03

79 14 2
                                    

S H A R I L L E

"SHAYI!"

Potek. Nandyan na. Isa lang naman ang tumatawag sakin ng Shayi.

"What are you doing here, Ashy?" I asked. "As far as I know you are not supposed to be in here."

"I just want to be with my girl, you know" nakangiti nyang sabi na sinundan niya ng tawa.

"Girl my ass." I rolled my eyes habang natawa naman si Ate Irah.

Ash Alexander Danxworth. Boy bestfriend ko kung ituring at isa sa mga pinsan ko. Yung father niya ay pinsan ni mommy, so, that makes us cousins.

"What are you really doing here?" tanong ko kay Ashy.

"Oh come on, Shayi. Didn't you miss me?" nakalabi niyang tanong.

Natawa naman ako sa inasal nito. Kahit kailan talaga ay mapagbiro itong pinsan ko. Sa lahat ng mga pinsan ko, siya yung pinaka-kaclose ko. Kapag hindi pwede si Ate Irah ay madalas si Ashy ang bantay ko. Ayoko naman ng may body guard dahil nakakahiya and hindi ako sanay.

It's better, for me, this way and nirerespect naman nila Mommy yung decisions ko.

"Of course, I missed you" sabi ko at niyakap siya. Last week pa kasi nung huli kaming nagkita dahil nga wala namang pasok and busy rin ako sa pag-asikaso ng requirements ko.

"Gwapo ako" aniya with accent pa kaya naman natawa na naman ulit kami ni Ate Irah. Narealize niya siguro kung bakit kami tumatawa kaya lalo lang syang nagpout. Napakacute naman.

Hindi naman kasi siya talaga maalam magsalita ng Tagalog. Taga-rito talaga kasi sila and minsan lang sila mapauwi sa Pilipinas, kapag may reunion o kaya naman ay ginusto nila.

Si Shadd na naman siguro ang nagturo sa kanya non dahil madalas ay magkausap rin sila sa Skype. Nakakaintindi naman siya ng Tagalog, slight.

"Oh yes you are" sabi ko at kinurot siya sa pisngi. Ang gwapo talaga ng pinsan ko. Mas matanda lang ako sa kanya ng dalawang taon pero kung ituring niya ko ay parang mas matanda pa siya sa akin.

"I'll go with you and Ate Irah."

NAGKITA-KITA kami nila Nathalie sa may library pagdating ng lunch time. Doon kasi palagi ang meeting place namin dahil malapit iyon sa labasan. Kasama ko pa rin si Ashy hanggang ngayon pati na rin si Ate Irah.

Nagkekwentuhan lang kami hanggang sa marating namin ang parking. Sumakay na kami sa sasakyan namin and tumungo sa restaurant nila Ashy. Kung ang sasakyan namin ang palagi naming ginagamit kapag aalis kami, ang Xander's Restaurant ang lagi naming pinupuntahan o tinatambayan. Isinunod ang pangalan ng restaurant kay Uncle Xander na ama ni Ashy na tito ko.

At dahil nga palagi naman kaming nandito ay mayroon na rin kaming sariling lugar dito. Nasa isang table na malapit lamang si Ate Irah at Kuya Paul. Yung usual place namin dito ay yung table na para sa anim na tao na malapit sa speakers dahil gusto namin yung acoustic music na pinapatugtog dito. Katabi ko si Ashy at si Quiely habang nasa tapat naman namin sila Nathalie at Claude.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang nagkekwentuhan kaming lima. Mamimiss ko yung ganito.

"What are your plans after graduation, Shaloice?" tanong ni Claude kaya naman nabaling sa akin ang atensyon ng lahat.

Alam nila yung mga nangyari sa akin sa Pilipinas at yung dahilan kung bakit ako napunta dito sa States.

"Bakit ako nandito? Asan na yung kidnapper?" naguguluhan kong tanong sa kanila. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon