Chapter 16

10 3 0
                                    

Chapter 16: The Pageant pt. 2

Joshua's POV

The center stage opened and now we can see the audience's reactions pagkakita nila samin. Kitang-kita sa mga mukha nila ang pagkamangha.  Tsk!  sanay na akong namamangha sila sa kagwapuhan ko,  pero ang di ko inaasahan ay halos lahat ng Audience ay tutok na tutok kay Panget.

Naglakad na ako papuntang kaliwa at siya naman ay sa kanan. Nag-posing lang ako dun na parang model atsaka nagpalit kami ng pwesto. Ako na ngayon ang nasa kanan at siya na ang nasa kabila. Gaya nung una ay nagposing lang kami na parang model tsaka sabay na pumunta sa gitna sabay posing na parang lovers na model.

"Swimming deep in the Blue ocean" panimula ni Panget sa isang masiglang boses.

"Seeking for prey to feed our hunger" masigla ding dagdag ko tsaka ngumiti.

"My name is Andrea Maddison Billones"

"And I am Jushua Matthew Alejandro" ang gwapo ko talaga. Nakita ko pang nangingisay sa kilig yung grupo ng kababaehan sa likod.

"We are proud to represent,  the predator of the ocean. Blue Hungry sharks ready to bite" Pagtatapos namin sa introduction namin. Hindi naman nawala ang mga sigawan ng mga babae na patay na patay sakin at ang mga lalaking manliligaw ng panget kong katabi.

"Wow!  Such an energetic Sharks" bati nung MC samin na nakangiting tinanguan lang naming dalawa ni Panget sabay atras para makipag-unite sa ibang contestants. "Now,  ladies and gentlemen, let us give the contestants a round of applause as they show they're talent in Dancing. Music maestro" dagdag nung MC at di pa umaabot ng sampung segundo ay narinig na namin ang tugtog.

Umatras na ang mga babaeng contestants nung narinig na ang kanta ng Catriona Dance na sikat ngayon sa Pilipinas. Sumayaw naman kaming mga Lalake and I admit that they're really good in dancing. Di naman sa pagmamayabang pero makikita naman talagang ako ang pinakamagaling samin. What's the purpose of being the Leader of this school's dance club.

"Gosh!  Fafa Jushua ang sexy mong sumayaw,  akin ka nalang"

"OMG!  Jushua sayawan moko sa kama later"

"Jushuaaaa mahihimatay na ako"

Konti lang yan sa mga naririnig kong papuri sakin. I Just smiled and Winked to the group of girls that shouted my name.

Nung matapos na ang chorus nung kanta ay narinig na namin ang pagsabog, hudyat na papalitan na ang kanta kaya umatras na kaming mga lalake at hinayaang sumayaw ang mga babae sa harap.

The Music changed into the famous dance trend "Tala" na kinanta ni Sarah Geronimo. Pinagmamasdan ko lang mula dito sa likuran si panget na sumasayaw and she's good in dancing,  pwede na siyang maisali sa Dance Club.

Marami din akong naririnig na sinisigaw ang pangalan ni panget ang chinicheer siya pero di maipagkakaila na mas marami ang sumisigaw sa pangalan ni Danica. Siya ang Co-leader ng Dance club,  magaling talaga siyang sumayaw kaya di na maipagtataka,  dagdag na ang maganda niyang mukha at sexyng pangangatawan.

************

"Ladies and Gentlemen, we are now in the second part of our competition which is the Summer attire let us start with the 1st year until 4th year" masiglang anunsiyo nung MC at narinig na namin ang tugtog kaya nagsimula ng maglakad ang dalawang first year papunta sa Harap.

Maraming nagsisigawan sa labas lalo na't parehong naka-topless ang lalaking representative nila.

"You're so sexy babe" puri ko kay panget na nakasuot ng two piece. Pinanlakihan niya lang ako ng mata at hinampas ako sa braso but I just chuckled. She's really sexy,  but Danica is Sexier,  tiyak na maraming mas sisigaw sa pangalan ni Danica mamaya pag labas na naming apat.

Sumunod naman ang 2nd year na rumampa sa harap at sumunod agad ang 3rd year.

Ngayon ay kami na ang naglalakad papuntang harap. Nasa kaliwa sina Danica at Kenneth habang kami ni Panget ay nasa Kanan. Hindi nga ako nagkamali kanina na mas maraming sisigaw sa pangalan ni Danica kesa kay panget.

Nainis ako sa part na mas maraming babae ang sumisigaw sa pangalan ni Kenneth ngayon lalo na't wala siyang suot pang-itaas habang nakasuot ako ng Hawaiian polo.

Naglakad na kami papunta sa Gitna para makipagpalitan ng pwesto sa kanilang dalawa.

"Laos ka na pala eh" kenneth smirked after saying those words to me nung nagkasalubong kami sa Gitna. I admit,  napikon ako but I still managed to smirk back.

Laos pala ah.

Nagposing na silang tatlo sa kanya-kanyang pwesto. Dali-dali ko namang tinanggal isa-isa ang butones ng Hawaiian polo ko. Nung natanggal ko na to ay basta-basta ko na lang ito inihagis sa grupo ng mga kababaehan. Pinag-agawan nila ang polo ko at mas dumami ang nagsisigawan sa pangalan ko. Well,  I just showed my six pack abs,  sinong babae ba ang di sisigaw?

I gazed at Kenneth and gave him my victorious smirk. Sino kaya ang laos ngayon?

Nandito na kami sa backstage ulit at hinihintay namin ang mga pampalit namin para sa next portion. May mga intermission number naman kaya okay lang kung matagalan kami sa pagbihis.

"Oh! Mag-towel ka, naghuhubad pa kasi eh ang lamig kaya dito" sabi sakin ni Panget at ibinato sakin ang isang towel na sa sinalo ko naman. I smiled playfully.

"Yie concern siya sakin" pang-aasar ko sakanya tsaka nilapit ang katawan ko sakanya. "Tignan mo panget oh,  may abs ako" pagmamalaki ko pa at tinuro-turo ang abs ko.

"He!  Wala akong pake, magtowel kana diyan" sabi niya habang di makatingin sakin ng diretso. Naiilang ata siya sa Abs ko HAHA babae din naman siya at may epekto din sakanya ang katawan ng lalake.

"Yiee kaya pala binigyan moko ng towel kasi naiilang ka sa abs ko noh?  Noh?  Noh?" pangungulit ko sakanya tsaka siniko-siko ko pa siya. Kita ko namang namula ang mukha niya kaya mas lalo pa akong ngumiti ng nakakaloko.

"Ba't naman ako maiilang aber? Katawan lang naman yan?" tanong niya sakin habang nakatagilid na naka-cross arms pero ang mukha niya ay nakaharap sakin.

"Kasi-----" natigilan ako at umiwas ng tingin sakanya,  naramdaman ko pa ang pag-init ng mukha ko. Naku po!  Pasensiya na Lord. Di ko po sinasadya.

"Oh ano?  Kasi?  Ituloy mo! Ba't ka natigilan?" sunod-sunod niyang tanong sakin at binigyan pa ako ng nang-aasar na tingin pero bago ako sumagot ay ibinato ko muna pabalik sakanya ang towel na binigay niya.

"Kita ko Cleavage mo"

<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>

Naku po! Ano kayang naging reaction ni Andrea sa huling sinabi ni Jushua?

Ano kaya ang mangyayaring di maganda sa pageant?

Abangan...

Don't forget to vote and follow!!!

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now