25

28 5 5
                                    

P A T R I C K

"Pre, lakad mo naman ako sa kaibigan mo oh," biglang sabi ko kay Clifford. 

"Kanino? Wala naman akong kaibigang papatol sa iyo."

"Tanga ka. Anong walang papatol? Asa ka ah." 

"Kanino ba?" 

Wala naman talaga akong balak. Parang naisip ko na lang bigla. Sino bang mga kilala kong kaibigan nito? Ah! Yung palagi niyang kasama.

"Kay Shaloice." 

"Gago. Wag yon. Wala kang pag-asa don. Wala 'yong plano sa mga ganyan, bro. Ako na nagsasabi sa iyo." 

Hindi ko pa nga nasisimulan, wala na kaagad pag-asa? Parang nachallenge ako dahil sa sinabi niya ah.

"Kaya nga tulungan mo ako. Susubukan ko lang." 

"Seryoso ka, bro?" 

"Oo nga aba." 


Papunta ako ngayon sa field dahil sabi ni Clifford ay magkita daw kami dito. Pero si Shaloice lang ang nakita ko. 

"Shaloice!" 

"Bakit po?" 

Po ampotek. Mukha ba akong matanda? 

"Nakita mo ba si Clifford?" I asked. Tangina mukha kong ewan. Bakit ba ako nahihiya sa kaniya?

"Iniintay ko nga eh. Sabi kasi niya may kakausapin daw siya kaya dito ko na lang siya iniintay." Ang hinhin niya magsalita. Paano niya naging kaibigan si Clifford? 

"Tangina. Naisahan ako ng kupal," bulong ko, pero mukhang narinig pa rin niya. Wala pa nga akong naiisip na paraan para magpakilala dito kay Shaloice, tapos, pagkikitain niya kami ng ganto ganto lang? 

"Language." 

Lagot. Nainis ko ata. Hindi ba siya sanay na nagmumura yung mga taong nasa paligid niya? 

"Sorry," sabi ko na lang. 

"Wag mo na lang po uulitin," awkward niyang sabi. Ang cute potek. Tumango-tango na lang ako sa kaniya. 


"Pre, ibigay mo nga 'to kay Shaloice. Wag mong babasahin ha? Sasapakin talaga kita kapag binasa mo 'to," sabi ko kay Clifford bago ko ibigay yung ginawa kong letter.  

Nagpatulong pa ako sa pinsan ko para diyan dahil wala naman akong alam sa mga ganyan. Nilagay ko na lang dun na crush ko siya dati pa pero nahihiya lang ako, pero hindi naman totoo. 

"Bakit ko naman 'to babasahin? Ano ba 'to, love letter? Ang baduy mo, bro." 

Hindi ko nga rin alam kung bakit ako magbibigay ng letter. Sabi kasi yon ng pinsan ko. Mas magugustuhan daw ng mga babae ang mga sulat-kamay na liham. 

"Basta. Ikaw na bahala diyan ah." 


"Hoy, kinukulit na ako ni Shai kung sino ba daw yung nagpapabigay nung mga letter. Ano na? Kailan ka daw magpapakilala?" 

Walastek! Iniisip ko pa nga kung papaano. Ang cute kasi niya ampotek. Pati ang bait kaya parang isang maling galaw ko lang, wala na.  

"Ichachat ko na lang siya. Gago, nahihiya ako sa personal." 

"Bahala ka na dyan ah. Labas na ko diyan. Natulungan na kita." 

Kinagabihan ng pag-uusap namin ni Clifford, minessage ko siya sa Instagram niya. 

Tangina. Active now. 

Ptrck0911: hi

izmekayrille: hi po

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon