04

51 12 0
                                    

S H A R I L L E

"Rusher's in coma," sabi ni Arsy habang umiiyak.

"WHAT?! Why?" hindi mapakali kong tanong.

Rusher is one of my friends sa Philippines and Arsy's boyfriend.
Umaga pa lang sa Pilipinas. Malamang ay hindi siya nakatulog ng maayos dahil minsan lang naman sila mag-away. Agang-aga umiiyak ang kaibigan ko.

"Nag-away kami kahapon," pagsisimula niya. "Nakita niya kasi sa isang picture, na hindi ko alam kung saan galing, na nasa mall ako at kasama si Cobi, magkayakap. Remember yung manliligaw ko nung high school. Hindi naman talaga kasi kami magkasama, nagkataon lang na nagkita kami doon at wala akong kasama kaya sinamahan niya ako. Sinabi ko namang okay lang ako na mag-isa pero hindi siya pumayag at sinabing sasamahan na lang ako dahil wala na rin naman siyang mahalagang gagawin. Wala na akong nagawa kaya kasama ko siya. Bibili lang naman talaga kasi ako ng regalo para kay Rusher kaya ako nagpunta sa mall pero hindi ko naman alam na yun yung magiging dahilan kung bakit comatosed sya ngayon. At kaya ko lang naman siya niyakap, I mean napayakap, ay dahil sa sobrang saya at pasasalamat. Wala ng iba pa, yun lang yung dahilan."

"Alam mo naman kasing may silent war yan sila Cobi at Raz eh. Of all people, si Cobi ang pinaka ayaw ni Raz na makikitang kasama mo tapos kayakap mo pa."

"I know," malungkot niyang pahayag.

"Have you told him kung ano ang totoong nangyari? Raz is not like the type of person na seloso"

"Hindi niya ako pinakinggan sa totoong nangyari. Umalis siya ng bahay na galit kaya hindi ko na sya nasundan pa. Tapos paggising ko kanina, tumawag sa akin si Tita at ayun nga," she said.

Halatang hindi nakatulog ng maayos ang best friend ko tapos ito kaagad ang bubungad sa umaga niya.

"Kasalanan ko 'to lahat" mahina niyang sabi na hindi naman nakatakas sa pandinig ko.

"It wasn't your fault at all, Arsy. Don't blame yourself" I said. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung sinisisi yung sarili niya sa nangyari na hindi naman niya totally kasalanan.

I sighed. "Maybe you are the reason behind pero hindi mo naman ginusto yung nangyari, neither Raz." I added.

"You know how much Raz loves you and ayaw niyang umiiyak ka so better cheer up, Arsy. God will definitely heal Raz in no time," pagpapagaan ko na loob niya.

If there's one thing na natutunan ko from my accident, yun ay ang magkaroon ng stronger faith kay Lord no matter what will happen.

I bid my farewell after she stopped crying but before we ended the call, we prayed to God na pagalingin na nya si Raz and that He will give the strength he needed.

Nalulungkot ako para sa kaibigan ko. Idagdag pa na wala ako sa tabi nya ngayon para samahan siya.

'Lord, kayo na po ang bahala. Patatagin niyo po ang kaibigan ko at ang pamilya ni Raz,' dasal ko.

PAGKAGISING ko kinabukasan, masama ang aking pakiramdam. Wala naman akong kailangang gawin sa University kaya nagpahinga na lang ako sa bahay. Nagpadala na lamang ako kay Ate Irah ng pagkain at gamot sa kwarto ko.

"Okay ka lang ba talaga, Shaloice?" tanong sa akin ni Ate Irah nang makita niyang balot na balot ako ng kumot. Ibinaba nya muna yung pagkain ko sa table na nasa tabi ko bago niya kunin yung remote ng Air conditioner at hininaan yon.

"Sandali lamang. Babalik ako," pagpapaalam niya sa akin.

Pagbalik niya ay may dala na siyang maliit na palanggana na may malamig na tubig pati towel. Pinunasan niya ako sa mukha, sa mga braso ko, at sa binti. Ganito palagi ang ginagawa sa akin ni Mommy kapag may lagnat ako.

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon