Chapter 8

27 7 0
                                    


Chapter 8: He saved me

Andrea's POV

Tulala lang ako dito sa kotse habang papunta sa ospital kung saan Naka-confine si Jushua. Shrimp?  Sinong Gaga ang maglalagay ng Shrimp as a Filling sa chocolate? And how did they know that Im allergic to shrimp?

Yung Tatlong Nerds ba?  Sila ba ang may pakana ng lahat ng to?  O napag-utusan lang din sila? Yung letter? Sino ang sumulat non?  Magkadugtong ba ang lahat?

"Hey!  You're not listening to me ah" Allie snapped her finger in front of my face to get my attention and she succesfully did. Nakita ko siya sa labas ng gate ng school wearing a large eyeglasses na pang-Nerd so pinasakay ko na siya. Besides,  may usapan kaming pupunta sa Mall pag nagkita kami uli.

"Uhm H-Ha?" naguguluhang tanong ko kasi wala talaga akong narinig sa sinabi niya  o kung meron man ay di ko naintindihan dahil sa lalim ng iniisip ko.

"Ugh You're not listening nga" She rolled her eyes and Bit the donut she's eating then sip at her Starbucks frappe. "Ano ba kasi yang iniisip mo?  Ba't ang lalim naman ata?" tanong niya sakin tsaka inabutan ako ng Donut but I refused,  wala akong gana.

"Uhm Wala naman, pagod lang ako,  ang init ng field kanina" pagdadahilan ko. I stared at her eyeglasses and It seems familiar.Very Very Familiar. "Is that my eyeglasses? Ba't mo ginamit?" tanong ko sakanya dahilan para matawa siya ng mahina. Ayaw ko kasing sinusuot yun ng iba.

"Nakita ko lang sa Study table mo and di mo naman na ginagamit kaya hiniram ko" natatawang paliwanag pa niya. Aish!  Nakakainis naman. She should have a deep reason kung gagamitin niya yun.

Nakarating na kami sa hospital where Jushua is confined. Hays!  I still can't believe that he saved me, even though we never had good memories at puro war lang ang nasa isip namin. He saved me. He still Saved me.

Naglakad lang kami ni Allie papunta sa room number ni Joshua at nadatnan namin siya dun na kahalikan yung isang nurse.

"Gosh!  This is a hospital" inis na tugon ko. Gulat silang napalingon sa pinto. Mabilis na inayos ng nurse ang suot niyang uniform na nakabukas pa ang dalawang butones sa taas tsaka mabilis na umalis.

"Panget?  What are you doing here?  And sino kas------ Jessa?!?" gulat na usal niya ng makita si Allie na nasa likod ko. Allie Jessa Fernandez. That's her full name.

"Tsk Tsk Tsk Matt, you still didn't change" gulat na napalingon naman ako kay Allie na nasa likod ko. Wait?!?  Magkakilala sila? Ang liit talaga ng mundo. Kasing liit ng boobs ni mama. "Womanizer forever" dagdag pa nito.

"Pinilit ako nung nurse eh!  Sayang din naman. Ang lulusog ng Joga" napatawa pa si Jushua sa kamanyakan niyang yan. Kung close lang talaga kami, baka nasapak ko na to.

"Wait! Magkakilala kayo?" ginaya ko lang ang kadalasan na tinatanong ng mga actress kapag di inaasahan na magkakilala pala ang mga random characters. You know naman,  artistahin ako.

"Yes" sila

"He's my first boyfriend to be exact" nakangiting sagot ni Allie saakin.

Kaya pala,  isa siya sa mga nabiktima ng Alejandro na to.

"So bakit nga kayo naparito? Miss me?" baling ni Jushua sakin pero umiling lang ako. Why would I miss him? ano ba siya sa buhay ko?  We're enemies. Yeah,  Enemy but he Saved me.

"I just want to say Thank you" napayuko ako habang sinasabi yon. kita kong natigilan siya for awhile pero nakarecover naman after seconds. Sino ba namang di magugulat kung ang itinuring mong kaaway ay magiging maamo. "For saving my Life" dagdag ko pa.

"I didn't save you, ginawa ko yun k-kasi gusto kitang awayin kaya kinuha ko yung chocolate. Di ko naman alam na may Sili pala yun. Im allergic to Chili" he didn't look at me while saying his reasons for saving me. Pinagmasdan ko lang siya saglit tsaka umiling.

"Yun lang naman ang punta ko dito. Aalis na kami" pagpapaalam ko sakanya tsaka tumayo. Lalakad na sana ako ng pinigilan niya ako.

"Wait!" pigil niya sakin tsaka bumaling kay Allie. "Can you Leave us alone for awhile"  pakiusap niya kay Allie na nakangiting tumango lang tsaka lumabas.

Nagkaroon muna ng katahimikan. Yung tipong nakikiramdam pa kami sa paligid. Naghihintay lang ako sa sasabihin niya pero parang nag-aalangan pa siyang sabihin iyon.

"M-mag-iingat Ka lagi" bilin niya sakin habang hindi sa akin nakatingin. Aaminin ko na na-touch ako pero walang ibig sabihin iyon. Ngumiti lang ako at tumango sabay pihit sa doorknob.

"I will not hesitate to risk my life again" Natigilan ako. Di ko inakalang, kahit di kami naging mabuting magkaibigan,  ay handa pa din siyang ibuwis ang buhay niya para sakin.

Dug*dug

Nakatalikod lang akong tumango sakanya tsaka lumabas na. Bakit parang may alam siya sa nangyayari?  May alam nga ba siya? Aish!  Ang gulo.

******

Pumunta lang kaming mall ni Allie and Nagshopping at kumain. Hanggang sa pag-uwi namin ay suot pa din ni Allie ang Glasses ko at hinubad lang iyong nung patulog na kami.

It's already 2:34 AM in my watch, pero di pa din ako mapakali. Sino ang may pasimuno sa nangyayari sakin?  Ano ba ang kasalanan ko sakanya? Tsaka bakit parang may alam si Jushua?

I Dont know why but I opened my bag and saw another letter inside it. Pano to nandito?  Eh buong maghapon kong dala ito and sa kotse ko lang iniwan ang bag ko nung nasa hospital kami. Si Allie lang naman ang kasama ko ah. I just opened it and read what's inside.

Dear Maddy,

       Are you having fun?  Sayang nga lang at hindi ikaw ang nabiktima nun. Knowing you,  isang katiting lang na kagat ng Hipon ay magiging delikado na ang iyong buhay. Buti nalang talaga at may alam pa ako sa Jushua Alejandro na yun na magpapatumba sakanya. Sleep well!  See you tomorrow.
                                
-YourDeath-

Kilala niya kami?

<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>

Si Allie ba ang may pakana ng lahat?

Abangan...

Please vote and follow!!!

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now