Chapter 30: Two hearts fighting As One
Andrea's POV
"Andrea?!?" gulat na gulat na tanong ni Jushua matapos madapuan ng paa ko ang balikat ni Arianne na naging dahilan para mawala ito sa balanse. "We're fighting as One Love" Inulit ko ang sinabi ko kanina matapos sipain si Arianne.
"Paano ang Paa mo? I know that you're injured. You can rest" pag-aalalang tugon nito sakin na chineck pa ang paa kong nakabenda pero naitatapak ko ng maayos.
"No! I'll help you in this Battle!" Sabi ko sakanya atsaka tinignan din ang paa kong nakabenda. "I injected that anesthesia-like substance na ginawa pa daw ni Lexus. So, I have atleast 30 minutes to fight" and make sure to avoid my other feet from getting hit. Gusto ko mang sabihin iyon sakanya ay hindi na ako nag-abala kasi alam kong magagamit ko ang kanang paa kong may sugat para sumipa lalo na't mas malakas ang paa ko dun.
"Are you sure?" paninigurado nito sakin na tinanguan ko lang, dahilan para dampian niya ako ng halik sa labi. "Then it's two Hearts Fighting as one!" Nagtitigan lang kaming dalawa habang hawak niya ang magkabilang pisngi ko at ako naman ay nakahawak sa pulsuhan niya. It was so touching to see care in his eyes until we heard a sarcastic laugh na paniguradong si Arianne.
"Two Hearts can Never Win!" sigaw nito samin atsaka dahan-dahang tumayo. "Against a Bitter one!" mahina ngunit may diing sabi nito ng makatayo.
"Let's see about that!" Sigaw ni Jushua sabay tango sakin na naging hudyat para iposisyon ko ang aking sarili. Oh Diyos ko! Wag mo sana kaming pabayaan sa labang ito! Kami na nananalig sayo.
"Yaaaaaaaaa!" sigaw namin ni Jushua atsaka sabay na sumugod kay Arianne. Sabay kaming sumipa ni Jushua pero para bang nabasa ni Arianne ang kilos namin kaya nasangga niya ang mga paa namin gamit ang magkabilang kamay.
Sabay kaming bumitaw ng suntok pero nailagan lang ito papaatras ni Arianne. Tangina naman! How come na di namin siya matamaan? I hate this fight. Paulit-ulit pa kaming bumitaw ng sipa, suntok, tadiyak, hampas pero lahat ng iyon ay naiiligan o kundi nasasangga lang ito ni Arianne.
Tila ba'y napagod na si Arianne sa kakadepensa kaya ito na ngayon ang umatake. Patalon niyang sinipa ang nasa kaliwang banda ni Jushua na agad nitong sinangga pero kitang-kita ko ang sakit na namuo sa kanyang mukha. Sasapakin na sana ako ni Arianne ng umilag ako paibaba dahilan para si Jushua ang matamaan nun.
"Sorry!" napapatiling sabi ko atsaka tinignan ang pisngi niyang natamaan ng kamao ni Arianne. Nang makitang namumula ito ay agad ko itong dinampian ng halik at ngumiti sakanya na para bang ako ang source ng lakas niya. That was sweet until we heard a familiar laugh again.
Ang hilig mong manira ng moment ah!
"Dehado na nga kayo! May ganiyan pa kayong nalalaman? How pathetic!" natatawang saad nito saamin at pinalakpakan pa kami.
"Ganiyan talaga pag may Lovelife! Palibhasa'y bitter ka" hindi man intention ni Jushua na magbiro pero parang ganon na rin ang pagkahatid niya sa sinabi, narinig ko pa si Kuya Andrew na nag-'yowww' habang kaaway si Kuya Alvin. Eto namang si Arianne ay masiyadong pikon. Ansama ng tingin kay Jushua.
"Do you think... Na gugustuhin kong magka-Lovelife?" napipikon na tanong nito habang nakataas pa ang dalawang kilay. "Matapos kayong makitang dehadong-dehado sa laban na ito?" nang-iinis pa na dagdag nito.
"Sinuwerte ka lang sa pagkakataon na iyon Arianne!" may diing sabi ko at dinuro pa siya dahilan para ngumisi siya ng nakakaloko.
"Kung ganon" sabi nito at pinosisyon na ang sarili para muling lumaban. "Bibigyan ko kayo ng pangalawang pagkakataon" nagmamalaking ani nito tsaka iminuwestra ang kamay nitong sumugod kami na agad naming ginawa.
YOU ARE READING
I Won't Give Up
RomanceWill You Fight? For the Sake of Freedom? For the Sake of Life? and For the sake of Love?