Chapter 16

36 18 0
                                    

Troy

"Akala ko kinalimotan mo na kami. Bakit mo kami pinatawag ni James" wika ni Marcus ng pagkarating namin sa dati naming tambayan.

"Oo nga Troy, akala ko ba hindi kana magpaparamdam samin. Akala namin patay kana" pagsasalita naman ni James sabay upo sa tabi ko.

"Kaibigan ko paren kayo, busy lang talaga ako at ngayon lang lumowag luwag ang schedule ko"

Kaya pinatawag ko sila dahil ito na ang takdag panahon para sabihin ko sa kanila ang tongkol samin ni Rein. Ayaw ko ng patagalin pa baka sa iba pa nila ma rinig at magalit pa sila sakin. Alam ko naman na maiintindihan nila ako pagdating sa mga ganitong bagay.

"Wow! Parang atrista ka kong magsalita. Sumonod ka na ba sa yapak ng Mama mo sa pagiging artista?"

"Hindi atrista si Mama, Marcus. Pagmo-model ang trabaho niya"

"Bakit mo ba kami pinatawag? Magba-bar ba tayo mamaya?"

"James isa kapa puro bar na lang ang laman ng utak mo"

"Palibhasa kasi nong na wala ka Troy, palaging tumatambay si James doon"

"Tama na yan. Pinatawag ko kayo dahil may sasabihin ako sa inyo"

"At ano na naman? Bago mong babae? Or asawa mo?"

"Hindi James, kaya pinatawag ko kayo dahil maysasabihin ako tungkol kay Rein" pagsasalita ko na ikinagulat nila.

Alam ko naman na magugulat sila. Syempre never ko kasing sinabi sa kanila at isa pa hindi naman nila kilala si Rein. Wala na kasing akong choice kaya sasabihin ko na lang dahil after this magpapatulong ako sa kanila para ligawan si Rein. Sigurado na kasi ako sa nararamdaman ko sa kanya. Kailangan kong magmadali baka maunahan pa ako ng iba.

"What? Yong Rein na nakabangga sayo at ang na kita mo sa bar?" nagtatakang tanong sakin ni Marcus.

"Shit! Pare wag mo sabihin samin na inlove ka sa isang call girl?" dugtong pa ni James.

"Troy? Sigurado ka ba dyan sa pinapasok mo? Parang biglaan naman yata?"

"James hindi call girl ang trabaho ni Rein diin isa siyang barista, matagal na kami magkakilala ni Rein. Hindi ko lang na sabi sa inyo dahil na tatakot ako na baka pagtripan niyo lang ako. Kaya hindi ako sumasama sa inyo dahil busy ako sa kanya"

"Kaya pala! Parati kaming naiiwan ni Marcus dahil may ibang lakad ka? So paano kayo nagkakilala"

"Mahabang isturya James. Basta pag nagkaroon ako ng time sasabihin ko sa inyo"

"Kailan naman? Alam mo Troy, mga kaibigan mo kami. Hindi naman kami magagalit sayo pag may nililigawan ka. Kahit makulit at tarantado kami minsan may puso ren kami ka tulad mo"

"Sweet mo naman Marcus kong magsalita. Alam mo Troy. May point ang sinabi ni Marcus sayo. Kaibigan mo kami wag mo naman sa nang ilihin samin lahat. Mula high school magbabarkada na tayo. Tutulongan ka naman namin"

"Salamat talaga dahil hindi kayo nagalit sakin. Promise babawi talaga ako sa inyo"

"Sure, mamaya sa bar?" sabi ni James.

"Hindi ako pwedi may date kami ni Rein ngayon"

"What! Date agad? Akala ko ba friend lang kayo"

"Mahabang story, basta thank you sa inyo. Sa canteen na lang tayo libre ko kayong dalawa"

"Yan ang gusto ko sayo Troy"

Hindi ko mo na sinabi sa kanila ang buong pangyayari kong paano kami naging close ni Rein. Meron akong sinabi pero yong mga magagandang kaganap lang. I also tell them about sa street food na kong saan ako sinama ako ni Rein at sumakit ang chan ko dahil sa mga kinain ko.

The Good Boy's Son - Book3 - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon