S H A R I L L E
"Bye, Achi Kayrille."
"We will still see each other soon, Josh."
I gave him a peck on his cheek and hugged the others. Ngayon na ang uwi namin pabalik sa Bulacan. Hindi naman kami pepwedeng magtagal dahil may iniwan din kaming trabaho doon. Mauuna lang kami umalis kaysa sa iba dahil malayo pa ang uuwian namin. Samantalang sila, malapit lang.
"Kailan ulit tayo magkikita kita, Uncle?" Analyn asked Daddy.
"Malapit na ang birthday ng kambal, kung pupunta kayo, magkikita kita tayo."
Ay oo nga. Ngayon ko lang narealize na malapit na pala kami maging 21 ni Shadd.
"Pupunta tayo, Mama, diba?" excited na tanong ni Analyn kay Auntie Evangeline.
"Oo naman. Mawawala ba tayo dun?" natatawang saad ni Auntie.
"Yes!" malakas na sigaw ni Analyn na nagpatawa sa aming lahat.
"Mauna na kami, Papa, Mama," pagpapaalam ni Daddy kanila Angkong.
"Ingat kayo, Tony," Ahma said.
"Opo, Ma. Sioti, ikaw na ang bahala kanila Papa," nakangiting sabi ni Daddy kay Uncle Ariel. Sila kasi nila Caleb yung nakatira dito kasama sila Ahma.
"Sige, Ahia. Ako na ang bahala. Tawag tawag na lang," tugon ni Uncle.
Sumakay na kami sa sasakyan at umalis. I waved my hand as Josh and the others waved their hands.
"Suminare Elize," biglang tawag ni Daddy sa kapatid ko.
Oh no. Parang alam ko na kung bakit.
"Daddy."
"Kailan ka pa nagkaroon ng boyfriend?," seryosong tanong ng daddy.
Sabi ko na eh. I stayed quiet.
"Nine months na po kami, 'ddy." Halatang kinakabahan si Suzie kahit na hindi naman namin nakikita ang expression ni Daddy. Nasa unahan kasi siya.
"Makipagbreak ka na."
My jaw dropped. Hindi lang ako kundi pati na rin si Suzie.
"Daddy!"
"Hon, tigilan mo nga. Walang makikipagbreak. Alam ko na may boyfriend na ang bunso natin. Nakilala ko na rin si Mark, nung isang beses na pumunta siya sa bahay. He's a nice man."
Napangiti naman ako sa sinabi ni Mommy.
"Kilala mo ba 'yon, Shadd?"
"Hindi po. Ngayon ko nga lang nalaman na may boyfriend 'yan. Sorry, 'ddy. Hindi ko nabantayan."
Napalingon naman ako kay Shadd na nasa tabi ko lang. I mouthed 'what?'.
Umiling-iling lamang siya sa akin. Parang sinasabi niyang disappointed siya.
"Makikipagbreak ka, Suminare. Magtapos ka muna ng pag-aaral mo," he said with a cold voice. Seryoso na talaga ang mga magulang namin kapag tinawag kami sa pangalan namin.
"Nasa top pa rin naman po ako, Daddy. Hindi naman po bad influence ang pagkakaroon ng boyfriend. Nagtutulungan po kaming dalawa." Alam kong gusto nang maiyak ni Suzie pero pinipigilan lang niya.
"Ako, Daddy, kilala ko po. Katulad ng sinabi ni Mommy, mabait po si Mark. I don't see any reasons kung bakit sila magbbreak," sabat ko.
"Wag mong kinkuntsaba ang kapatid mo, Shaloice Kayrille. Hindi ko na hahayaan na mangyari ito sa pangalawang pagkakataon."
![](https://img.wattpad.com/cover/220688776-288-k727352.jpg)
BINABASA MO ANG
Set You Free
Teen FictionI am Shaloice Kayrille Lim and a friend of mine said that I deserve to be happy and that I shouldn't be dwelling in bitterness. What if things get worse if I follow my happiness?