18

19 8 0
                                    

S H A R I L L E

"Nasaan na daw si Shadd, Sharille?" Daddy asked. Siya na lang kasi yung hinihintay namin. Umuwi si Daddy nung isang araw pa para dito sa Reunion ng mga Lim.

"On the way na raw po, 'ddy. Hindi na po nagrereply sa akin. Baka po nagddrive."

Sa bahay kasi ng lolo ko ang punta namin. 5 hours mahigit ang byahe galing dito sa amin, kung may traffic. Sa condo natulog si Shadd kagabi kaya wala siya dito sa bahay. Gusto ni Daddy na isang sasakyan na lang yung dalhin para daw hindi nakakapagod at hindi sayang sa gas.

Si Kuya Paul lang ang kasama namin habang sa bahay lang sila Manang Sthar at Kuya Luis. Nagpaalam naman si Ate Irah na uuwi muna sa kanila, sa probinsya, kaya wala siya dito. 

"Oh ayan na pala si Ahia  eh."

"Sorry, I'm late." 

Tumango  na lamang si Daddy sa kaniya. "Manang, kayo na po muna ang bahala dito ulit. Siguraduhin niyo pong nakalock ang mga pintuan at gate," bilin ni Daddy kay Manang Sthar. 

"Shadd, ilagay mo na ang gamit mo sa sasakyan."

"Opo," my twin answered before walking out. 

My phone suddenly rang. Tiningnan ko naman ito. Si Patrick pala. Sinagot ko muna ito at pumunta sa garden. Nasa sala kasi kami kanina, I mean nandun pa rin naman sila. 

"Hello?" 

"Hey, Loi!"

"Oh? Hype mo ata ah? Bakit ka napatawag?" I heard him laugh sa kabila. 

"Hindi naman. I just want to ask if you're free today?" he asked. 

"Bakit? Saan ang punta?" 

"Planetarium sana. Free ka?" 

Kung kailan naman hindi pwede hays. 

"You know I can't," I said. 

"Luh. Bakit naman?" 

"May lakad kaming family ah. Remember I told you last week? Pupunta kami sa Lucena. Reunion ng Lim." 

"Ah. Oo nga pala. Nakalimutan ko eh. Sorry." 

"Tutuloy ka pa rin? Si Celine na lang isama mo o kaya isama mo rin sila Tito." 

"Baka hindi na lang. Ayaw ni Celine. Paulit-ulit na lang daw ako," natatawa niyang sabi.

Nakwento nga niya sa akin na palagi daw silang pumupunta doon ni Celine, kaso palagi na lang daw tinutulugan ng kapatid niya yung pinapanood nila.

"Sila Cedric ba?"

"Ayaw ng mga kumag. Mga busy sa kung saan. Sige na at baka hinahanap ka na. Ingat kayo."

"Ikaw din. Sorry talaga. Next time na lang siguro." 

Bumalik na ako sa loob ng bahay nang i-end ko yung call namin. Naka-ayos na ang lahat at si Mommy na lang ang hinihintay. Nag-aayos pa ata. 

Naglaro na lang ako sa phone ko at nakinig ng music buong byahe hanggang sa makarating kami sa Lucena. Si Lorna kaagad ang bumungad sa amin, pinsan ko.

"Achi!," tili ni Suzie. Nagyakapan naman silang dalawa. 

"Elize, parang lumaki ka ah," Lorna said, laughing. Napasimangot naman yung kapatid ko. Hindi kasi biniyayaan ng katangkaran 'yan nung nagpaulan si Lord ng height. 

"Achi Lorna naman eh. Pati ba naman ikaw." 

Nakipagbeso naman siya kay Mommy at nagmano kay Daddy. Nginitian niya lang kami ni Shadd dahil hindi naman kami ganon kaclose. Si Suzie lang talaga ang close sa kanya. Magkasing tanda lang naman din kami. 

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon