17

21 7 0
                                    

S H A R I L L E

I went back to my seat after Shadd's message to Patrick. Sumunod naman ang iba pa niyang kaibigan sa pagbibigay ng regalo. After the '21 Give It!', kumain muna kami ng proper dinner.

"Ate Shaloice, hanay na po kayo ni Ate Lia sa labas. Nandun naman si Mom para iassist kayo," Celine told me after ko kumain.

Tumayo naman na kami ni Arsy from our seats and went outside. Tama nga si Celine, nandito na si Tita.

"Hi Tita Cath," I greeted as I kissed her cheek. Arsy did the same thing. Hindi na kasi kami nagkausap pa kanina dahil nga busy sila ni Tito.

"Here are your tulips. Pila na lang kayo diyan according sa pagkakasunod sunod sa list."

We thanked her before going to our designated position. Arsy's in front of me dahil mas mauuna siya sa akin. I am the 20th person to dance Patrick later and she's the 19th. The first one is his grandmother from Tita Cath's side, na sobrang close niya. Followed by his mom, then his Tita's and cousins. Marami siyang pinsan na babae kaya no wonder kung bakit malapit siya sa mga babae. Kami nga lang ni Arsy saka yung tatlong babae sa unahan namin ang hindi kamag-anak ni Patrick dito. Nakita ko kasi sa listahan yung mga pangalan kaya alam ko kung kaibigan o kamag-anak.

'Ikaw ba? Soon to be kamag-anak nila?'

Shut up, will you? Argh! Nababaliw na ata ako dahil kinakausap ko yung sarili ko.

A soft music started to play inside, meaning the '21 Sway It!' has already started. Pumasok na yung lola ni Patrick. We waited hanggang sa si Arsy na ang sunod.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako kahit wala namang dapat ikakaba. Kami na lang ni Celine yung nandito sa labas dahil siya yung pang21 na sayaw.

Pumasok na ako sa loob nang binigyan na akong signal nung pinsan nila Celine, si Ate Rose. Lumapit naman na ako sa nagsasayaw na Arsy at Patrick.

"Nandyan na yung prinsesa mo." I heard Arsy told him. Tumawa naman si Patrick.

"Hi," he started as we danced with the soft music playing.

"Happy birthday, Ick. Oh wag ka nang umiyak ha? Di naman kita pinapaiyak," I said as I wiped off the tears falling down from his eyes.

"Sira! Naiiyak ako sa tuwa. Thank you, Loi. Super thank you because you're here, celebrating my birthday with me," naiiyak niyang sabi.

"Shhh. Ako dapat nagbibigay ng message diba?" We both laughed.

"Eh kasi naman."

"Hep! This is your night so ako muna magsasalita." This time, niyakap ko na siya habang nagsasayaw kami.

"Thank you for initiating this new friendship of ours. Hindi tayo ganito ngayon kung hindi dahil sa iyo. Totoo nga yung sinabi nila na 'it's better the second time around'. Basta, nandito lang naman kami para sa iyo palagi ha? Wag mong kalilimutan na may mga kaibigan kang nag-aalala sa iyo."

"Para ka namang mawawala, Loi," natatawa niyang sabi.

"Sira ka!" Hinampas ko nga yung likod niya. Mahina lang naman. "Sinasabi ko lang kasi. Gusto ko lang ipaalala sa iyo palagi yun. Alam mo bang ako dapat ang huling sayaw pero tinanggihan ko yung kapatid mo. Sabi ko kasi magkaibigan lang naman tayo and parang di ko naman deserve maging last dance mo. Parang ang kapal naman ng mukha ko diba?"

Bago pa siya makapagsalita ay naunahan ko na siya dahil nakita ko si Celine na pumasok na. Bumitaw na ako mula sa pagkakayakap.

"Mamaya na lang nandyan na yung may pakana nitong lahat eh," I said before turning my back on him and letting them dance.

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon