Chapter 13: Nurse Rose
Andrea's POV
Just like what I've said, bumili ako ng foods and drinks para sa pananghalian namin ni Jushua dito sa hospital. Mayroon naman siyang free meal kaya drinks nalang ang binili ko para sakanya.
Gosh! I still can't believe about what happened earlier. The Fall. The stare. My Heartbeat. Aish! Lumakas lang siguro ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba and wala ng ibang meaning yun. I hate him! I really really do.
Sinadya kong bagalan ang kilos ko para matagal-tagal pa bago ako makarating sa assigned room niya lalo na't nasa 7th floor iyon at sinadya ko rin na hindi sumakay sa elevator para mas matatagalan ako.
Nadatnan ko lang siyang kausap ang doctor pagpasok ko sa kwarto niya.
"So When will I be discharged doc?" tanong nito sa Doctor na inaayos na ang mga gamit. Psh! Ba't niya tinatanong? Para makalandi ulit siya sa mga babae niya? Nice one Hangin. Wait! ba't ba ako nangingialam? Eh kahit pa makipag-sex siya sa lahat ng babae sa mundo ay wala akong pake! Oo, wala talaga! Karma nalang niya kung makabuntis siya.
"Mamaya agad, When Your Lolo and tita arrives" Nakangiti namang sagot ng Doctor sakanya tsaka chineck ulit ang kung ano sa mga papel tsaka nakangiting nagpaalam tsaka lumabas.
Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Walang nagsasalita maski isa kasi wala naman akong dapat at gustong sabihin sakanya at ewan ko naman sakanya kung ano bang rason niya. Wait! kailangan talagang may rason kapag tumatahimik? Aish ang gulo ko.
"Uhm" parang may binabalak siyang sabihin na di niya agad na masabi and ako naman ay nakataas lang ang dalawang kilay at pinalobo ang pisngi habang naghihintay sa sasabihin niya. "L-let's eat?" nauutal na dagdag niya.
Dun ko naman napagtanto na hindi pa pala kami kumakain at hawak ko parin ang plastic bag na mayrong foods and drinks. Naku! Ba't ba di ko naisip agad yun. Mukha tuloy akong tanga na iniinggit ang bata sa dala kong pagkain.
"S-share nalang tayo, di ko ata mauubos to" nauutal pa rin na sambit niya. Shit! Ba't ba nauutal ka? Ang awkward tuloy ng surroundings. Ghad! I need Air.
"A-ah hindi na, I b-bought my own foods t-tsaka binilhan din kita ng Drinks" tamo? Pati ako nadadamay sa pag-uutal effect niya. Ang awkward na talaga ng atmosphere. Para bang kausap ko ang krass ko which is hindi naman siya kasi nga ayoko sa kanya, ayoko sa ugali niya, sa mukha niya, aish basta ayoko sakanya.
Si Lexus ang Crush ko Awiiieee I have a feelings towards my Kababata slash bestfriend. Napangiti ako sa naiisip.
"Oh nakangiti ka diyan?" nakakunot ang kilay niyang sabi sabay subo sa pagkain niya tsaka nakakunot ang kilay pa rin na nginuya ito. Tsk! Tsk! Pakialamero.
"Pakealam mo?" mataray kong sagot sakanya and rolled my eyes. That's right! Bumalik nadin sa normal ang atmosphere. Magbangayan pa tayo. That's what I like it.
"Sungit! Parang nagtatanong lang hmp!" hindi ko na narinig ang bulong niyang iyon sa sobrang hina pero im sure na hindi maganda yun.
"May sinasabi ka?"
"Wala!"
After namin kumain ay niligpit ko lang ang pinagkainan tsaka tinapon ang basura sa basurahan. Alangan namang sa Nurse Station ko itapon diba? Aish! Ang corny, erase erase.
"Ihi lang ako" paalam ko sakanya na tumango lang habang ang atensiyon ay nasa TV parin kaya pumasok na ako sa CR at umihi saglit.
Paglabas ko ay nakakapagtakang wala na akong naririnig na tunog mula sa TV kaya agad ko siyang sinilip.
Fuck? May kahalikan siyang Nurse at nakapasok pa ang kamay niya sa hindi nakabutones na upper part ng uniform nung gaga. Hinihimas yung joga.
"What is the meaning of this?" agad naman silang natigilan at umayos. Jusko! Sa lahat ng lugar ay bakit hospital pa. Tinaasan ko naman ang kilay ang nurse at gumanti naman ito ng pagtaas ng kilay.
"Who are you?" maarteng tanong nung Nurse sakin at maarteng pinagmasdan ang kabuoan ko. Ginantihan ko din siya, I looked at her from Head to toe and I smirked when I saw her cleavage that is visible from her unbottoned uniform.
"Andrea Billones, ang pinaka-magandang nilalang na ipinanganak nung year 19**" nakataas parin ang kilay na tugon ko sa Nurse nato na parang aabot na sa langit ang taas ng kilay. Che! Burahin ko yan eh. Kala mo naman totoong kilay. "And you are?" dagdag na tanong ko at maarte siyang tinignan.
"Wow? Pinaka-maganda? Bulag ka ba? Di mo ba nakikita na pang-aso lang ang mukhang yan kumpara sa mukha kong pang-Diyosa?" napataas pa lalo ang kilay ko dahil sa sinabi ng impaktang to. Bwiset! No one messes with an attitude nerd. "Im Rose By the way. See? Pangalan ko pa lang maganda na" dagdag pa niya but I smirked. Di ata ako magpapatalo nito.
"Huh? Rose?" natatawang saad ko at binigyan siya ng nagtataka at natatawang mukha. "Who gave you that Pretty name?" infairness ang ganda talaga ng pangalan niya ah.
"Mga magulang ko. Alangan namang sayo? Eh ang pangit na nga ng mukha mo, ang pangit pa ng pangalan mo" mataray na sagot na naman ni Nurse Rose. Ha! Talagang kinakalaban ako nito ah. Tignan natin.
"naitanong ko lang naman. Infairness ang Ganda talaga ng name mo. 'ROSE'. Parang bulaklak lang sis" parang papuri kong sabi sakanya at ang gaga, ngumiti sakin. Tignan nalang natin. "Ang kaso" I frowned. "Hindi ata bagay sayo. Rose nga yung pangalan mo, eh muka ka namang ugat. You should be named Roots, not rose" natatawa kong pang-aasar sakanya.
I saw her teeth gritted because of anger. From Smiley face to beast mode ang peg. Nakita ko naman ang ugok na si Jushua sa Gilid nung ugat na tinatakpan ang bibig habang nagpipigil ng tawa. Tsk! Nag-enjoy pa ang puta.
"How dare you!" nanggigil na sambit ni Nurse Roots este Rose sakin at akmang sasampalin ako.
"Sige!" natigilan naman ang kamay niyang nakalipad sa ere dahil sa may diin kong pagpigil. "Subukan lang talagang lumapat ng palad mo sa makinis at maganda kong mukha. Im gonna make sure na ibabaon kita sa lupa just like what roots really are" I smirked after saying that. It made her stiffened tsaka dali-daling lumabas.
Pumalakpak naman ang gagong hangin saakin and I just rolled my eyes.
"Iba ka pala magselos Babe" parang namamanghang tugon niya and with that, binato ko siya ng lahat ng unan sa sofa. As in lahat. Bwiset.
<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>
Edi may panglaban na kayo sa kakilala niyong Rose? HAHAHA goodluck nalang senyo kung gagayahin niyo.
Sorry For the Slow, Short and Lame Update. Im currently busy. Taking care of my baby cousin.
Don't forget to vote and follow!!!
YOU ARE READING
I Won't Give Up
RomanceWill You Fight? For the Sake of Freedom? For the Sake of Life? and For the sake of Love?