Chapter 4

55 16 0
                                    

Troy

Rein Heart Salasar, bakit hindi ko man lang makita ang facebook account mo. Pinagtatagoan ba ako ng babaeng to. Pati sa instagram wala ren siyang account, kahit si twitter wala ren. Wala bang internet sa kanila at bakit ni isa man lang sa tatlo wala talaga siyang account. Kainis naman to, talagang sinusubokan niya ako. Sino ba siya sa inaakala niya.

Isang hampas lupang call girl lang naman siya. Baka siguro hindi siya nagfa-facebook para hindi malaman ng buong school ang trabaho niya. Siguro tinatago siya ang sarili nito dahil ayaw niyang malaman ng iba na sa bar siya nagla-last period.  

Ano ba kasing mayroon sa babaeng yun at bakit hindi siya ma wala wala sa isip ko. Maliban sa itchura niya, pangalan niya. Napaka mysterious niya talaga. Ngayon lang ako naka tag po ng babaeng ganito ang ugali. Isang babaeng antisocial.

"Bro, parang wala ka na naman sa mood?" wika ni James.

"Oo nga, simula nong nabangga ka ng babae nagiba na ang ugali mo. Iba siguro ang tama mo sa kanya"

"Kayong dalawa ka pag hindi pa kayo tumigil ipapatapun ko na talaga kayo"

"Troy, relax nagsasabi lang naman kami ng totoo"

"Oo nga naman Troy, Ano ba kasing kasalanan niya sayo at parang hindi mapakali ang botsi mo"

"Wala siyang kasalanan. Okay! Pwedi bang tigilan niyo na ako"

"What? Wala siyang kasalanan tapus ikaw hindi ma katulog ng maaayus kakaisip sa kanya"

"Sina bi mo pa James. Iba talaga ang naging tama ng babaeng yon sa kaibigan natin"

"Tsk! Tumigil na nga kayong dalawa. Kong wala naman kayong matinong sasabihin lumayas kayo sa harapan ko"

"Troy ang init naman ang ulo mo, palibhasa kasi ngayon lang siya na ka kita ng katapat niya" wika ni James at pinagtatawanan lang nila ako.

Tinignan ko lang sila. Nakakainis ang mga pagmumukha nila sarap nilang paguuntogin. Ako masisindak sa babaeng yun. Ni hindi niya nga kayang ipagtanggol ang sarili nito tapus sisindakin niya pa ako. Isang tapik ko lang sa babaeng yun matutumba na agad yun.

"Tara na nga" tumayo na ako.

"Saan naman tayo pupunta troy ang init init pa ng panahon"

"Basta, tara na"

Hindi na sila nagsalita pa dahil wala naman silang magagawa pagako ang nag salita. Kailangan kong mahanap ang babaeng yun. Hindi niya pa sinasagot ang tanong ko. Iposible kasing hindi siya yun ang na kita ko sa bar nong nakaraan araw. Hindi naman ako lasing ng mga oras nayun.

Tumambay mo na kami sa gym ng biglang napadaan ang babaeng kanina ko pa iniisip. Hindi ko alam kong na kita ren ba nila James ang babae pero feeling ko parang hindi dahil na ka focus sila sa panonood ng basket ball.

Nagpaalam muna ako sa kanila nabibili lang ako ng pagkain para hindi sila maghinala sakin.

Kasi kong malalaman nila na sinosondan ko paren ang babae baka pagtripan lang nila ako.  Dahan dahan lang akong sumonod sa likod niya para hindi niya ako makita. Ano ba kasing tinatago ng babaeng to. Ibang iba siya sa lahat ng babaeng na kita ko dito sa loob ng school.

Ang layo layo niya talaga sa ibang babae. Sa pananamit pang talo na siya. Sino bang matinong babae na papasok sa school na gusot gusot ang damit. Siguro siya lang ang nakaisip ng ganong style. Tapus ang buhok niya. Wala bang suklay sa kanila or nagsha-shampoo ba siya.

Patuloy lang ako sa paglalakad ng bigla itong huminto at humarap sakin. Syempre ganon paren ang nakikita ko tuwing titingin siya sakin. Natatakpan na naman ang buhok niya ang mukha nito. Maylahi ba silang aswang at tiktik o kahit anong nakakatakot na ilemento.

"Bakit ka naka sunod?" wika nito, halos tumaas lahat ng balahibo ko sa kanya. Bakit ang lamig lamig niyang magsalita.

Troy wag kang matakot sa kanya. Babae yan hindi yan multo. Basta kausapin mo lang siya at wag na wag mo siyang hahawakan. Isipin mo na lang na normal siya.

"Bakit naman kita susundan, sino ka ba?" kahit kinakabahan ako pilit ko paren nilalakasan ang loob ko.

Ngayon lang talaga ako kinabahan ng ganito at sa kanya pa. Ano ba kasing klasing tao siya at ang itim itim nga awra niya.

"Kong hindi mo ko sinusondan? Bakit hindi ka na unang maglakad sakin?"

"Wala ka ng paki doon, bakit sayo bang tong school na to?"

"May sinabi ba akong akin to?"

"Bakit mo ko sinasagot ng tanong ren"

"At bakit mo ko sinusondan!"

Palaban talaga ang babae to. Ni hindi man lang siya na sindak sa pagtataas ko ng boses sa kanya. Wala ba siyang kinakatakotan. Hindi niya ba talaga ako kilala. Hindi niya ba alam kong amo ang pwedi kong gawin sa kanya. Sinusubokan talaga ako ng babaeng to.

"Ikaw, ayusin mo nga ang pakikipagusap sakin"

"At sino ka naman para pagutosan ako"

"Ako lang naman si Troy Tiangji"

"Tsk! Tinatanong ba kita ng pangalan mo?"

"Boysit! Bakit ba ayaw mo kong ka usapin"

"Bakit naman kita kakausapin. Walang rason para kausapin kita"

"Meron, una sikat ako. Hinahabol ako ng mga babae. Isang karangalan na para sa kanilang humahabol sakin na makausap ako, mahawakan at mapansin tapus ikaw parang wala lang"

"Hindi ako ka tulad nila"

Kainis sumasakit lang ang ulo ko sa babaeng to. Ni hindi niya ba alam na ang laki ng opportunity ang binibigay ko sa kanya. Halos lahat ng babae hindi ma pakali kong anong gagawin nila para lang pansinin ko sila. Pero siya, parang wala lang sa kanya. Ako na nga itong lumalapit sa kanya at kinakausap siya tapus itutulak niya pa ako papalayo. Naiinis na talaga ako sa kanya. Gusto ko na sumabog sa subrang inis.

"Hindi ka talaga magiging katulad nila dahil isang kang call girl sa bar!"

Patay! Bakit ko naman na sabi yon. Kainis bahala siya wala na akong paki kong ma saktan siya. Tama naman ang sinabi ko. Kong ayaw niya akong kausapin pwes gugulohin ko na lang ang mundo niya. Tignan lang natin kong hindi niya pa ako papansinin.

Tinignan ko lang siya, wala paren itong kibo sa mga sinabi ko. Nagulat siya siguro dahil sa nalaman ko. Sino ba kasing matinong tao na dito nagaadaral sa isang kilalang school na magtra-trabaho lang sa isang bar. Napaatras ako ng bigla itong tumingala at hinawi ang buhok nito. Ngayon kita kita ko na ang pagmumukha niya. Galit na galit ang mga mata nito na para ano mang oras papatayin na niya ako.

"Magingat ka sa mga sinasabi mo, hindi mo ko kilala" wika nito at pumatak ang mga luha sa mata niya. Magsasalita pa sana ako ng bigla itong tumalikod sakin at naglakad papalayo.

'Troy ano batong pinasukan mo, sana hindi mo na lang pinamukha sa kanya na ganon ang trabaho niya. Ngayon kasalan mo pa bakit siya umiiyak.'

Bahala siya sa buhay niya. Dapat lang talaga sa kanya yun. Siya na nga itong kinakausap ko tapus ganon pa ang magiging ugali niya. Ngayon lang talaga ako na ka incounter ganong klasing babae. Sana hindi na mag cross ang landas namin baka kong ano ba ang magawa ko sa kanya.

"Troy, nan dyan ka lang pala. Akala ko ba bibili ka lang ng pakain"

"Tara na nga, uminom na lang tayo"

"Okay, let's go!" sigaw ni Marcus.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong inis sa buong buhay ko.

---

The Good Boy's Son - Book3 - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon