16

20 7 0
                                    

S H A R I L L E

"Anubayan, Sharille! Ang panget," she said, laughing.

"Eh paano ba kasi?" naiirita kong tanong kay Arsy.

Kanina pa kami dito sa kwarto ko. Lahat na lang ng ginagawa ko, panget para sa kanya. Edi siya na ang magaling sa arts. Nagpipinta kasi kami ng mga binili kong styroballs kanina sa mall. Gagawa kasi kami ng parang planets na ilalagay namin dun sa box mamaya.

"Kuha mo na lang akong pagkain. Ako na lang gagawa niyan. La ka namang natutulong."

Inirapan ko na lang siya at lumabas na ng kwarto. Nakita ko naman si Manang Sthar na nasa kitchen.

"Manang, pwede pong paluto ng pagkain po? Pati patimpla na rin po ng juice."

"Sa taas na lang ba dadalhin, hija?"

"Ah opo. Kay Ate Irah nyo na lang po ipadala."

Kumuha na lang ako ng biscuits and chips, pati na rin ng favorite drink namin, Chuckie. We are addicted to Chuckie kung hindi niyo pa alam. Then, I went back to my room. Umupo naman na ako sa tabi niya dahil nakaupo lang kami sa lapag.

"So ano na?"

"Teka lang naman, diba? Kung inayos mo kasi yung paint dito edi sana tapos na 'to."

Natapos na niya kaagad yung iba. Tanging yung ginawa ko na lang na isa yung hindi pa tapos. Masisisi niyo ba ako kung hindi talaga ako magaling magpinta? Wala akong kaalam alam sa ganyang bagay kaya wala kayong maaasahan sa akin. My best friend here named Arilia Daisy is good at arts so hands up. Siya na!

Sa Friday na yung birthday ni Patrick and that's three days from today. Dumating na kahapon yung inorder kong stickers online at yung Astronaut na stuff toy. Tapos kanina naman ay yung pinagawa kong customized hoodie na may pangalan niya sa likod at bukas ay bibili naman ako ng sapatos para sa kaniya.

Binulabog ko pa si Arsy ngayong hapon na dapat ay pahinga na niya galing sa trabaho. Pero dahil malakas ako sa kanya, nandito siya ngayon sa amin at tinutulungan ako. Sabi ko nga ay dito na siya matulog at umuwi na lang bukas ng umagang umaga pero ayaw niya dahil may pasok pa nga. Hindi na bago sa kaniya yung dito matulog dahil dati pa namin itong ginagawa.

"Bakit ba kasi nag-eeffort ka masyado?" she asked habang kumakain kami ng dinala kong foods.

"Eh kasi wala lang. Hindi ba pwede?"

"Hindi naman. Pero ano na bang score nyo? You're back to being "that close" huh?" Nagmotion pa sya ng parang quotation marks using her hands.

"We're friends. That's just it, okay?" I showed a big smile on my face.

"Tss. Itigil mo nga. Panget mo." Inirapan pa ako ampotek.

"Nye nye nye. Itigil mo nga. Panget mo," panggagaya ko sa kaniya pero inartehan ko yung pagkakasabi na parang nang-aasar.

"Childish mo. Ewan ko sa iyo. Tuloy na nga natin 'to nang matapos na."

Nilagyan na namin ng string yung planets na pininturahan namin, ah mali pala, pininturahan niya para maisabit na sa takip ng box na paglalagyan ko ng lahat ng bagay na ireregalo ko.

Dumating naman si Ate Irah, dala dala yung pagkaing inihanda ni Manang Sthar, nang matapos na namin ayusin yung box.

"Ate, dun na lang sa table." Inilagay naman niya doon sa table yung pagkain bago lumapit sa amin.

"Ano ba namang pinagkaka-abalahan nyong dalawa?" she asked.

"Ito po kasing si Sharille, ang daming pakana. Birthday gift daw po kay Patrick." Si Arsy na ang sumagot.

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon