Troy
Kailan ba ako balak pagtago'an ng babaeng to. Ni hindi ko man lang siya nakita ngayon araw. Siguro sinasadya niya talaga na hindi magpakita sakin. Ano ba kasing problema niya gusto ko lang namam siya makausap ng maayus. Pero na saan siya, kailangan ko pa bang maglibot libot para lang makita siya. Masyado naman niya akong pinahihirapan. Anong akala niya sakin hindi na papagod.
"Troy, pwedi bang itigil na natin ang kahibang mong ito"
"James kong ayaw mo kong samahan sa paghahanap sa kanya wag kang sumama"
"Troy ang sa akin lang nakakapagod itong ginagawa natin, kong gusto mo talaga siya makita pumunta ka sa register office magtanong ka doon kong ano schedule meron siya"
"Hindi nga pwedi, paano kong tanongin nila ako na ka ano ano ko siya anong isasagot ko"
"Malamang sasabihin mo boyfriend ka niya. Tapus sasabihin mo na pinapabantay siya sayo ng mga magulang niya"
"Paano kong mag hanap ng letter na may perma ng magulang niya anong ipapakita ko"
"Hay na ko Troy! Gamitin mo nga ang utak mo, kong meron ka talagang utak. Ang gwapo mo. Try to flirt para mapadali ang trabaho mo. Hindi yong ganito, nakakapagod tapus ang init-init pa"
"Tara na nga, itilig na lang natin ko"
Kainis naman to. Kailan ba niya balak akong iwasan ako na nga ang kusang lumalapit sa kanya tapus ganito pa ang gagawin niya sakin. Kong ako sa kanya magpapakita na lang ako bago pa magbago ang isip ko. Siya lang ang kauna-unahang babaeng pinahirapan ako ng husto to. Hindi talaga siya katulad ng iba. Nakakatakot talaga siya.
"Troy, na kita ko na siya" wika ni Marcus na para bang ano mang oras mamatay na ito.
"Saan mo naman siya na kita"
"Sa parking lot, may nga babaeng nanggugulo sa kanya"
Hindi na ako nag salita at kumaripas na ako ng takbo papunta sa parking lot. Ano naman kaya ang ginawa niya at pinagtripan na naman siya ng ibang girl dito sa school. Nasa likod ko ang dalawang mukong. Nang makarating na kami sa parking lot, nagtago mo na kami sa likod ng isang van para makita kong ano ginagawa niya doon.
Mula dito sa kinatatayoan namin kitang kita namin ang mga nangyayari. Napapalibutan siya ngayon ng dalawang babae na matatangkad sa kanya. Nakayuko lang ito na parang wala lang sa kanya ang mga pinagsasabi ng dalawang babae.
"Kawawang Rein, yan ang nababagay sayo hampas lupa ka" wika nong babaeng dilaw ang buhok. Kulang na lang ibinta ang buhok nito para mapagkakitaan.
"Alam mo ba, naiirita ka kami sa mukha mo. Bakit ba kasi dito ka nagaral. Tignan mo nga ang sarili mo"
"At isa pa, wag kang lalapit sa boyfriend ko. Kahit nasa classroom tayo kitang kita ng dalawang mata ko kong paano mo siya nilalandi"
"Nagpapaturo lang naman siya, hindi ko siya nilalandi. Siya ang unang lumapit" pagpapaliwanag nito pero naka yuko paren siya.
"Akala mo maniniwala ako sa mga paliwanag mo, Rein hindi mo na kami madadala sa mga paawa awa mo. Hindi kami tanga para hindi namin ma kita na niloloko mo kami" pagsasalita ulit ng babae isang malakas na sampal ang ginawad nito sa mukha ni Rein.
Ni hindi man lang gumalaw si Rein sa ginawang sampal sa kanya ng babae. Batid kong masakit iyon dahil rinig na rinig namin ang tunog ng dumikit ang palad nito sa mukha niya. Kainis naman to, hindi ba siya lalaban. Magpapaapi na lang ba siya. Lalabas na sana ako para tulongan siya ng pigilan ako ni Marcus.
"Troy, kong ano man ang na sa isip mo wag mo ng gawin. Hindi makakatulong kong sasali ka pa dyan"
"Tama si Marcus, hindi mo away yan. Wag mo silang pigilan"
Nanatili na lang ako sa aking posisyon at tinignan muli sila. Rein bakit hindi ka lumaban, ipagtanggol mo naman ang sarili mo sa kanila. Pumapayag ka lang na saktan ka. Sila ba ang nagpapakain sayo. Anong klasing babae ka at parati ka na lang na ka yuko.
"Alam mo Rein bagay ka sumali sa star magic. Paniwalang paniwala sila sayo dahil lang sa ugaling pinapakita mo. Sino ka ba talaga"
"Hoy, sumagot ka kong ayaw mo ulit ma saktan"
"Bakit ba ayaw yong maniwala sakin. Kong sino ako noong sapagkakakilala niyo ng dumating ako. Ako paren to"
"No Rein, maytinatago ka talaga samin. Ano balak mo agawin sakin ang boyfriend ko sige lang subokan mo lang hindi lang sampal ang ipapatikim ko sayo"
"Ilang bisis ko bang dapat sabihin sayo na hindi ko siya inaagaw sayo. Wala akong pakialam sa boyfriend kahit mag sama pa kayong dalawa"
"Wag mo na akong lokohin Rein, hindi na ako bata" wika ulit ng babae at another sampal na naman ang ginawad nito sa kabilang pisngi niya.
Gustong gusto ko na talagang lumabas para tulongan siya pero pinipigilan ako ni Marcus. Oo wala ako sa posisyon na tulongan siya pero hindi ko kayang makita siya na nasasaktan. Wala siyang kalaban laban sa dalawa. Bakit ba kasi hindi niya kayang maging matapang.
"Sis, kunin mo na ang basura para naman tumanda itong Rein na to"
Kinuha ng ng isang babae ang drum na naglalaman ng basura. Rein please kahit sa ganitong pagkakataon lumaban ka naman. Papayag ka na lang ba na itapun sayo ang nakakadiring basura. Rein naman, kong pwedi lang sana akong lumabas para tulongan, pero hindi ito ang tamang oras para gawin ko yun.
"Sana sagagawin kong to, magtanda kana" wika ng babae at ibinuhos na ng dalawa sa kanya ang mga nakakadiring basura. Kitang kita kong gaano ka nakakadiring basura ang dumikit sa katawan niya. Halus basang basa ito dahil sa mga juice at mga ulam. Ang sang sang pa talaga ng amoy ang sakit sakit sa ilong.
"Bye, wag mong kalimitang maligo and also don't for get to stay away from my boyfriend kong hindi alam mo na ang mangyayari sayo Rein"
Ng umalis na ang babae. Na kita namin na pinunasan ni Rein ang mukha nito. Kitang kita naming tatlo kong gaano siya na saktan sa ginawa sa kanya ng dalawang babae. Sa subrang inis ko tumakbo ako papunta sa kinatatayuan niya. Kahit ma sang sang ang amoy pinilit ko na lang ang sarili ko na wag huminga.
"Okay ka lang ba" pagtatanong ko at yumoko ulit ito.
"Mukha ba akong okay"
"Hindi, sorry"
"Wala kang kasalan. Nan dito kaba para laitin ukit ako"
"Hi-hindi hindi, nan dito ako para tulongan ka sana kong okay lang sayo"
"Hindi ako humihingi ng tulong sa mga taong hindi ko kilala. Please lang layuan mo an ako kong ayaw mo ng gulo"
"Ayaw ko naman ng gulo, gusto ko lang naman tulongan ka"
"Tsk! Bingi ka ba, ayaw ko nga tulong mo"
"Rein makinig ka, pwedi natin itong sabihin sa dean. Pwedi silang ma kick out sa school na to dahil sa ginawa nila sayo"
"No need! Hindi ko kailangan ng tulong mo"
Tumalikod na ito sakin at naglakad na. Bakit ba kasi ang tigas tigas ng ulo niya. Ako na nga ito nagaalok ng tulong tapus tatangihan pa niya. So! Ano magpapaapi na lang siya. Hahayaan na lang ba niya ang sarili niya na saktan siya. Kong ayaw niya ng tulong edi wag.
"Sabi ko na sayo wag kang lalabas, tignan mo ang nangyari sayo" wika ni Marcus.
"Gusto ko lang naman siyang tulongan"
"Troy, hindi sa lahat ng pagkakataon mapapaamo mo ang isang babae na katulad niya. Iba siya sa ibang mga babae na na kilala mo. Kong ayaw niya ng tulong mo wag mo ng ipilit"
"Kainis, bahala siya sa buhay. Tara na nga"
Mula ngayon hindi ko na siya gugulohin. Kong ayaw niya sakin, edi okay! Hindi ko kailangan na ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya. Walang kwentang babae.
---