S H A D D
"Okay naman na si Arilia. Nagpapagaling pa rin siya. It's just that..."
Tiningnan niya ako. "That?"
"Wala na si Rusher."
Lalo lang siyang naiyak dahil sa sinabi ko. Naging malapit na rin kasi sila sa akin.
Nalulungkot ako para sa kapatid ko. Kaya hindi naman namin ipinaalam kay Sharille ang nangyari kay Arilia at kay Rusher ay dahil ito ang gusto ni Arilia. Ayaw niyang mag-alala pa si Sharille kaya naman ginusto niyang hindi na sabihin pa.
Pumasok si Suzie sa office ko na hinihingal pa. "Ahia! Nabalitaan mo na ba ang nangyari kay Kuya Rusher?"
"Oh anong nangyari?" I asked while checking some papers na nasa desk ko.
Umiling-iling ang kapatid ko sa akin na parang nababaliw. "Ahia, naaksidente daw si Kuya Rusher. Si Kuya Clifford lang ang nagsabi sa akin."
Napatingin naman ako sa kanya. Tinitingnan ko kung nagsasabi ba ng totoo ang kapatid ko. Mahilig kasi magbiro yang kapatid ko kaya minsan nakakapagtaka na lang. Naging spoiled din kasi 'yan si Suzie sa aming lahat kaya naman close na rin siya kanila Clifford.
"Sigurado ka ba diyan? 'Wag mo na munang sasabihin sa Achi mo yan hah" Tinawagan ko naman si Mommy nang masiguro ko kay Arilia ang nangyari kay Rusher. She said na parang wala naman daw alam si Sharille.
Isang araw pa lamang ang lumilipas nang makauwi ako ng Pilipinas mula sa States nang mabalitaan kong may nangyari sa kaibigan namin. Hindi naman kaagad ako nakapunta dahil hindi ko basta basta maiwan ang trabaho at may tinatapos pa ako. Hindi naman din pwede na dumalaw ako ng hindi na visiting hours.
"Hey," I greeted Clifford. Siya lang yung naabutan ko na nakabantay kay Rusher. "Hey Rush," bati ko sa natutulog na Rusher.
"Bro, bumangon ka na diyan oh. Hindi pa nga tayo nakakapagplano ng proposal mo diba?" I can't help but to be emotional. Siya kasi yung pinakamalapit sa akin.
"Kidd," Cliff called me. Alam ko malungkot din siya pero ayaw niya lang ipakita. Tumingin naman siya kay Rusher at kinausap din ito.
"Raz, bat naman ganun? May balak ka na pala magpropose? Di mo man lang ako sinabihan," nagtatampong sabi niya. "Tumayo ka na diyan oh. Tutulungan pa kita -- namin."
He looked at me and nakita kong malungkot yung mga mata niya. "Wag ka ngang umiyak hoy. Baka pagtawanan tayo ni Rusher," I joked, still emotional.
"Sino ba kasing may sabing magdrama ka in the first place?" Parehas kaming natawa ng mahina sa sinabi niya. It's good to be friends with them. No wonder kung paanong naging kaibigan sila ng kapatid ko.
"Nasaan nga pala si Arilia?" I asked. It's weird na wala siya dito. Siya kasi yung inaasahan kong nandito dahil boyfriend niya 'to. Ang parents naman ni Rusher ay nasa ibang bansa as far as I know. And sa looks pa lang ni Cliff ay parang kanina pa siya dito.
Tiningnan naman ako ni Cliff na nagtataka. I raised my eye brow.
"Hindi mo ba alam?" he asked.
Anong hindi ko alam? I looked at him with confusion. "See for yourself. Nandiyan sa kabilang kwarto."
"Good afternoon po, Tita." I greeted Arilia's mom as I went inside the hospital room na katabi nung kay Rusher. I gave Aquarias a nod na nasa tabi lang ng bed kung nasaan si Arilia. "Tita, how is she po? Kagagaling ko lang po sa kabila."
She lightly patted my shoulder. "Okay naman na siya. Thank you for visiting her, Kidd."
"Wala po iyon, Tita. No worries," I said to her. Eh hindi ko nga alam kung anong nangyari.
BINABASA MO ANG
Set You Free
Teen FictionI am Shaloice Kayrille Lim and a friend of mine said that I deserve to be happy and that I shouldn't be dwelling in bitterness. What if things get worse if I follow my happiness?
