20

20 7 0
                                    

S H A R I L L E

"Bakit ngayon ka lang, Sharille?" Daddy asked.

"Alam niyo naman po na kasama ko si Arsy. Sorry po."

Tumango na lang si Daddy. Umupo na ako sa tabi ni Suzie at nakisalo na sa hapunan. Nilagyan naman ni Manang Sthar ng pinggan ang harapan ko.

"Thank you, Manang."

"Bakit parang galit si Daddy?" I whispered to Suzie.

Nagkibit balikat lang siya. I showed her my confused face but she still didn't answer me.

"Kumain ka na, Sharille."

Napatingin naman ako sa kumakaing si Daddy. "Ah opo. Sabi ko nga po."

Tumingin naman ako kay Mommy. Wala lang siyang pake. Si Shadd naman ay nagkibit balikat lang din. Ano bang problema ng mga tao dito sa bahay? Pumanik na kaagad ako sa kwarto ko pagkatapos kong kumain. Hindi ko alam kung bakit parang galit sila sa akin.

The next day, everything went back to normal. Hindi ko na rin inalala pa ang nangyari kagabi kung ano man 'yun. I just spent my whole day working some things in the company. Nagbago na rin yung schedule ko. Pinabago ni Daddy. Instead na maaga akong lumalabas, magtatagal na ako rito. Kasabay ko na umuwi si Shadd. Para na rin daw hindi ko inaabala si Kuya Paul kay Mommy.

Si Mommy kasi ay bumalik na sa pagtuturo, kaya palagi siyang umaalis ng bahay. She works in a learning center. Mas gusto niya na raw yung ganon, kaysa sa magturo siya sa bahay. Wala naman na kaming problema 'dun. Kung iyon ang gusto niya eh, edi go lang.


"Shaloice, may meeting tayo hah. Sa conference room gaganapin. Makikicheck naman kung malinis na, kahit maya-maya," Ms. Naomi said as I was reviewing some files, some time after I took my lunch. 

"Sige po. Tungkol saan po ba?" I asked.

"Hindi ka ba nag-open ng e-mail mo? We'll talk about the sudden change of our sales," she answered.

"Ah sige po."

"Tutal ay nabanggit ko na rin naman, I'll let you report the latest sales. Isesend ko sa iyo sa e-mail. Make sure to open it," biglang pahabol niya nang palabas na siya ng office ko.

Hays. Too much work to do. I opened my e-mail first and tama nga si Ms. Naomi, sinend na sa akin yung mga sales report. Bakit ko nga ba kasi hindi binubuksan ang e-mail ko? Eh ito nga yung ginagamit for important matters.

'Hindi ko alam sa iyo. Bakit nga ba? Magtrabaho ka na nga lang,' kastigo ko sa sarili ko.

Argh! Nababaliw na naman ako dito. Wait. Totoo ba itong nakikita ko? I immediately opened the message na galing sa sinalihan kong contest in photography.

O my gosh! My entry won the second place! Okay lang kahit hindi first placer basta, nanalo ako. Hindi ko inexpect na mananalo pa yung isinubmit ko dahil international contest iyon. Iniinvite nila ako na umattend ng awarding ceremony sa October 1 sa Singapore. That's 10 days from today.

I texted Arsy about the news and she replied so fast. Masaya din siya for me. Siya lang naman kasi ang nakakaalam. Hindi alam nila Mommy na sumali ako doon dahil hindi ko naman alam na mananalo ako. I just tried entering that contest, two months ago, kahit na alam kong mahirap makapasok sa finalists. 

"We should celebrateeee!" bungad niya sa akin pagkatawag ko sa kaniya. Napatawa naman ako. Mas excited ba siya sa akin. "Ipapaalam mo na kanila Tita?" 

Ipapaalam ko nga ba? 

"Oo naman, syempre. They will be so proud of you." Siya na ang sumagot sa sarili niyang tanong.

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon