S H A R I L L E
Mabilis na lumipas ang ilang linggo. Everything's been smooth. Si Daddy ay bumalik na sa Japan para ihandle yung branch namin dun. Sila Ashy at Aunt Milly naman ay umuwi na ng Nashville, Tennessee. Gusto pa nga magstay ni Ashy pero hindi pwede dahil may pasok na sila by next month. Si Shadd naman ay patuloy pa rin na itinetrain ni Tito Ethan sa kompanya at palagi pa rin akong isinasama ni Ms. Naomi sa mga meetings niya. At si Patrick? Palagi na kaming nag-uusap. Ito na rin siguro yung sinasabi ni Arsy na sundin ko naman daw kung san ako magiging masaya.
Ang dami na kaagad ang nangyari sa pananatili ko dito sa Pilipinas. Akala ko magiging torture ang pagbalik ko dito, tatlong buwan na ang nakararaan, ngunit hindi naman pala.
Nandito ako sa office ko ngayon. Yes, may office na akong sarili sa Finance Department. Sa cubicle office lang kasi ako nagstay for two months since baguhan pa lang naman ako noon. And sa loob ng dalawang buwan, nakuha ko kaagad ang mga dapat kong matutunan dito sa kompanya dahil hindi naman na ganun kabago sa akin ang mga gawaing ito. Napag-aralan ko na ito sa States pa lang and nag-undergo trainings na rin naman ako.
"Shaloice, makikisuyo naman oh. Papirmahan mo kay Sir Ethan yung mga papeles."
"Ngayon na po?"
"Oo sana. Pero ireview mo muna dahil baka may mali."
Tumango naman ako kay Ms. Naomi. Naging close na rin kami ni Ms. Naomi. May mga nakakausap din naman ako na mga kasama ko dito pero madalang lang. Katabi lang ng office ko ang office niya kaya mabilis lang kung may kailangan kami sa isa't isa. Perks of being the daughter of the owner, I guess?
Nireview ko muna yung papers katulad ng sinabi ni Ms. Naomi bago ito dalhin kay Tito Ethan. Pabalik na ako ng office ko nang magvibrate ang phone ko. May nagmessage siguro.
From Patrick:
Kumain ka na? Tara kakain.
Napangiti naman ako bago siya replyan.
Hindi pa. Saan ba?
Sunduin na lang kita diyan.
Alright. Ingat sa pagdrive!
Hindi na siya nagreply pa. Malamang ay papunta na. Ilang beses na rin kaming kumain sa labas kaya hindi na bago sa akin ito. Naging clingy siya sa akin somehow and I like it.
"Saan mo gusto kumain?" bungad niya sa akin pagkapasok niya ng office ko. Ni wala man lang hi or hello.
"Ikaw nag-aya diba? So ikaw din bahala," tugon ko.
Inirapan niya lang ako. Tumayo na ako at naglakad palapit sa kaniya. Kinurot ko naman kaagad ang pisngi niya. Nakakagigil dahil para siyang si Jollibee na mala-siopao ang pisngi.
Pumunta naman kaagad kami sa sasakyan niya. Alam na rin pala niya na hindi pa rin ako marunong magmaneho. We've been open to each other to earn each other's trust. Syempre, this is the start of something new nga sabi niya.
We went to a nearby fast food restaurant, KFC. Actually pwede ngang lakarin lang ito galing sa kompanya, kung sisipagin ka, dahil malapit lang naman ito. Eh kaso nga lang mainit at nakakatamad maglakad.
"KKB 'to ha." I said. Ayoko kasi na palagi akong nililibre. More likely, gusto ko ako yung nanlilibre.
"Oo na. Palagi naman diba?" natatawa niyang sabi bago ako tumungo sa counter para umorder. Sumunod naman kaagad siya sa akin sa pila.
BINABASA MO ANG
Set You Free
Teen FictionI am Shaloice Kayrille Lim and a friend of mine said that I deserve to be happy and that I shouldn't be dwelling in bitterness. What if things get worse if I follow my happiness?