Chapter 20

34 17 0
                                    

Troy

Halus dumilim na pero walang Rein na dumating. Hindi niya ako sinipot,  ni hindi man siya nag text na hindi siya pupunta. Na ayaw niya akong makita. Na sayang lang ang oras ko kakahintay na dumating siya.

Ano na naman ba kasing problema niya. Panay na ang tawag ko sa kanya pero hindi niya naman sinasagot. Hindi tuloy ako na katulog ng maayus kakaisip lang sa kanya. Rein bakit mo naman ginagawa sakin to. Kahit puyat  ako pinilit ko paren ang sarili kong pumasok. Nagbabaka sakali ako na makita ko siya dito. Nagiwan naren ang ko ng message sa kanya. Na sana man lang mabasa niya at ma isip niya ako.

Kong ano man ang problema niya ngayon nan dito lang naman ako. Handa ko siyang tulongan kahit na ano pang klasing problema ang kinahaharap sa ngayon. Hindi ako ma ka focus ng maayos sa klasi dahil sa kakaisip lang sa kanya.

"Bro, puntahan na lang kaya natin siya sa classroom niya. Baka busy lang siguro siya alam mo naman ma lapit na ang midterm exam natin"

"Kahit na James. Hindi lang kasi ako sanay na hindi siya nagte-text sakin"

"Hindi naman sa lahat ng oras ikaw ang dapat niyang unahin. May sariling buhay ren siya at isa hindi ka naman niya boyfriend"

"Kahit na sana man lang nag text siya ka hapun sakin na hindi siya makakapunta. Pinagmukha niya akong tanga kahapun kakahintay lang sa kanya"

"Relax Troy, baka may importante lang siyang ginawa. Sana intindihin mo ren siya"

"Tara na nga, gusto ko lang siya ma kausap at tanongin siya kong okay lang ba siya"

Naglakad na kami ni James sa classroom niya. Hindi na sumama samin si Marcus dahil gagawa pa siya ng project namin. Ang gusto ko lang ngayon mangyari ay makita si Rein at makausap. Alam kong may pinagdadaan siya ngayon at ramdam na ramdam ko yun. Hindi ko na hahayaan na mangyari ulit ito na hindi ko man lang alam kong na saan siya.

Pagdating namin sa classroom niya lumapit agad ako sa isa niyang ka klasi.

"Pwedi bang magtanong?"

"Yes, bakit?"

"Pumasok ba si Rein ngayon araw?"

"Si Rein, hindi siya pumasok ngayon. Hindi ko nga alam kong ano ang dahilan niya"

"Ganon ba,sige salamat na lang"

Naglakad na ako papalayo sa classroom niya. Hindi ko alam kong saan ulit ako magsisimula hanapin siya. Hindi ko naman kasi alam ang daan papunta sa bahay niya.

"Anong sabi?"

"Hindi siya daw pumasok, nagaalala na nga ako"

"Troy kalma lang. Baka may ginagawa lang siya o may trabaho alam mo naman na kailangan niyang buhayin ang sarili niya"

"Siguro pero may iba kasi akong nararamdaman James. Parang hindi ako mapakali at gusto ko talaga siyang makita para mapanatag ang loob ko"

"Tawagan mo kaya o e text"

"Ginawa ko na pero wala talaga"

"Ang ma buti pa kumain muna tayo. 1:20 p.m. pa man lang at kong hindi siya magte-text sayo mamayang hapun pupuntahan na lang natin siya sa bahay niya para ma pa natag ang loob"

"Okay" tangin na sabi ko.

Ngayon lang talaga kasi ako naramdam ng ganito. Ito pala yong feeling na kapag hindi mo nakikita ang babaeng mahal mo at hindi man lang siya nagpaparamdan sayo. Para gusto ko siyang puntahan agad sa bahay niya pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil alam kong magaglit siya sakin pagginawa ko yun ng hindi niya alam.

Rein naman kasi sana nag text ka man lang sakin para hindi ako nagaalala ng ganito. Ginawa na kitang mundo ko,  kaya kong ano man ang mangyari sayo hindi ko talaga alam kong ano ang gagawin ko. Buong buhay ko nagpakalunod ako sa kasiyanan na hindi naman magtatagal pero nong ma kilala kita binago mo lahat ng kong ano ako noon at ngayon.

Rein, please wag mo namang gawin sakin to. Para akong mababaliw sa mga ginagawa mo. Pagdating namin sa canteen inabot na sakin ni Marcus ang binili niya pagkain.

"Kamusta pumasok ba siya?"

"Hindi nga Marcus. Naawa na nga ako kay Troy dahil hindi siya mapakali kakaiisip kay Rein"

"Alam mo Troy, kayang kaya naman ni Rein ang sarili niya. Kaya wag kang masyadong magalala baka may ginawa lang siya"

"Yan na nga ang sinabi ko sa kanya pero ayaw niya talagang kumal-ma. Iba talaga nagagawa ng pagmamahal kailan ko kaya mararanasan yun"

"Wag ka nang mangarap, parang malabo mangyari sayo yan"

"Libre lang mangarap Marcus kaya mangarap karen"

Pinagkikigan ko ang paguusap nila at wala akong balak na magsalita. Ang gusto ko lang ngayon ay makausap si Rein. Makita siya at makasama siya. Tama nga si James iba talaga ang nagagawa ng pagmamahal. Ngayon alam mo na ang nararamdaman ng ibang tao kapag hindi nila nakikita o nakakausap ang mga mahal nila sa buhay.

Ang sakit pala no. Parang hindi mo alam kong anong gagawin mo. Hindi ka makatulog ng maayus at hindi ka makakapagisip ng maayos.  Tinawag ko siya ulit at sa wakas sinagot na niya.

"Hello, Troy. Sorry talaga dahil hindi ako nakapunta kahapun busy lang talaga ako" bungad nito na nasa kabilang linya.

"Okay lang Rein. Ka musta ka ba? Okay ka lang ba? Na saan ka. Pwedi ba akong pumunta dyan"

"Troy okay lang ako. Kalma lang buhay pa ako"

"Rein naman, nagalala na talaga ako. Ni hindi ka man lang nag text"

"Okay nga lang ako, busy lang talaga ako sa trabaho ko. Wag mo na akong alalahanin kayang kaya ko naman ang sarili ko"

"Kahit na Rein gusto kitang makita ngayon para naman mapanatag ang loob ko"

"Troy ang ma buti pa mag relax ka lang. Hindi naman ako mawawa sayo. Nasa bahay ako ngayon ni Tita kaya wag mo na lang ako intindihin okay lang ako"

"Pwedi ba kitang ma puntahan dyan?"

"Troy wag na! Okay lang sko. Sige na may trabaho pa ako"

Pinatay na niya ang call hindi man lang ako na kapagpaalam ng maayos sa kanya. Pero ang pinagtataka ko lang bakit nakakarinig ako ng mga kadina. Na saan ba siya at ang boses niya parang nagiba.

"O anong sabi niya"

"Okay lang daw siya James. Busy lang sa pagtra-trabaho"

"Sabi ko naman sayo Troy, kayang kaya ni Rein ang sarili niya kaya wag kang magalala sa kanya"

"Kahit na, hindi pweding manahimik na lang ako dito na parang wala lang. Alam niyo naman na mahal na mahal ko si Rein"

"Alam naman namin Troy, diba nga sabi niya sayo okay lang siya kaya relax lang. Magkikita ren kayo ng Rein mo"

"At isa pa Troy hindi makakabuti sayo kong oras oras mo siyang iisipin na wa-walan kana ng focus. Hindi ka naman namin binabawalan na magalala ang sa amin lang isipin mo ren ang sarili mo"

Tumahik na lang ako at hindi na nagsalita. Hindi paren ma wala wala sa isip ko ang mga kadinang narinig ko at ang bosis niya. Para siya takot na takot kong magsalita.

Rein alam kong matapang ka at kaya mo ang sarili mo. Ayokong mawala ka na lang na parang bula Rein. Yun ang hindi ko hahayaang mangyari. Mahal na mahal kita at ayokong mapunta ka sa iba. Nagiwan na ako ng text sa kanya.

To Rein
Rein alam kong may problema ka. Please sabihin mo naman sakin baka makatulong pa ako. Nan dito lang ako parati sa tabi ko. Handa akong tulongan ka. Rein magingat ka. Mahal na mahal kita.

---

The Good Boy's Son - Book3 - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon