Chapter 17: The Pageant pt. 3/Gunshot
Andrea's POV
"Kita ko Cleavage mo" namumula ang mukhang iniwas ni Jushua ang mukha niya. Sobrang nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya kaya dali dali kong tinakpan ng towel ang katawan ko. Bwesit! Naramdaman ko yung pamumula ng mukha ko.
"Bwesit ka talaga kahit kailan!" hinampas ko siya ng hinampas habang sinasabi ko yun. Bwesit siya!
"Oy bakit? Sino ba ang nag-alok ng towel without looking at herself?" inosenteng tanong niya naman habang iniinda ang mga hampas ko sa braso niya na nay halo nang suntok. Oo nga naman! Ba't ba ang tanga ko? Binigay ko yung towel eh mas visible yung katawan ko.
Nailang ka kasi sa abs niya, sabi ng kabilang parte ng isip ko. Psh! Di noh, madami namang may abs ngayon dito sa Backstage ah, ba't sakanya lang ako maiilang duh!
Kasi may gusto kana sakanya, ayaw mo lang aminin. No! Wala akong gusto sa mahanging ugok nato. Never! Swear to hell. Mas gugustuhin ko pang maasawa si Super Tekla kesa sa ugok nato.
Peksman? Usto mo si tekla kesa kay Jushua?. Well, on the second thought, mas gugustuhin ko na lang palang mamatay kesa sa asawahin tong Ugok nato. Si Jushua? Magugustuhan ko? Psh! Di kayo nagkakamali, kasi gusto ko na siya.
Gusto ko na siyang gilitan sa leeg.
Tss! Di talaga ako magkakagusto sa lalaking to noh! Wala ng matinong nagagawa to sa buhay at puro kababuyan lang ang lumalabas sa katawan.
"Oh eto susuotin mo babygirl" sabi sakin ng Baklang nagmake-up sakin kanina at inabot sakin ang hanger kung saan nakasabit ang isang baby blue colored na fitted dress.
Dali-dali akong pumasok sa dressing room at nagbihis. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin and Im impressed. May curves pa din pala ako kahit papano. I look good sa Dress nato. Hulmang-hulma ang kurba ko sa katawan. Backless ito kaya maganda tignan.
"Oh! You look perfect" sabi nung baklang nag-ayos sakin kaya napatingin si Ms. Alejandro sakin na nag-aayos kay Jushua kaya pati si Jushua ay napatingin din. Nakita ko pa ang bahagyang pag-awang konti ng kanyang labi at ang dahan-dahang pagngiti.
"I must say" panimula ni Jushua habang nakangiting hinihimas ang baba niya. "You look good in that dress" dagdag niya na ikinaiwas ko ng tingin sakanya.
"Sus! Ikaw din naman" puri ko pabalik sakanya. He's wearing a Royal Blue colored polo and Fitted jeans. He really looks good kahit ano pa ang suotin niya. Kahit basahan pa nga ata ang suotin niya ay gwapo padin siya eh.
"I agree, you two look good" puri samin ni Ms. Alejandro na nginitian lang namin. "Perfect for the Talent Portion" dun na kami nabigla dahil dun sa huling sinabi ni Ms. Alejandro.
Nagkatinginan naman kami ni Jushua na parang tinatanong sa isa't-isa na "Anong talent portion? Di tayo prepared". Yes, totoo naman, di kami prepared. In fact, di talaga kami nasabihan.
"What? Di kayo prepared?" tanong ni Ms. Alejandro.
"Hindi kami nainformed" gulat na gulat parin na sagot ni Jushua kay Ms. Alejandro na kumunot lang ang noo. We are just thinking of an idea until Ms. Alejandro snapped her hand at umalis.
After a few minutes, bumalik na siya kasama ang dalawang bodyguards na may dalang dalawang gamit na pwede ko nang tawaging miracle kasi ito nalang ang natitirang pag-asa namin.
"You know how to Play guitar right?" nakangiting tanong ni Ms. Alejandro samin at inabot samin ang dalawang guitar. Tumango naman si Jushua sa tanong ng tita niya.
"Y-yes but I O-only know how to play one song" sagot ko naman at nahihiyang nag-iwas ng tingin.
Narinig na namin ang MC na tapos na daw magperform sila Danica kaya dali-dali kaming pumunta sa Harap ng stage at pinrepare ang lahat ng kailangang iprepare.
Tinanguan ako ni Jushua hudyat na magsimula na ako. I only know one song so I will play that song. Alam naman siguro ni jushua ang kantang yun. I closed my eyes and started to pluck the guitar.
♪ ♬ When I look into your eyes
It's like watching the night sky
Or a beautiful sunrise
There's so much they hold♪ ♬ panimula ko sa kanta. Agad namang nakahabol si Jushua cause Im now hearing his guitar being plucked and it delivered a melody that sounds like mine.♪ ♬ And just like them old stars
I see that you've come so far
To be right where you are
How old is your soul?♪ ♬ I immediately opened my eyes as I heard Jushua's voice and it was so nice to hear. He's a great singer. He's so talented. He has it all. Pinagmasdan ko lang si Josh habang kinakanta niya ang linya niya habang nakapikit at damang-dama ang kinanta nito.♪ ♬ Well, I won't give up on us
Even if the skies get rough
I'm giving you all my love
I'm still looking up♪ ♬ we both chanted the Lyrics of the Chorus part and gazed at the audience who are now smiling with feelings na para bang nadadala sa kanta. Some of them are holding tissues at parang may pinapahid na luha sa Mata.I looked to the Judges and they are now smiling habang nakapikit. Matagal ko nang alam na maganda ang boses ko. Ever since elementary, nakahiligan ko na ang pagkanta. Pinuri nga ako nina Daddy dati kasi nakakapanindig balahibo daw ang boses ko.
I shockedly looked at Jushua when he stopped plucking his guitar. I saw him looking at the back audience and there I saw a person under the mango tree, aiming its Gun to me kaya naihinto ko din ang pagigitara at tulala lang sa taong naka-suot ng all around cover at nakatutok ang baril sakin.
"Tumabi ka!" sigaw ni Jushua habang tumatakbo papalapit sakin.
I saw everything went slow motion. Tulala lang akong nakatingin kay Jushua na tumatakbo ngayon ng paslowmo papunta sakin.
*Bang
I felt a thing that went inside my right chest. Sa kabilang part kung saan naka-locate ang puso ko. My knees are shaking and now Im starting to fall.
Nanatili paring slow motion ang lahat sa paningin ko.
Before I fell and lost my consciousness. I felt someone hugged me and I smell his very familiar scent. Nasalo niya ako. But I heard another gunshot again.
*Bang
<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>
WTH just happened?
Will they survive?
Sino ang bumaril? Ano ang rason ng bumaril?
Abangan...
Don't forget to vote and follow!!!
YOU ARE READING
I Won't Give Up
RomanceWill You Fight? For the Sake of Freedom? For the Sake of Life? and For the sake of Love?