S H A R I L L E
"What is beautiful in Tagalog?"
Nandito kami ngayon ni Ashy sa pantry ng company. Break naman namin kaya we decided na mag-aral sya ng Tagalog kahit papano para naman maintindihan niya yung mga pag-uusap ng ibang tao rito.
"Maganda," I answered.
"You are maganda. Is that right?"
Natatawa pa rin talaga ako sa way ng pagsasalita niya. May accent talaga kasi."In Philippines, you'll say 'ikaw ay maganda' or 'maganda ka' when saying to someone that she is beautiful."
"Maganda ka, Shayi."
I just showed him a thumbs up.
"How about handsome?"
I raised my eyebrow at him. "Gwapo."
"So gwapo ako?" he asked.
"Hmmm, maybe," I jokingly said.
"I know I am," mayabang niyang sabi sa akin habang ipinapakita ang muscles-kuno niya. Payat kasi 'to eh kala mong may muscles.
"What does 'putangina' means, Shayi? I always hear that word from the staff here."
Gulat akong tumingin sa kanya. Ang inosente niyang tingnan. Wala talaga siyang alam sa salitang 'yon.
"That is a bad word, Ashy. It's like the f word so don't you dare say that word. Understood?" mariin kong saad sa kanya.
Dali dali naman siyang tumango sa akin. "I didn't know. I apologize." I nodded and gave him a smile. Alam ko naman na sincere sya don.
Ang babaw man pero ayoko talaga kasi nung nagmumura. Hindi naman ako nabuhay para lang makarinig ng mga pagmumura sa buhay ko.
"How do you say 'did you eat already'?," patuloy pa rin niyang pagtatanong.
"You'll say 'kumain ka na ba?' or 'kumain ka na?'" He nodded and smiled, showing his white teeth.
Biglang sumulpot si Shadd sa harap ko. "Sharille, pakisamahan mo naman si Ms. Naomi. May kailangan kasi siyang imeet para sa financial records. Siya na muna ang bahala sa iyo."
Napabaling naman ang tingin ko sa kasamang babae ni Shadd. Mas matanda siya sa akin, siguro ay nasa mid 30's sa tingin ko.
I smiled at her. "I'm Naomi, Ms. Lim. I am the Chief Financial Officer. It's nice to finally meet you."
Iniabot naman niya ang kamay niya upang makipagkamay at tinanggap ko naman ito. "Shaloice na lang po. I'm glad to meet you too po." Tumungo naman ako para magbigay galang.
"This is my cousin from US, Ash Alexander Danxworth," pagpapakilala ko naman kay Ashy. Nakipagkamay din ito sa kanya.
"Sige na, Ms. Naomi. Maiwan ko na po kayo. Kayo na po ang bahala sa kaniya."
Bumaling naman siya ng tingin kay Ashy. "Ash, come with me." At nauna nang umalis si Shadd.
"See you later, Shayi," he said bago tumakbo pasunod kay Shadd.
I'm really proud of my twin dahil sa sandaling nandito siya ay natutunan na niya ang paghandle nito.
"Shall we?" Ms. Naomi asked me. Tumango naman ako bilang sagot.
Pumunta na kami sa parking and yung sasakyan niya ang ginamit namin. Alangan namang sakin? Eh wala naman akong sasakyan at hindi ako maalam.
"Ms. Naomi, saan po ba tayo pupunta?" I asked while she is driving.
BINABASA MO ANG
Set You Free
JugendliteraturI am Shaloice Kayrille Lim and a friend of mine said that I deserve to be happy and that I shouldn't be dwelling in bitterness. What if things get worse if I follow my happiness?