S H A R I L L E
"Achi!"
Pinandilatan ko naman siya ng mata. Habang hawak hawak ang cellphone niya.
"Yes, hello? This is Suminare's sister. Don't you have plans introducing yourself to our family?"
Inagaw ko kasi yung phone niya. Kausap niya yung boyfriend daw niya na si Mark.
"Uhmmm, hi po?" Mark answered, feeling awkward.
"Achi naman!"
"Hi, Mark. So about my question a while ago, do you have plans?" nagmamabilis kong tanong sa kanya.
"I want to--" Hindi ko na narinig pa ang sinasabi ni Mark dahil kinuha na 'to ni Suzie.
"Mamaya na tayo mag-usap ha? Sige sige."
Mabilis na humarap sa akin si Suzie matapos niyang i-end ang call nila.
"Bakit ba kasi, Achi?" naiinis niyang tanong sa akin. "Bakit ka ba nandito?"
"Aba'y syempre. Ayaw mo ba? Sige isusumbong na lang kita kay Mommy," pambablack mail ko sa kaniya.
"Sige, subukan mo."
"Don't you dare me, Siobe. Alam mong kaya ko 'yun gawin." I said in a grin.
Umamo naman bigla ang mukha niya nang marealize niyang talo siya sa aming dalawa.
"Oo na. Isecret na lang muna natin ulit, Achi. Baka magalit sa akin sila Daddy eh. Ayoko nun."
"Siguraduhin mo lang, Suminare Elize," pagbabanta ko sa kaniya.
Ayoko lang talaga kasi na matulad siya sa akin dun sa nangyari sa akin with Patrick. Hindi ako yung tipong protective sa kapatid ko pero kapag usapang pag-ibig, ay nako, unang una na ko sa listahan ng mangengeelam. Learning from your mistake is the best experience. Hindi naman ako mapanghusgang tao pero di ko lang talaga maiwasan.
We're heading to the mall to buy gift for Daddy. Kauuwi ko lang from work and pinagpahinga ko na si Ashy sa kwarto nya, habang ako naman ay dumeretso dito sa kwarto ni Suzie. Little did I know na may kausap pala siya sa phone.
"Get yourself dressed up, Siobe. Punta tayong mall."
She rolled her eyeballs. "Your treat ha? I'm broke. At nga pala, 'Chi, intayin mo na lang ako sa sala. Dun ka na lang at baka kung ano pang gawin mo rito," she said before entering her walk in closet.
Umalis na ako 'dun tulad ng sinabi ng kapatid ko. Si Shadd naman may kailangan pa daw gawin kaya nauna na kami ni Ashy umalis.
Ang alam ko ay uuwi si Daddy mamayang gabi para nandito siya sa special day niya with us. Hindi ko alam kung ano pang dapat kong ibigay sa kanya dahil alam ko namang kaya niyang bilin with his money yung mga gusto nya. Pero gusto ko pa rin na may ibibigay ako sa kanya.
"Achi, ito oh maganda." Turo niya sa isang relo.
Lumapit naman ako 'don. Tama nga si Suzie. Maganda yon. Kaya ko naman siya sinama dito ay para may katulong ako sa pagpili. Bukod kasi sa wala kong alam sa ganyan, kaclose nya pati si Daddy.
"Miss, kunin namin 'to," I told the staff while pointing the watch na napili namin.
Habang naghihintay ay may nakita akong familiar na lalaki na papasok sa katapat na shop.
"Achi, si Kuya Patrick ba yon?" Suzie asked. Hindi lang pala ako ang nakapansin.
Nagkibit balikat lang ako bilang sagot. Pero alam kong siya 'yun. Ano namang ginagawa niya dito?
![](https://img.wattpad.com/cover/220688776-288-k727352.jpg)
BINABASA MO ANG
Set You Free
Fiksi RemajaI am Shaloice Kayrille Lim and a friend of mine said that I deserve to be happy and that I shouldn't be dwelling in bitterness. What if things get worse if I follow my happiness?