Troy"Hey at saan ka naman ng galing? Parang ayaw mo ng sumabay samin. Kaibigan mo ba talaga kami?" pagsasalita ni James.
"Oo Troy ilang araw ka naren hindi ka sumasabay sa mga gimik namin at isa pa parang may ibang kang pinagaabalahan sa ngayon"
"Alam niyo James and Marcus. Hindi naman sa lahat ng oras dapat magkasama tayo palagi. Minsan kailangan ko ren magisa"
"Hoy Troy! Wag kang magdrama samin. Kilala ka namin. Alam ko na busy ka na naman ngayon sa bago mong babae" pagsasalita ulit ni James.
Hito na naman sila. Dalawang araw lang naman akong hindi nagpakita sa kanila tapus gaganitohin pa nila ako. Hindi ba nila alam na may sarili ren akong buhay na kailangan kong ayusin. Kainis naman to, sasabihin ko na ba sa kanila ang about kay Rein? Paano kong pagtawanan nila ako.
Mga sira ulo pa naman sila at alam kong pagtri-tripan lang nila ako. Hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin sa kanila na close na kami ni Rein. Baka magselos pa ang mga ugok at hindi nila ako ka usapin. Hindi ko nga alam minsan kong bakit sila dikit ng dikit sakin, dapat alam nila parati kong na saan ako at isa pa dapat kong na saan ako doon ren sila.
Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi ni James. Wala akong balak na sabihin sa kanila ngayon, hindi pa ako handa at isa pa baka ma gulat si Rein pagsinabi ko sa mga kaibigan ko ang tungkol sa kanya. Pagkatapus namin magorder ng pakain umopo na kami sa bakanting lamisa na nasa dulo ng canteen.
"Troy, matanong ko lang at sana wag kang magagalit"
"Ano yun James? Siguradohin mo lang talaga na hindi ako magagalit sa itatanong mo kong ayaw mo lumabas dito na may pasa ang pagmu-mukha mo"
"Ang hard mo naman kay James"
"Wag kang sumali Marcus baka kasi pati ikaw pagsusuntokin ko" wika ko pa sabay tawa.
"Troy? Sino ang bago mong girlfriend? Balita balita kasi na may na ka kita sa inyo sa labas ng school. May kasama ka daw isang babae na dito ren nagaaral pero hindi familiar sa kanila ang itchura ng babae"
Para akong na nginig sa mga sinabi ni James nong una pero buti na lang hindi nila kilala si Rein. Paano ba kasi nakayuko lang ito parati at isa pa never niya pa siguro na ipakita ang mukha niya pag nan dito siya sa loob ng campus.
"Seryoso ba sila sa mga nakita nila. Kasi ang natatandaan ko lang hindi ako lumabas ng condo nong nakaraan araw tapus nasa bahay ako nila mama kahapun. Baka nagkakamali lang sila"
"Siguro nga, pero kong totoong my girlfriend ka wag mo naman itago samin. Hindi ka naman aawayin"
Buti na lang na niwala si James sa palusot ko. Ang dami paren palang sumosunod sakin akala ko safe na ako pero hindi paren pala. Marami paren mga mata ang mga fans ko na nagaaligid sa bawat galaw ko. Dapat hindi na nila ako makita sa susunod paglumabas kami ni Rein. Ayaw ko ng issue at isa pa ayaw kong malaman ng mga fans ko ang about kay Rein panigurado kasi na aawayin lang nila ito.
"Kumain na lang kaya tayo. Ang dami dami niyo pangsat-sat" wika ni Marcus.
"Kumain ka kong gusto mong ma una Marcus hindi ka namin pipigilan"
"James, kong magsalita ka sakin parang hindi karen patay gutom na ka tulad ko"
"Kong sa kama aaminin ko pero kong sa pagkain, Marcus wag mo nang ipasa pa sakin"
"Hindi ko naman pinapasa sayo. Ipapamana ko lang"
"Hindi ako tatanggap ng kahit ano kong sayo man lang manggagaling"
"Bahala ka, basta ako kakain na lang ako"
Bahagya akong na tawa sa kanila. Minsan ang sarap nilang panoorin para silang mga bata na nagaaway pagkatus magbabati ulit. Kong papapiliin ako sa kanila siguro sasama na lang ako sa sarili ko kasi ang gulo nilang kausap.