nyo yun, graduating na ko pero parang strict pa rin sakin sila Mommy. Simula kasi nung mangyari yung aksidente sakin dati, naging sobrang protective sakin si Mommy pati na rin si Shadd.
"HINDI KITA MINAHAL KAHIT KAILAN"
"HINDI KITA MINAHAL KAHIT KAILAN"
Paulit ulit na naririnig ko sa isipan ko ang mga salitang sinabi nya. Iniwan na niya ako. Gabi na pero nandito pa rin ako sa park, umiiyak.
Wala ng masyadong tao sa playground kung nasaan ako dahil nga gabi na at nakauwi na ang mga bata.
Natigil ako sa pag-iyak ng marinig ko ang pagring ng phone ko. Kinuha ko ito mula sa bag ko at nakitang tumatawag si mommy.
Inayos ko muna yung sarili ko at tumahan bago sagutin ang tawag ni mommy. Ayokong malaman ni mommy na umiyak ako.
"Sharille, baby. Anong oras na? Umuwi ka na." Nahimigan ko ang concern sa boses ni mommy.
"Nasa park lang po kami. Sige po. Uuwi na rin po ako." I tried my best na magsalita ng normal and I guess it worked. Ayokong ipaalam agad kay mommy na wala na kami ni Patrick at hindi ko siya kasama.
"Ingat kayo sa pag-uwi." In-end ko na kaagad yung call dahil di ko na naman mapigilan yung pag-iyak ko.
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa wala na kong mailabas na luha. Gusto kong tawagan si Arsy pero alam kong di nya masasagot dahil family time nila ngayon.
Lord, bakit naman po ganito? Naging mabait naman po ako. Minahal -- minamahal ko naman po si Pat ng buong puso. Bakit naman po naging ganito ang ending namin?
Bago pa ko umiyak ulit, umalis na ako don sa park. Magbabyahe na lang ako. Kapag kasi nagpasundo pa ko, malalaman ni mommy na hindi ko na kasama si Patrick.
Naglalakad na ako papunta sa sakayan nang may kumuhit sakin. Paglingon ko sa likod, may panyong biglang tumakip sa ilong ko. Nahihilo ako dun sa amoy. Sinubukan kong imulat pa ang mga mata ko ngunit pagod na talaga ako mula sa pag-iyak at nakakahilo talaga yung amoy. Tuluyan na nga kong kinain ng kadiliman.
Nagising ako na ang sakit ng ulo ko at parang binuhusan ng malamig na tubig.
"Mabuti naman at gising ka na" sabi ng isang di ko kilalang lalaki. Binuhusan pala talaga ako ng tubig. Ramdam ko yung lamig ng tubig at ng lamig ng hangin mula sa Aircon.
"Sino ka?" matapang kong tanong.
Nasaan ba ako? At paano ako napunta dito? Tumingin-tingin ako sa paligid at napansing nasa isang room kami na parang hotel room. Argh. Ang sakit ng ulo ko. Ang huli ko lang natatandaan ay nasa park kami kung saan nakipagbreak si Patrick. Tapos naglalakad ako papuntang sakayan. AH! May nagpatulog sakin yung sa panyo na nakakahilo yung amoy.
![](https://img.wattpad.com/cover/220688776-288-k727352.jpg)
BINABASA MO ANG
Set You Free
Teen FictionI am Shaloice Kayrille Lim and a friend of mine said that I deserve to be happy and that I shouldn't be dwelling in bitterness. What if things get worse if I follow my happiness?