14

26 9 0
                                    

S H A R I L L E

Hindi ko alam kung magsasalita ba ako, kung tatanungin ko ba kung saan kami pupunta, o ano. Tahimik lang kasi kami pareho. Tanging ang tunog lamang ng musika na nagmumula sa sasakyan ang naririnig namin.

Naglaro na lang ako ng word search sa phone ko para naman hindi ako mukhang ewan na naghihintay na magsalita siya. Saan ba kasi kami pupunta? Hindi ko rin alam.

Inabot kami ng traffic sa daan kaya naman mas naging awkward yung atmosphere sa loob ng sasakyan.

I heard him sigh. Napalingon naman ako sa kanya. Nakatingin rin pala siya sa akin kaya mabilis akong tumingin sa labas.

What was that, Sharille? Fudge!

"I'm sorry, Loi."

"For what?" kunwaring takang tanong ko sa kanya. Alam ko naman na talaga kung para saan yun. Dahil iyon lang naman ang maaaring dahilan.

"For leaving you behind before."

I faked a laugh. "Ano ka ba? Wala na 'yon. Past is past." Hindi pa rin ako lumilingon sa kaniya.

Hindi ko na siya narinig na sumagot pa kaya tumahimik na lang ulit ako. Pinakinggan ko na lang yung musika.

"Loi..." May tumatapik sa akin. "Nandito na tayo."

Iminulat ko naman kaagad ang mga mata ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa byahe. Lumayo naman na si Patrick nang makitang gising na ako. Naging conscious ako bigla dahil ang lapit ng mukha niya kanina sa akin.

Tumingin ako sa labas. Coffee shop? Inayos ko muna yung sarili ko bago lumabas ng sasakyan. Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan niya ako ng pinto.

Sabay na kaming naglakad papunta sa coffee shop. Alangan namang unahan ko siya, diba? Eh siya nga yung nag-initiate nitong meeting na 'to.

Inilibot ko yung tingin ko sa loob ng shop. It's not the typical coffee shop. May malalaking bookshelves ang nakakalat at maraming paintings ang nakasabit sa mga pader. My dream coffee shop. Hindi rin ito matao.

Naglakad kami hanggang makarating ulit ng isa pang pintuan. Pumasok naman kami dito.

"Omg"

I can't believe what I'm seeing right now. Ang ganda ng view. What is this place? This is already paradise for me.

I heard him laugh kaya naman napabalik ako sa realidad. Nakaupo na pala siya habang ako ay nakatayo pa rin dito. Nahiya naman ako para sa sarili ko.

Umayos ka nga, Sharille.

"Anong gusto mo?" he asked habang nakatingin sa menu. Parang restaurant type kasi sya.

"Iced Caramel Macchiato na lang sa akin pati isang slice na rin ng Red Velvet cake."

Tinawag naman niya yung waitress at sinabi ang orders namin. Hindi pa rin ako tumitigil sa pagtitig sa magandang view dito. I should go here more often. Isasama ko si Suzie o kaya ay si Ashy kapag nagkataon.

"Loi"

I can see the beautiful sky from here. Tamang tama lang din yung mga halaman na nakalagay. It's like nasa Garden of Eden ako. Maganda siguro dito kapag sunrise and sunset.

"Hey!" I was snapped back to reality. "Nakikinig ka ba, Loi?"

"Sorry. I was just amazed of the view," I said, shyly.

He smiled. "I'm glad you're happy. Ganyan din reaction ko dati nung una kong punta dito. Sayang nga at hindi popular ito, pero malago naman kaya maganda na rin."

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon