Chapter 19

14 4 0
                                    

Chapter 19: After the Incident

Madonna's POV (Mother of Andrea)

"Arthur Huhu. Ano na bang nangyayari ngayon" hagulgol ko habang nakatingin sa anak kong tulog parin hanggang ngayon. Ang sabi ng doctor, the operation was successful at magigising din siya eventually, but it's been three days since that incident and since the operation pero hindi padin siya nagigising.

"Shh tahan na. Gigising din siya wag kang mag-alala" pagpapatahan sakin ni Arthur,  ang aking asawa. Tatlong araw nadin kaming hindi nakakatulog ng maayos dahil sa pagbabantay namin sakanya. Ayaw din namin siyang basta-bastang iiwan sa mga Nurse kasi baka may makapasok na namang nagtatangkang kumitil sa buhay ng anak ko.

"Oo nga po tita,  malakas po si Andrea. Lalabanan niya yan" nakangiting sabi sakin ni Jessa, ang nag-iisang pamangkin namin kaya sinuklian ko din siya ng Ngiti. Dapat gayahin ko ang pamangkin kong ito. Dapat maniwala din ako na magigising si Andrea.

"Jusko!  Sino ba kasi yang nagtatangka sa buhay ng anak ko?  At ano ang rason niya" I said while wiping my tears and parted from my husband's hug.

"I don't know Sweetie,  but Im sure that it's a demon, masusunog siya sa impyerno" giit na tugon naman ni Arthur habang nagbabalat ng mansanas. I saw Jessa looked away then look at us afterwards.

"P-pano po kung may rason ang gumagawa nito?" tanong samin ni Jessa kaya agad na nagkatinginan naman kami ni Arthur. Ano namang rason?  Wala naman atang masamang nagawa ang anak namin lalo na't palagi naman itong mag-isa.

"May alam ka ba Neneng?" nagbabasakaling tanong ko kay Jessa habang nakakunot ang noo. "Kilala mo ba kung sinong may pakana nito?" dagdag na tanong ko pa.

"W-wala po,  nagbabasakali lang po" sagot sakin ni Jessa sabay iwas ng tingin. Weird. 

"She has a point sweetie,  baka nga may rason ang lahat. What do you think?" nagtataka ding tanong ni Arthur at hinati ang mansanas na tapos nang balatan. Halata namang may rason talaga pero ano ang rason? Napasinghap ako ng may maalala ako.

"Do you Think incident is connected 8 years ago?" nag-aalalang tumingin sakin si Arthur after I said that then he let out a sigh. Jusko!  Baka nga konektado ang lahat ng ito sa nangyari 8 na taon na ang nakalipas.

Ang pagkamatay ni Julius. Ang pagdadalang tao ni Arianne. Ang pagpatay sa tahimik na pamilya nila.  Ang paghihiganti ni Arianne. Ang pagkawala ni Alvin.

Maaari kayang konektado ang lahat ng ito? Jusko, ba't ang anak ko ang nagbabayad ng kasalanan ng mga Billones,  sa lahat ng nasa pamilya namin ba't si Andrea.

"Arthur, inosente ang anak natin" pag-iyak kong muli sa dibdib niya, hinagod niya naman ang likod ko at pinahid ang luhang nasa magkabilang pisngi ko.

"Everything's gonna be okay. Kailangan lang nating gawin ay ang mahanap at makausap siya" I saw how Jessa Smirked after my husband chanted those words pero binalewala ko nalng lalo na't marami naring problema ang dumaan sa pamilya namin. Ayokong madamay si Jessa sa lahat ng ito.

Nabaling ang tingin namin sa pinto na bumukas at iniluwa dun si Julia Alejandro,  ang head ng school na pinag-aaralan ni Andrea.

"Pinapatawag na kayo ni Papa upang tayo ay mag-usap na" walang emosyong tugon nito saamin. Our families are not in good terms before until what happened 8 years ago.

"Ako na po muna ang magbabantay kay Maddy tita" nakangiting alok ni Jessa saakin na nginitian ko nalang. Masuwerte pa din pala kami kahit papano kasi may pamangkin pa kaming aalalay at magbabantay sa pinsan niya.

Agad naman kaming sumunod kay Julia papunta sa isang kwarto ng ospital na binayaran ata nila para doon kami mag-usap usap.

"Do you think, all of this is connected to what happened 8 years ago?" agad na tanong ni Don Juliano pagkaupo pa lang namin sa sofa. You heard it right! Dawit sila sa nagawa namin noon.

Well in fact, sila ang pumatay kay Julius.

"We think so too Don Juliano pero di namin na isip na aabot sa ganito ang paghihiganti ng anak mo" sagot naman ni Arthur kay Don Juliano na humithit sa tabako nito at bumuga.

"We fear that this would happen. Kung sana'y hinayaan lang natin silang mamuhay ng tahimik" kalmadong tugon ni Julia saamin.

"Kung sana'y hindi ipinlano ng Ama niyo ang bulabugin ang bahay nila at patayin sila,  edi sana hindi mangyayari ang lahat ng ito" nanggigil na saad ni Arthur na sinamaan ng tingin si Don Juliano. Hinagod ko ang likod niya at hinawakan ang balikat niyabpara kumalma siya.

"How dare you!  Dalawa kami ng Ama mo ang nagplano nun kaya wag na wag mo akong sisihin" nanggigil din na saad ni Don Juliano at ibinagsak pa ang dalawang kamao sa lamesa na nakalikha ng kalabog.

"If it weren't for your idea,  hindi sana papayag ang Papa ko" sagot ni Arthur sakanya pero kumpara kanina ay mas kalmado na ang boses niya pero hindi padin mawala ang giit mula doon.

"This is nonsense------"

"Stop it both of you,  ang dalawang pamilyang ito ang may kasalanan kung bakit nangyari ang lahat ng to!" natigilan kami at napalingon sa pinto kung saan naroroon si Don Rafael, ang ama ng aking asawa. Sa likod ni Don Rafael ay naroroon sina Johnny at Juliana Alejandro.

(A/N: Parents ni Jushua yan)

"Don Rafael is Right, kaya wala na tayong dapat na pag-awayan pa" dagdag pa ni Johnny sa sinabi ni Papa at pumasok na sa loob. Hays, If only you're alive Julius, none of these will happen.

"Yeah, ang dapat nalang nating gawin ay ang makausap si Arianne na parang malabong mangyari kasi di na ito nagpakita after she brought my son with her" saad ko sakanila pero nasa kalmadong boses pa din.

Namayani ang katahimikan saamin na tanging paghinga at tunog ng aircon lang ang naririnig namin.

"I think we need a reunion between our families. Ang tagal na since nagbakasyon tayo ng sabay" Juliana Suggested while smiling widely at us na naging dahilan para magtinginan kaming lahat, not breaking the silence that we're having.

"I think she's right, We need this,  and who knows? Baka magpakita si Arianne saatin" pagsang-ayon naman ni Don Juliano sa asawa ng anak nito. How can they think about a vacation after the happenings that we are facing.

"I disagree, baka malaga------"

"They are right son, baka magkaroon nga tayo ng pagkakataon na makausap si Arianne" kalmadong pagputol ni Don Rafael sa pagtutol sana ni Arthur sa pinaplano nila.

"Okay then! Let's just wait Until our children will be awake and after a weekcor two. We're going to Samal Island sa Davao" pagsuko ni Arthur at sumang-ayon na din sa plano nilang magbaksyon.

I think Samal is a good choice. Malayo man mula dito sa Luzon, maganda namang puntahan.

<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><

Ano ba talaga ang nangyari 8 years ago?

Abangan...

Don't forget to vote and follow!!!

I Won't Give UpWhere stories live. Discover now