Chapter 11

36 17 0
                                    

Troy

"Sanction, na late kasi ako"

"Ganon ba, buti naman at sanay ka na maglinis ng cr. Siguro ginagawa mo parati to?"

Gusto kong matawa sa sinabi niya pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Anong akala ng babae nito sakin parating akong na la-late sa klasi. Hindi niya ba alam na nagaaral ako ng ma buti.

"Hindi naman sa ganon. Ngayon ko lang nga na gawa ito sa buong buhay ko"

"Sorry, anak mayaman ka pala. So, anong masasabi mo dahil pinalinis ka ng cr?"

Paano ko ba siya sasagotin. Seryoso ba o kwela? Ano bang tapat kong gawin para lang magmukha akong normal sa kanya at para naman hindi siya ma ilang sakin. Kasi na ka dipendi ren minsan sa tuno ng pananalita mo ang pinagbabasihan ng mga tao kong naniniwala ba sila sayo o hindi.

"Una, naiinis ako dahil hindi naman akong marunong maglinis. Pangalawa nakakapagod dahil ikaw lang magisa. Pangatlo mahirap at saka mabaho"

"Tsk, marami ka pang hindi alam sa mudong kinabibilangan mo"

"What? Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maiintindihan"

"Alam mo Troy kong hindi ako nagkakamali sa pangalan mo. Alam mo ang swerte swerte mo hindi ka tulad ng mga janitor natin dito. Sila kailangan pa nilang maglinis ng mga cr dito na ang babaho at madudumi dahil sa mga kagagawan ng mga istudyante. Kahit ganon ang trabaho nila tinitiis nila para lang magkapera. Hindi ka tulad mo na ngayon lang nakapaglinis ng cr pero nagrereklamo kana. Ni hindi ka man lang muna nag isip kong paano nakakayaan ng mga janitor ang ganitong trabaho"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Para may kong anong bagay na tumosok sa puso ko. Ang galing niyang magsalita at ngayon ko lang na pagtano na mahirap palang maging isang janitor. Para akong na konsinsya sa mga ginagawa ko noon. Katulad ng paghihi, imbis na i-shoot sa basin mas pinipili ko pang umihi sa tiles. Dumo dura ren ako sa kong saan saan. Hindi ko talaga alam na sa bataw galaw ko may isang taong maglilinis sa mga kalat na ginawa ko. Isang tao na hindi nagrereklamo.

Ngayon ko lang na pagtanto na mali pala ang mga pinanggagawa ko noon. Na mas lalo ko lang pinapahirapan ang trabaho nila. Kasi ang na sa isip ko lang parati na pera naman namin ang binabayad sa kanilaz kaya dapat gawin nila ang trabaho nila . Sorry sa mga nagawa ko noong, marami pa talaga akong hindi alam sa mundong to.

"Wag mo nang intindihin ang mga sinasabi ko hindi mo naman maiintindihan dahil mayaman ka"

"Thank you pala sa tubig" pagiiba ko ng usapan dahil ang pangit ng atmosphere naming dalawa. Hindi ito ang inaasahan kong mangyari samin pag nagkita kami.

"fifteen pesos yan. Hindi yan libre. Mahirap maghanap ngayon ng pera"

"Okay, babayaran ko na lang. Kaso wala dito ang pitaka ko na sa bag kailangan ko pang pumunta sa office para kunin yun"

"Sasamahan na lang kita baka takbuhan mo pa ako"

"Okay, tara na"

Tahimik lang kami naglakad hanggang sa makuha kona ang bag ko. Nagsanitise mo na ako ng kamay bago ko kinuha ng wallet ko. Kukuha na sa akong pera para ipangbayad sa kanya ng bigla itong nagsalit.

"Dyan na lang muna ang pera ko. Diba sabi mo sakin gusto mo kong makausap may alam akong lugar"

"Totoo ba to? Papayag ka na kausapin mo ko?"

"Tara na sumonod ka na lang sakin bago pa magbago ang isip ko"

"Ayaw mo bang magalcohol?" wika ko habang na ka sunod lang sa kanya.

The Good Boy's Son - Book3 - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon