TroyMaaga akong pumunta ng school dahil wala naman akong gagawin sa condo kondi matulog lang at humiga buong araw, baka kapag na natili ako doon hindi na ako makapagaral. Naglakad na ako papuntang canteen 8:00 a.m pa naman at mamayang 10:30 pa magsisimula ang first period ko. Naisipan ko muna magkape pang patanggal lang nga hangover na parami kasi ang inom ko ka gabi.
Ayoko namang mag mukhang lutang mamaya sa klasi baka pagtinokso ako at wala akong maisagot baka pagtawanan lang ako at ma disappoint ko ang mga babaeng humahanga sakin. Kailangan ko paren maging cool at maging mukhang matalino sa klasi. Kahit na walang laman ang utak ko kong di puro gimik at babae.
Bakit ba kasi ito ang nakahiligan kong buhay. Hindi naman ito ugali ni papa noon pero bakit ganito ako. Saan ko kaya na mana to. Isang hambug na babaero nga ako, pero may puso naman ako pero dipendi kong sino ang kinakausap ko.
"Sir, hito na po ang kapi niyo"
"Salamat po"
Umopo na ako sa isang table na malapit sa bintana. Gusto ko kasing makita kong sino sino ang dumadaan tuwing ganitong oras. Wala lang gusto ko lang ng ganitong trip. Kaya kayang trip lang yan minsan. At isa pa may hinahanap talaga akong babae yong naka bangga sakin kahapun. Gusto konlang siyang tanungin kong siya ba talaga yong na kita ko sa bar ka gabi.
Hindi lang ako sure pero gusto ko talaga siyang tanongin. Malay mo matulongan ko pa siya na maghanap ng trabahong maayos at hindi maging isang call girl. Ang pangit kasi tignan sa isang ka tulad niya na may itchura tapus ganon ang trabaho at isa pa dito pa siya nagaaral sa isang kilalang school.
Pero kong mayaman naman siya bakit niya pa kailangan magtrabaho sa bar. Bakit doon pa siya magtra-trabaho kong may matinong trabado naman ang naghihintay sa kanya. Hay na ko! Naiisip ko na naman ang walang kwentang babaeng yun. Bakit ba concern na concern ako sa kanya, ni hindi ko naman siya ka ano ano.
At anong paki ko kong natra-trabaho siya sa bar. Hindi ko na kasalanan yun. Iinomin ko na sana ang kapi ng bigla siyang dumaan sa harap ko. Tumayo agad ako at hinabol siya.
"Miss. Sandali lang" sigaw ko. Buti na lang narinig niya kaya tumigil ito sa paglalakad.
Lumapit ako sa kanya ng dahan dahan para ka usapin siya, pero paano ko siya kakausapin nito kong nakayuko na naman siya at natatabunan na naman ng bangs niya ang mukha nito. Ayaw niya ba talagang kausapin ako. Hey! Miss ako to si Troy Tiangji isang sikat, gwapo at matalino.
"Bakit mo ko tinawag, maykailangan kaba" wika ni to. Napaatras ako sa sinabi niya, bakit ang cold cold niya magsalita. Daig niya pa ang patay sa tindi ng boses niya.
"Tsk! Hindi mo ba ako haharapin?"
"Ako ang unang nagtanong, kaya sagutin mo ko"
"What if I don't"
"Okay, bye" tumalikod na ito sakin at nagsimula na naman siyang maglakad.
Ano batong pinasukan kong gulo. Bakit ba ayaw niya akong kausapin. Halos lahat ng mga babae dito panay ang pagpapansin sakin para lang makausap ko sila. Pero siya para wala lang sa kanya kong sino ako. Hindi niya ba alam na habolin ako ng mga babae maliban lang sa kanyan.
"Miss, sandali nga lang" sabay kong kinuha ang kamay nito at sa subrang gulat ko binitawan ko agad.
Bakit ang cold, cold ng kamay niya. Hindi naman siya siguro patay. Pero paano kong patay na tong kinakausap ko. Shit! Wag naman sana. Ako bang klasing babae itong nasaharap ko at ang hirap hirap pa amohin.
"Ano?"
"Tatanongin sana kita kong ikaw ba tong nakita ko sa bar ka gabi?"
"Kong nakita mo nga ako anong pakialam mo?"
"Nagtatanong lang naman ako bakit ba ang suplada mo ngayon. Kahapun parang takot na takot ka ngayon naman parang galit ka at sinisindak mo pa ako"
"Tsk! Yan lang ba ang sasabihin mo. Aalis na ako"
"Wow, ganyan lang ang sasabihin mo sakin?"
"Just leave me alone kong ayaw mong madamay sa gulo ng buhay ko"
"Hindi talaga ako titigil hanggat hindi mo sinasabi sakon na ikaw mis mo ang na kita ko sa Bar?"
"May mata ka, bakit ayaw mong maniwala sa mga nakikita mo"
"Kaya nga nagtatanong ako sayo"
"Okay, pwedi na ba akong umalis"
"Hindi pwedi"
Bakit ba ang tigas tigas ng ulo ng babaeng to. Tinatanong ko lang naman kong siya yong babae nasa bar tapus kong ano ano na ang sinasagot sakin. Hindi niya ba na iintindihan ang tanong ko. Oo o hindi lang naman ang hinihintay kong sagot niya tapus kong saan saan na siya na pupunta..
"Okay" wika nito at nagopatuloy na naman siya sa paglalalakad. Hindi niya ba alam ang kahulogan ng hindi pwedi.
Tsk! Kainis naman tong babae na to pinapahirapan ako. Ngayon lang ako na ka tagpo ng babaeng ganito ang ugali. Akala mo kong sino maganda siya na nga itong nilalapitan ko siya pa ang aayaw ayaw. Bahala siya sa buhay niya kong ayaw niya akong kausapin wala akong paki. Hindi siya kawalan, isang call girl lang naman siya.
Bakit ba kasi tinatanggap pa ng school nato ang mga ganong klasing studyanti. Hunda talaga siya sakin. Tignan ko lang sa susunod kong makakapagsalita pa siya sa gagawin ko sa kanya. Akala niya siguro hindi ako naiinis sa kanya. Kong maga sagot sagot siya sakin parang kayang kaya na niya akong pa tumbahin.
Pwes nagkakamali siya. Kainis hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. Bumalik na ako sa table ko at ininom ang kapi na naglalamig na. Kasing lamig ng kamay niya ang kapi na iniinom ko ngayon. Tumayo na ako at lumabas sakto naman dumating na sina James at Marcus.
"Bro, ang aga mo naman dumating? Siguro may bagong kang bebot ngayon na penopormahan"
"Ang aga aga puro babae na ang nasaisip niyo"
"Syempre, alangan ibang isipin namin sayo. Alam mo Troy alam na namin ang bawat galaw mo. Di ba Marcus"
"Bobo mo talaga James. Na kipagsex ka lang ka gabi ang dumidumi na ng utak mo"
"Wow, nagsalita ang hindi madumi ang utak"
Hinayaaan ko na lang si James alam kong inaasar naman niya ako. Palibhasa kasi naka score kaya ayun nagfe-feeling fuck boy na naman siya. Kong may saliri lang akong pera at bahay siguro ang dami ko ng mga anak ngayon at sigurado akong wala binatbat si James sakin. Mas magaling kaya ako sa kanya. Mukha pa lang talo na siya paano pa kaya pag sa kama na ang pinaguusapan.
"Tara mag cutting class tayo" wika ni Marcus.
"My test tayo ngayon. Wag mo kaming idamay" pagsasalita naman ni James.
"Ikaw ba Troy? Sasama ka sakin"
"Ikaw na lang wala ako sa mood"
"Poor, Marcus!"
"Marcus, kilala mo ba yong babae na ka bangga sakin kahapun"
"Oo bakit mo naman na tanong interisado kano"
"Hindi, basta sakin na lang yon"
"Sige ka, hindi ko ibibigay ang pangalan niya sayo"
"Ako pang hinahamon mo, basta wag kang sasama mamaya sa bar"
"Rein Heart Salasar, ang pangalan niya ikaw naman parang hindi ka ma joke"
Rein Heart Salasar pala ang pangalan mo. Sige humanda ka sakin dahil ikaw na ang magiging target ko this month. Ihanda mo na ang sarili mo nerd or should I say call girl na nagtra-trabaho sa bar. Tatapusin kona ang maliligayang araw mo sa school na ito.
----