13

28 10 0
                                        

S H A R I L L E

It's already Thursday and sa isang araw na ang celebration ng birthday ni Daddy kasama yung mga partners niya sa business.

"Nak, can you give the invitation to Peter of PL Chemicals? I've heard nakilala mo na siya last time."

Seriously, Daddy? Hindi na kasi pinaalam sa kaniya yung past relationship ko kaya hindi niya alam.

"Ah yes. Sige po. I'll personally give this to him."

Ayoko naman na ireject si Daddy kaya pumayag na ako. Nagpasama na lamang ako kay Ashy since wala naman na siyang ginagawa dahil hapon na.

"Ashy, can you come with me?" I asked nang pumunta ako sa office ni Shadd dahil nandun siya.

"San ang punta nyo, Sharille?" sabat ni Shadd.

"Sa PL Chemicals. May iniuutos lang si Daddy."

Nakita ko namang nagulat siya. Iniisip niya siguro kung bakit ako pumayag na pumunta dun kung gayon namang ayaw ko na bumalik pa dun.

"Ako na lang kaya gagawa? Ano ba yung iniuutos ni Daddy?" tanong niya na may pag-aalala.

"Hindi na, Ahia. Kaya ko naman 'to. Saglit lang naman ako 'don dahil ibibigay ko lang yung inivitation ni Daddy. Pati baka may gagawin ka pa."

"Let's go?" Ashy asked na nakaayos na pala.

"Pano kayo pupunta 'dun? Wala si Kuya Paul dahil kasama ni Mommy. Si Kuya Luis naman, susundo kay Suzie."

"Pwede namang magtaxi na lang or magGrab kami. Hindi na ako bata, okay?" I sweetly said.

"Mahihirapan pa kayo. Gamitin nyo na lang yung sasakyan ko. Maaalam naman magdrive si Ash diba?" Tumingin naman siya kay Ashy. "Is your license with you?"

Tumango naman si Ashy. Ibinigay naman ni Shadd yung susi ng sasakyan niya. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.

"I really like you. I want to confess."

Fudge! Bakit may kanta si Shadd nito?

"But I'm scared to find out the truth,

whether if you like back or not.

I wonder everyday until my mind goes insane.

Please tell me how you feel."

Ito yung kinakanta sa akin ni Patrick dati. Hindi ko 'to makakalimutan syempre. Pinag-aralan daw niya ito ng mabuti kasi boses babae yung original na kanta. Buti nga at kaya niyang kantahin sa sarili niyang version.

"Baby, I like you a lot.

I love it when you look at me with that smile on your face."

Hindi ko na tinapos pa ang kanta. Inilipat ko na agad ito. "Why did you change it? It's a nice song. Catchy it is."

"I just don't like it," kibit balikat kong sagot. Katulad ni Daddy, wala siyang alam tungkol sa amin ni Patrick. Almost one year lang naman yung naging relasyon namin at ako lang naman ata ang nagseryoso non. Oo, almost one year lang kasi nakipagbreak siya sa akin exactly our first anniversary. Mabuti at hindi na siya nagtanong pa at hinayaan na lang ako sa gusto kong mangyari.

"Do you have an appointment, Miss?" tanong ng secretary ata ni Tito Peter sa akin.

Ngayon ko lang napagtanto na pumunta ako dito na walang pasabi. "Pakisabi po si Shaloice Lim, Miss." I'm trying to convince her kahit na alam kong may rules sila dito.

Set You FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon