Chapter 10: The Third day of Danger
Andrea's POV
"Gosh girl! I can't believe what happened, dapat chineck Nila yung elevator bago pinaandar, para namn alam na sira" Sira? More like sinira. I still can't believe what happened yesterday, I thought na dun na kami matatapos, na hanggang doon nalang kami. "Buti nalang at walang nangyaring masama sayo, kundi idedemanda ko talaga ang may-ari ng mall" dagdag pa ni Jenny sabay higop ng Mango Shake niya.
Kung itatanong niyo kung anong nangyari after. Well, mayroong dumating na Maintenance, Security, at yung may-ari, sa likod nila ay nandun naman sina Jenny, Rhonnel, at Jessa na alalang-alala samin.
Humingi naman na ng paumanhin ang may-ari ng mall at sinabing hindi na yun maaulit and with that, tumungo na kami sa Food court and acted that something didn't happen.
"Oo nga eh! Buti nalang at nakalabas pa kami" Nakangiti kong sagot sakanya. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pait na pagngiti ni Allie. Yes, sumama padin siya ngayon saamin.
Naghihinala na nga ako eh. Everytime na may mangyayari saamin ni Jushua ay palaging active sa Scene si Allie but I can't blame her. Kahit nga si Jenny at Rhonnel ay palaging nasa scene kaya di dapat ako namimintang ng kung sino-sino.
Di kagaya kahapon ay normal lang akong naglalakad ngayon sa pasilyo kasi kahit anong iwas ko pala sa mga patibong ng Death, ay mangyayari at mangyayari padin naman ang ito kaya no need to be careful.
Im now walking towards the Locker area para kunin ang extra shirt ko. Napagod ako sa kakacheer kay Jenny kanina at pinagpawisan pa ako ng todo kaya I need to change my shirt.
May laro pa si Jenny ngayon and kailangan ko magmadali para maabutan ang start ng game. Ayaw pa naman nun na Late akong pumunta kasi wala dawng bespren na magchicheer sakanya.
I opened my Locker and I wasn't shock anymore to see a familiar letter na galing na naman kay death kuno. I opened it and read what's written inside.
Hi Maddy,
Having fun? Im sure you are HAHAHA just make sure that you won't fall inlove with Jushua because he's all mine. Just mine. And not yours. Hays kung sana lang ay hindi nangyari ang mga iyon eight years ago, Im definitely sure na magkasama pa tayo ngayon.-YourDeath-
Nilukot ko ang papel at naluluhang kinuha ang extra shirt ko tsaka dumiretso sa Comfort Room ng mga babae oara magbihis. Pumasok ako sa isang cubicle at doon pinatulo ang mga luha kong kanina pa nagbabadya na tumulo.
Why me Lord? Ano bang kasalanan ko? Ano bang ginawa ko para mangyari to sakin? Wala naman diba? Bakit pa ako? Eh wala naman akong ginagawang masama?
I suddenly remembered a phrase dun sa letter, 'eight years ago'. Same year nung nangyari ang pinaka-masakit na nangyari saming pamilya. Nung taong bigla nalang siyang nawala na parang bula.
I wiped my tears and immediately changed my clothes. Lumabas ako ng cubicle tsaka humarap sa salamin. Nagretouch lang ako at siniguradong walang bakas na umiyak ako.
Bumalik ako sa locker ko para ilagay dun ang ginamit kong shirt kanina and There I saw a man wearing a hoodie. A hoodie and a mask to be exact, the same style and color with the man who warned us in the elevator yesterday.
Kinakabahan man ay lumapit pa din ako sa locker ko kung saan siya naroroon at hindi na inisip kung may mangyayari ba sakin kung sakaling makalapit na ako.
May inabot siyang maliit na papel at nanginginig man ang kamay ay dahan-dahan ko itong tinanggap with frustration written in my face.
Nung naabot ko na ang papel ay siya namang mabilis na pagtakbo niya paalis. Hahabulin ko na sana siya pero bigla nalang siyang nawala dito sa hallway na maraming estudyante malapit sa Locker Area.
'He's in the gymnasium kung saan magaganap ang pageant, Help him'
Naguguluhan man ay mabilisan kong pinasok ang used shirt sa locker at nagmamadaling tumakbo patungong gymnasium. Malayo man ay pinuntahan ko parin ito. There's a side of me tgat keeps on saying na kailangan kong pumunta doon.
Hinihingal na kinakabahan kong binuksan ang pinto ng gymnasium tsaka pumasok doon. I roamed my eyes around to see if someone's here but unluckily, wala akong makita. Bahagya akong nagulat ng pabagsak na sinara ang gymnasium. Narinig ko pa ang mga kadena sa labas na tila ba kinakandado ito.
"Tulooong! Palabasin niyo ako" sigaw ko at pinaghahampas ng malakas ang pinto. I just hope that somebody will notice na nawawala ako. I just hope na mayroong dadaan dito kahit na imposible kasi malayo ito sa field at sa mga classrooms.
"Please palabasin niyo ako huhu" hindi ko na napigilan ang pag-uunahan na pagtulo ng mga luha ko at ang mahina kong paghikbi.
"Tangina! Ang ingay naman, kitang natutul---- panget?"
<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>
Is the man wearing a hoodie a friend? Or a foe?
What will happen next?Abangan...
Please don't forget to vote and follow!!!!
YOU ARE READING
I Won't Give Up
RomanceWill You Fight? For the Sake of Freedom? For the Sake of Life? and For the sake of Love?