S H A R I L L E
"Mom, where's Patrick?" nanlulumo kong tanong. Nandito pa rin kami sa hospital dahil kailangan ko daw pagalingin yung mga paa ko.
"He's not here, Sharille. Don't find someone who is not here. Kalimutan mo na ang lalaking yun," seryosong sabi sa akin ni Mommy.
Gusto kong umiyak pero magmumukha akong mahina. Sabi kasi ng kasabihan na 'crying is for the weak only'.
"Sharille! Gosh what happened to you?" Dumating si Arsy na humihingal marahil ay tumakbo.
"Are you okay? Nasaan si Patrick? Paanong naaksidente ka eh magkasama lang kayo ni Patrick diba?" tuloy tuloy niyang tanong.
"Arilia, stop." ma-awtoridad na sabi ng kambal ko.
Kumalma naman si Arsy. Sunod namang pumasok sila Raz at Cliff. Lumapit naman si Mommy kay Arsy at sinabing maupo muna sila.
"Sorry, Tita Dy." paumanhin ni Arsy kay Mommy. My brother just rolled his eyes.
"Where's Patrick?" mariin kong tanong sa kanila. "I need to talk to him, please?"
Tiningnan lang nila ako na parang awang awa sila sa akin.
"Achi, please rest" Si Suzie na ang nagsalita.
"No. I want to see him. Where is he? Help me go to him, please?" Sinubukan ko nang tanggalin ang mga nakakabit sa akin kahit alam kong hindi ako nakakalakad.
"Shaloice Kayrille," saway sa akin ni Shadd. "Take a rest first please?"
Ibinalik niya ang mga pinagtatatanggal ko kanina sa dating pwesto.
"Just let me see him please? May mga itatanong lang ako sa kanya." I'm already crying at wala silang magawa.
Lumapit sa akin si Mommy at niyakap ako. "I'll ask him na pumunta dito, okay? Pero magpahinga ka muna. Hindi ka pa magaling oh," she whispered in my ears.
I nodded and looked around. Nakaupo lang yung mga kaibigan ko at tahimik, na parang di nila inaasahan yung reaksyon ko.
"Sleep now, Sharille."
Kahit ayokong bumalik sa pagtulog, wala rin akong nagawa dahil ramdam ko yung sobrang pagod ko.
NAGISING ako sa pagkakatulog na may mga basang luha pa. One of my reasons, selfish reasons if I may say, kung bakit inabot kami ng four years dito sa States, when in fact, it took me two years to walk again, is because I keep on remembering the memories in the past; yung dahilan kung bakit kami nandito.
I wonder kung ano na ang balita sa kanya. Maayos kaya siya? May trabaho na? May girlfriend na?
'Oh come on, Shaloice Kayrille. Stop thinking about him,' kastigo ko sa sarili ko.
Sa loob ng two weeks, inihanda ko na ang sarili ko sa pagbabalik sa Pilipinas. Walang alam sila Arsy sa mangyayaring pagbabalik ko. Busy rin kasi siya sa pagbabantay kay Raz. Hanggang ngayon ay wala pa ring malay ang kaibigan kong iyon.
"Good morning, Achi" bati ni Suzie sa akin.
Hindi pa rin ako makapaniwala na nakatapos na ko ng pag-aaral. Pumunta sila dito noong nakaraang linggo at nung isang araw nga ay nangyari ang Graduation.
Kitang kita ko sa mga mukha ng pamilya ko at ng mga kaibigan ko yung tuwa at yung feeling na para bang ipinagmamalaki nila ako. Sobrang sarap lang sa pakiramdam. Hindi ko kasi naramdaman ito noong Elementary at High School Graduation.
![](https://img.wattpad.com/cover/220688776-288-k727352.jpg)
BINABASA MO ANG
Set You Free
Teen FictionI am Shaloice Kayrille Lim and a friend of mine said that I deserve to be happy and that I shouldn't be dwelling in bitterness. What if things get worse if I follow my happiness?