Troy
Hito na naman ako tulala kakaisip kay Rein. Buti na lang talaga wala kaming pasok ngayon dahil kong meron hindi ko na alam kong ilabisis ako napapagalitan ng mga teacher ko dahil hindi ako nakikinig. Hindi paren nagpaparamdamn sakin si Rein hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Balak ko sana siya puntahan sa bahay niya kaso ang sabi niya wala siya doon at nasa bahay siya ng tita niya at saan ko naman hahanapin ang ng tita niya.
Nagaalala na talaga ako ng subra sa kanya. Hindi kasi panatag ang loob ko feeling ko may masamang nangyari sa kanya. Ka gabi ko pa na ramdaman to pero pinipilit kong wag isipin pero hindi talaga ma alis sa isip ko. Mas lalo lang akong kinabahan ng nahulog ang picture frame ko na kong saan naka dikit doon ang picture namin ni Rein.
Ganon naman kasi talaga ang nagyayari kapag nakakaramdam ka na may kakaibang mangyayari sa taong mahal mo mabibigay sila ng isang sign. Ayaw ko sanang maniwala pero hindi talaga kaya ng puso ko.
Rein saan ba kita hahanapin ngayon. Ni hindi ko alam kong na saan ang bahay ng tita mo. Ni hindi ko alam kong saan ako magsisimula. Ni hindi ka man lang pumasok ngayon. Ano ba kasing ang nagyayari sayo. May kinalaman ba kadinang na rinig ko sa kalagayan mo ngayon.
"Troy akala ko ba okay na kayo ni Rein bakit hindi ka paren mapakali?"
"James may iba kasing akong nararamdaman ngayon. Parang may mali ni hindi ko alam kong paano ko ipapaliwag"
"Ano bang pinagsasabi mo. Hindi kita ma intindihan"
"Naalala mo ba ka hapun ng tumawag si Rein sakin. Para kasing may na rinig akong mga kadinang"
"Troy, baka guni-guni mo lang yun"
"James alam ko kong ano ang na rinig ko. Yong bosis niya parang natatakot siya"
"Troy kong ano mana ng na sa isip mo. Wag mo nang ituloy"
"James kailangan ko puntahan si Rein. Kailangan ko siyang ma kita. Hindi ako mapapanatag ka pag hindi ko siya na kita. Parang may mali kasi"
"Troy, may tiwala ka ba talaga kay Rein?"
May tiwala naman ako sa kanya pero sa ngayon parang hindi ako sigurado sa sinabi niya. Buong buhay ko ngayon lang ako nagmahal ng ganito kaya gagawin ko lahat ng makakaya ko masigurado ko lang na ligtas si Rein. Ayoko siyang mawala sakin. Kong ano man ang kutob na nararamdaman ko ngayon panigurado ako na totoo ito.
"Troy, at saan ka naman pupunta?"
"Sa register office hihingi ako ng info about sa kay Rein"
"Sasamahan kita, naging malapit naren sakin si Rein. Kaya hindi ko hahayaan na ikaw lang ang gagawa ng mga bagay na gusto mo"
"Tara na"
Habang naglalakad kami hindi siya wala wala sa isip. Rein hintayin mo lang ako malapit na ako. Nag message na si James kay Marcus para tulongan kami. Buti na lang nan dyan sila para tulongan ako. Pagdating namin sa office sinalubong agad kami ni Miss Max.
"Yes Troy among maitutulong ko sa inyo?"
"Miss Max, pwedi ko po bang mahingi ang files ni Rein Salaraz. Nagaalala lang kasi ako sa kanya dahil tatlong araw na siyang hindi pumapasok at hindi ko alam kong saan siya hahanapin"
"Sige hintayin niyo na lang muna ako dito dahil hahanapin ko lang ang folder niya"
"Thank you po Miss Max"
Umopo muna kami ni James. Sana man lang ayus lang si Rein ngayon. Hindi ko kasi alam ang pwedi ko magawa pagnalaman kong may nang yaring masama sa kanya. Nag text na ako sa kanya nagbabakasakali na mabasa niya.