Chapter 1: LoveLove, is a Feeling or affection that you feel towards a random person.
Yan ang Kadalasan na sinasagot ng mga tao kung tinatanong sila kung ano ang meaning ng Love pero bakit parang hindi naniniwala ang Puso ko na yan lang ang meaning ng Love. I think there's more, It's not just a feeling nor a game that children play.
Love is so complicated and hard to understand. Others are Lucky in love, nagkakatuluyan with their First love, nakatuluyan ang pinakamamahal nila, naging masaya ang daloy ng lovelife. They have their own happy endings.
While there are persons who are unlucky in love. Nag-separate with their Love, Tumandang Dalaga't Binata, napilitang mag-madre at maging pari, may iba na ina-arrange marriage, at may iba namang naikasal nga sa inakalang perfect person pero nauwi sa divorce.
Hay nako! Love bakit ba nabuo ka pa? Saan ka ba nanggaling? Ba't nanggagambala ka ng tahimik na puso? Ba't ka pumapasok bigla sa buhay namin? At bakit ko ba minahal ang gagong yun?
"Pucha aray!"
"Aray!"
Sabay naming daing nung taong nakabanggaan ko. Naunang tumayo ito at inilahad ang kamay nito na parang tutulungan pa akong tumayo.
Tinanggap ko naman ito at Dahan dahan na tumayo pero di pa ako nakakatayo ng maayos ay bigla niya akong binitawan dahilan para matumba ulit ako at nabagsak ang pwet. Ang sakit nun ah!
"Gago ka ba?!?" agad akong nag-angat ng tingin para makilala ang gumawa ng kabwisetan na yun. Agad na naaninag ko ang isang Lalaki na pamilyar sakin.
Of course! Kilala ko talaga siya o mas dapat na sabihing Kilala siya ng Lahat. He's no other than, Joshua Matthew Alejandro, the only grandson of the school owner, a bully, a Cassanova, and a jerk.
Dali-dali akong tumayo tsaka sinampal siya sa kaliwang pisngi, dahilan ng pag tabingi ng ulo niya. Parang di pa siya makapaniwala sa ginawa kong pagsampal niya kasi di siya nakarecover kaagad. Narinig ko naman ang bulong-bulongan ng mga taong nanonood.
"Anong karapatan mong nerd ka para sampalin ang maputi, Makinis at gwapo kong mukha gamit ang madumj mong kamay?" galit na galit na sabi niya sakin pero wapakels. Di umuubra sakin ang ganyang lalake, kahit pa na siya ang apo ng school owner. Like who cares? He's still a stupident like me for Whoever's sake. "Ano?!? Ganun ba talaga ako kagwapo para tumunganga ang isang nerd na gaya mo?"
"Una, ikaw na nga ang bumangga sakin, tinulungan mo pa akong bumagsak ulit. Pangalawa, Kaka-sanitizer pa lang ng kamay ko kaya sure ako na malinis to kanina before ko pa nasampal ang mukha mo kaya naging madumi na. Tas pangatlo, hindi ako tumunganga dahil sa nagagwapuhan ako sayo, iniisip ko lang kung ngayon na ba ang end of the world at nakatagpo ako ng demonyo" napanganga siya sa lahat ng sinabi ko, kahit ang mga nanonood na mga stupidents din ay mas lumakas ang mga bulungan.
"Ngayon na talaga ang katapusan mo dahil you are expelled" di na ako nagulat sa sinabi niya kasi ito ang lagi niyang panglaban kung may sumusuway o kumakalaban sakanya pero wala akong pakialam, madami pang schools na mapag-aaralan.
Di ko na lang pinansin ang sinabi ng gagong yun atsaka mabilis na umalis sa lugar na yon. Bwesit! Mas lalong pumanget ang araw ko.
Jushua's POV
Mabilis akong pumunta sa Headmistress office para ipa-kick ang nerd na yun dito sa School. Bwesit! Ngayon lang may kumalaban sakin, magsisisi siya at luluhod sa harapan ko.
"Oh? Matthew? What brings you here?" natatawang tanong ng tita kong headmistress dito na prenteng nakaupo sa Swivel chair niya.
"May Nerd na kumalaban sakin, I want her out of this school and for the nth time, DON'T.CALL.ME.MATTHEW" Inis na tugon ko kay tita Julia pero tinawanan niya lang ako. Bwesit! Ano ba kasing nakakatawa, sumbong ko kaya siya kay Abuelo.
"Pfft HAHAHA I saw everything on the CCTV cam, and Im amazed, siya lang ang kumalaban sayo" natatawa pa ring sagot ni Tita Julia sakin kaya mas lalo akong nainis. Pinagtatawanan niya lang ba ang pagkakasampal ng isang nerd sa Only pamangkin niya? Tsk My tita is Heartless.
"That's why I want her to be expelled, ang kapal lang ng eyeglasses niya at sinampal ang gwapo kong mukha" inis pa rin na sambit ko. Doon na natigil sa kakatawa si Tita tsaka hinanap ang documents ng nerd na yun.
Good tsk! I can always kick anyone in this school whenever I want, I am the king, They should serve and respect me.
"Oh! Here it is, Andrea Maddison Billones, 17 years old. You can't kick her out the school Matthew"
"What? Why?!?" mabilis na tugon ko after sabihin ni tita yun. Bwesit lang! Ano bang meron sa nerd na yun? Mayaman ba yun? Pucha naman oh.
"She is one of the scholar students that your abuelo picked. If mawawala siya, magtataka ang abuelo mo at itatanong saakin kung anong nangyari bakit siya na-kick out sa school kaya masasabi ko sakanya ang nangyari and You will be punished. The last time you were punished, pinagtrabaho ka n----" hindi ko na siya pinatapos na magsalita at agad akong umalis sa office niya. Bwesit! Kailangan pa bang ipaalala na pinagtrabaho niya ako sa cafeteria for a month.
"Broooo I heard what happened" my bestfriend chuckled. Pati ba naman to pagtatawanan lang ako. "Parang may katapat ka na bro HAHAHA" BWESIT!
"Pati ba naman ikaw? Tsk bigwasan kita jan e" inis na sabi ko sa bestfriend kong si Rhonnel Sandoval. Nabebwiset na talaga ako pucha. I don't know what to do.
"Napa-expell mo na ba?" tanong niya saakin sabay akbay sakin pero umiling ako. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwala sa ginawa nung nerd na yun at mas lalong di ako makapaniwala na hindi ko siya mapapaalis, dahil kung paalisin ko siya, baka paglinisin na ako ng CR hayst. "Oh bakit? Buong taon mo siyang makakasama" pang-aasar pa sakin ng ugok na to.
"She's one of my Abuelo's scholar. Mapapatay ako pag nalaman niya ang nangyari" Napabuntong hininga ako habang iniimagine na nakahawak ako ng Brush at plunger while cleaning the School's comfort room.
"So? What are you planning now?" Tanong sakin ni Rhonnel pero imbes na sumagot ay ngumisi lang ako na nakapag-palaki ng mata niya.
Let's see kung hanggang saan ang kaya mo Andrea Maddison Billones!
<><><><><<<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>
Don't Forget to Vote and Follow!!!
Lame ba?
YOU ARE READING
I Won't Give Up
RomansaWill You Fight? For the Sake of Freedom? For the Sake of Life? and For the sake of Love?