Chapter 20

13 4 0
                                    

Chapter 20: Almost Okay

Andrea's POV

Where am I? Ba't ang dilim?

'anybody here?' sasabihin ko sana pero bakit parang di mabuka ang bibig ko?

I saw Allie from afar pointing her gun towards me kaya pilit kong sumigaw pero di parin bumubukas ang bibig ko. She slowly pulled the trigger and shoot the gun at me but before the bullet hit me, biglang humarang ang isang pamilyar na pigura sa harap ko at siya ang natamaan.

Napabalikwas ako ng bangon at naghahabol ng hininga na umiyak na para bang totoo ang nangyaring yun.

"Hey hey hey,  you're alright, stop crying" someone hugged me and I felt relieved after I smell his scent. Jushua.

"Oh eto tubig" alok ni Jessa sakin pero di ko tinanggap iyon and I saw a glimpse of my dream again where Jessa is pointing it's gun to me. "Dali na,  You need this. Walang lason yan" dagdag pa niya para tanggapin ko iyon at inumin.

"Ba't mo naman ako lalasunin?" nagtatakang tanong ko sakanya habang nakakunot ang noo pagkatapos kong inumin ang tubig na isang lagok lang.

"to naman,  parang biro lang eh" natatawang tugon nito sakin at pumunta sa may ref para isauli ang pitchel ng tubig.

"D-di mo naman siguro ako b-babarilin hindi ba?" I saw her stiffened after I asked her those things pero di yon nagtagal at humarap na siya sakin after she closed the mini Refrigerator.

"Aren't you gonna let her go Jush?" natatawang tanong ni Allie kay Jushua dun na ako natauhan na nakayakap pala siya saakin kaya agad akong humiwalay at nahihiyang nagbaba ng tingin habang siyabay napakamot ng batok.

"Naks! May namamagitan naba?" pang-aasar ni Rhonnel kay Jushua habang sinusubuan ng pagkain si Jenny. Yuck!  Sa harap pa talaga namin naglandian ang dalawa ah.

"S-siraulo!  She's my enemy,  I won't like her" Jushua was stammering while saying those words.

"Oo nga,  tsaka ayaw ko sa mahahangin na tulad niya noh" dagdag ko pa at sinamaan ng tingin si Rhonnel na nagpigil lang ng tawa.

"Sus,  kunwari kapa bespren,  hindi naman sinabi ni Rhonnel na about love ang likes ang namamagitan ah" pang-aasar ni Jenny sakin at binigyan ako ng makahulugang tingin. Pinanlakihan ko siya ng mata pero tumawa lang ang gaga.

"H-hindi nga pero alam ko na kung anong laman ng mga utak niyo no" pagdedepensa ko sa kanilang tatlo na tawa lang ng tawa habang si Jushua ay tahimik lang sa gilid. What is he doing?  Dapat ay nagdedefend din siya.

"Naku Maddy,  defensive masiyado, delikado yan" natatawang asar pa ni Allie sakin na sinamaan ko lang ng tingin. Well,  atleast the atmosphere lightened.

"Aish! May pagkain ba? Gutom na ako" pag-iiba ko ng usapan at umaktong naghahanap ng pagkain. Totoo naman talaga eh,  di naman sa nagrarason kasi gutom na talaga ako.

"Hoy! Yung pagkain" panggugulat ni Rhonnel sa nakatulalang si Jushua na agad na nataranta at kinuha ang pagkain na nasa gilid ng inuupuan niya.

"A-ah eto oh. B-binili namin ni Rhonnel tsaka Jenny sa Canteen dito bago kami pumunta sa room mo" he stammered. Ba't ba sunod-sunod na ang pagka-utal niya? Did he lost his words or what? Balik kaya siya sa Kinder para may malaman siyang words ng di nauutal.

"Sus!  Ikaw lang kaya ang nagsabi na bibili ka para kay Andrea" pang-aasar ni Rhonnel.

"Oo nga!  Damay mo pa kami. Alam mo ba bespren? Natagalan pa siya sa pagpili ng pagkain kasi baka daw makakasama sayo" ambag pa ni Jenny sa asaran tsaka tumawa ng malakas. I saw how Joshua looked away while his Face is turning red.

"Sana bumalik yung nagbaril samin para barilin ang dalawang natitira" agad na nabulunan ang magsyota sa sinabi ni Jushua kaya kaming dalawa na ngayon ang tumatawa habang si Allie ay walang ganang nakatitig lang sa pagkain nito.

"Sabi ko kasi sayo eh tumahimik kana" sita ni Jenny kay Rhonnel na ngayon ay pinlalakihan ng mata ang syota niyang walang palag.

"Sinabi mo ba yun Hon?" nagtatakang tanong naman ni Rhonnel.

"Oo sinabi ko. Palag?" inambahan naman ng suntok ni Jenny si Rhonnel na agad na napataas ang kamay na sumurrender na.

"ops! Sinabi mo nga,  di ko lang narinig" pabulong na yung huling sinabi niya at ibinaba ang kamao ni Jenny. Baliw talaga tong babaeng to,  ina-under masiyado si Rhonnel.

"May binubulong ka?" nanggigil na tanong ni Jenny.

"Wala!"

"Eh parang meron eh"

"Wala nga"

"Pwede naba tayong kumain?" pang-aawat ni Jushua sa kanila at pinagbuksan na ako ng lunch pack.

"Oo nga. Gutom na ako,  parang di ako nakakain ng isang buong araw" inosenteng sabi ko at hinanda na ang kutsara't tinidor ko pero natigilan ako nung nagtitigan silang lahat.

"Uhm Maddy,  you and Joshua were asleep for three days" my eyes literally widened after what Allie Said.

"We've been asleep for three days?" nanlalaki ang mata na tanong ko sa kanila na tumango lang.

"Oo, tsaka alam mo ba? Hinintay ka pa talaga naming mag------ sabi ko nga tatahimik na ako hehe" pag-putol ni Rhonnel sa Sasabihin nito ng tinutukan siya ng tinidor ni Jushua sa leeg.

Tahimik lang kaming kumain, nakakailang pagkain nga ako eh. Grabe yung three days tulog. Parang buong taon akong di kumakain.

Sakto namang pagkatapos naming kumain ay dumating si Mommy at Daddy pati na din si Lolo Rafael na kinamusta lang ako.

"Pwede ka na daw mag-out mamaya which is a good thing para magkaroon ka ng saktong pahinga para sa bakasyon natin next week kasama ang mga alejandro" sabi sakin ni Lolo.
What?  Magbabakasyon kami?  Good!  It's been a stressful year.

Vacation is what we need

<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>

Anong mangyayari sa Bakasyon nila?

Abangan..

Don't forget to vote and follow!!!!

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now