TroyPagdating namin sa hospital dinala agad siya ng nurse sa emergency room at hito ako na iwan magisa sa labas. Hindi ko talaga lubos maisip na mangyayari ang mga bagay na ito. Hindi ko lubos akalain nahahantong sa ganito. Bakit kailangan pang mangyari ito sakin kong saan nagbago na ako.
Umalis mo na ako sa harap ng emergency room at naglakad patungo sa chapel na nan dito sa loob ng hospital. Gusto ko lang tanongin ang Dyos kong bakit nangyayari sakin ang lahat ng ito. Bakit sa dami dami ng mga tao bakit ako pa at bakit si Rein pa. Bakit kami ano bang nagawa naming kasalan kaya nangyayari ito samin.
Pagdating ko sa loob naglakad na ako punta sa harap habang tumotulo ang mga luha ko. Gusto ko sumigaw sa sakit na nararamdaman ko ngayon, gusto kong magwala sa mga oras na ito pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa dahil wala na akong lakas.
Lumohod ako at tinignan lang ang cross sa harapan ko.
Lord, bakit ako pa? Bakit si Rein pa? Ano bang kasalanan namin sayo Lord at kailangan mong gawin ito. Naging mabait naman ako sa inyo. Bakit?
Wala namang ginawang kasalan si Rein sayo bakit mo hinayaan na mangyari yun sa kanya. Bakit kailangan niya pangmaranasan ang ganong bagay sa buong buhay niya. Lord, sagutin mo naman ako. Akala ko ba anak mo kami pero bakit mo hinahayaan na magyari ang lahat ng mga pagsubok na ito sa buhay namin.
Bakit si Rein pa? Bakit ang babaeng pinakamamahal ko pa. Lord? Sabihin mo naman sakin para malinawan ako. Siguro sa subrang bait niya hindi ko iisipin na may ginawa siyang kasalan sayo at ganon ang kaparusahan ang ibigay mo sa kanya. Akala ko ba mahal mo kami bakit kailangan pa mangyari to.
Lord, please wag niyong kunin sakin si Rein. Mahal na mahal ko siya at siya lang ang babeng minahak ko. Simula nong makilala ko siya ang dami na niyang naitulong sakin. Tinulongan niya akong magbago. Please. Lord, bigyan niyo pa ng isa pang pagkakataon si Rein. Gusto ko siyang makasama habang buhay. Nangako ako sa kanya na tutuparen ko lahat ng mga pangarap niya. Kaya Lord humihingi ako ng tulong sayo. Alam kong minsan lang ako nagdadalasan sayo. Sana man lang sa panalingin kong to wag niyong bigu'in.
Amen.
Tumayo na ako at pinunasan ko na ang mga luha sa mga mata ko. Kailangan kong maging matapang ngayon alang alang kay Rein. Hindi dapat ako mawalan ng pagasa. Alam kong matapang si Rein at hindi niya hahayaan ang sarili niya na maghirap.
Pagbalik ko sa emergency room na kita kong na ka tayo si Mama at Papa. Nasa likod naman nila sila James at Marcus. Tumakbo na ako sa kinaruruonan nila at mahigpit na niyakap si Mama at Papa. Muli na naman akong napaiyak.
"Taha na Troy, alam kong lalaban si Rein magtiwala ka lang. Hindi ka niya iiwan" sabi ni Mama sakin.
"Troy, Magtiwa ka sa kanya"
"Ma, Pa pagod na pagod na ako. Hindi ko alam kong anong gagawin ko ngayon. Ayokong iwan ako ni Rein. Siya lang ang babaeng minahal ko"
"Alam namin yon ng Papa mo anak. Troy. Natural lang na mapagod ka pero wag kang susuko"
"Oo anak tama ang Mama mo. Kailangan mong tapangan ang loob mo. Kong nan dito si Rein ngayon sigurado magagalit siya sayo dahil umiiyak ka"
"Pa, Ma hindi pala basta basta mag mahal no dapat handa ka sa lahat ng pweding mangyari. Dahil hindi lahat ng pagmamahal puro sweet sweet lang"
"Kaya anak tapangan mo lang ang loob mo alang alang kay Rein"
Minabuti mo na nila mama at papa na ilayo mo na ako sa emergency room. Si James mo na at Marcus ang naiwan na magbantay doon. Dinala ako ni Mama at Papa sa labas para ma ka pagrelax relax ako. Masama daw kasi sakin ang subrang stress baka kong ano pa ang mangyari sakin.