Chapter 5

35 11 0
                                    


Chapter 5: The new look

Andrea's POV

"Ba't ba ayaw mong ientertain yung mga nanliligaw sayo ngayon?" tanong sakin ni Jenny habang kumakain kami dito sa cafeteria. What's with her?  Kahapon pa niya akong pinipilit na ientertain lahat ng nanliligaw at naglalagay ng mamahaling chocolates at pathetic Love letters sa locker ko.

"Eh sa ayaw ko eh!  I need to focus on my studies and won't let any man to be my distraction" sagot ko sakanya. She rolled her eyes. Tinignan ko ang paligid. Halos lahat ng lalaki ay nakatingin sakin,  may jowa man o wala. They even thought yesterday that Im a transferee.

"So what happened to the rehearsal yesterday?" tanong niya sakin sabay kagat sa apple na hawak niya. Bigla ko tuloy naalala ang mukha nung Jushua Matthew pagkakita niya sakin.

*Flashback*

I just opened the Door of the gymnasium and let everyone stare at my beauty. Nakatitig lang sila sakin na para bang bago lang ako dito. Na ngayon lang nila ako nakita.

Sa Gilid ng stage,  I saw him,  I saw his irritated face slowly changing into an amused face. Unti unti akong lumalapit sakanya na bahagyang pinagtaka niya. Na para bang di niya inaasahan na ang isang bagong transferee ay papunta sakanya.

"Hoy! Tara na,  tulo laway mo" pang-aasar na sabi ko sakanya. At first,  confusion is written all over his stupid face but after a few seconds ay biglang nanlaki ang mga mata nito.

"Nerd?  Na panget?" tanong niya habang ang kaliwang kamay ay nasa bewang at ang kabila naman ay nakaduro sakin. Putulin ko kamay niya eh.

I just Smiled at him and flipped my hair sabay lakad papuntang stage. Pinagtitinginan pa din nila ako kaya di ko mapigilan ang mapangiti.

"Psh nagpa-makeover pa,  it didn't work naman" pang-aasar ni Jushua sakin nung nakalapit na siya sabay hawak pa ng kamay ko dahil yun ang utos ng instructor.

"Huh?  Hindi ba gumana?  Kaya pala your mouth literally opened" ako naman ang umasar sakanya. Tsk!  Akala niya siya lang ang marunong ah HAHAHA.

"Pinaamoy ko lang sayo na mas mabango ang bibig ko kesa sayo kahit ilang oras pa akong di magsalita" depensa niya naman. Sabay kaming umikot gaya ng utos ng instructor and posed like a model.

"Huh? Eh may naamoy nga akong utot kanina eh,  baka nga bibig mo yun" pang-aasar ko bago kami maghiwalay ng landas. Nasa left side ako ng stage habang siya ay nasa right side,  we're posing like a model and then we changed positions, ako naman ang nasa right and siya ang nasa left.

"Buhok mo lang yun" pang-aasar niya nung nakabalik na kami sa gitna. I just smirked and put our final pose.

*End of Flashback*

"Hoy!  Bingi kana girl?" tawag sakin ni Jenny na nakatayo na pala at nasa gilid nito si Rhonnel habang nasa gilid ko naman ang nakatayong bulto ng gagong si Jushua,  based from the scent.

Wait?  Did I just remember his scent?  Aish dahil siguro sa baho nito.

"So Sama ka or not?" tanong ni Jenny sakin pero di ko naman alam kung ano ang isasagot kasi di ko naman alam kung saan pupunta. "Isa ha!  Sasagot ka or iiwan ka na namin?" naiirita nang tanong ni Jenny tsaka inayos ang hairstyle niya. Tumango nalang ako kahit na di ko alam.

******

Jushua's POV

We're here in the mall. Hindi ko pa rin matandaan kung pano ako napapayag ni Rhonnel na sumama dito eh alam ko namang magdedate sila ni Jenny at ginawa pa kaming Partner ni Panget.

"Yan nalang oh!  Horror" turo ni Panget sa isang movie poster na Horror. Agad naman na sumang-ayon si Jenny sa kalokohan ng bespren niyang panget pero si Rhonnel ay nagdalawang isip.

"Oh Hon? Ayaw mo?  Di ka naman siguro takot no?" nagtatakang tanong ni Jenny kay Rhonnel na di mapakali. Naku!  Parang balak niya pang mambulgar. "Hon?" tanong muli nito.

"No,  Hindi ako Takot. Hindi ako ang takot"

"Edi let's go"

"Wait"

"What?" tanong ni Jenny nung pinigilan siya ni Rhonnel sa pamamagitan ng paghawak sa kamay nito. Tumingin naman si Rhonnel sakin sabay Apologetic look. No!  No!  No! Ilalaglag niya ako.

"Hindi ako ang takot. Si Jushua ang takot" bulgar niya kaya nahihiyang tumingin ako sakanila sabay kamot sa batok.

"Yuck!  Isang bad boy?  Takot sa horror movie?  Unbelievable!" pang-aasar ni Panget sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Mapapasubok yata ako ah.

"I-Im not afraid!  Psh that's just a movie after all" pagmamayabang ko pa. Shit! Am I really doing this? Aish. She just smirked,  and the Next thing I knew, we're at the cinema.

"Bwesit talaga! Mapapasubok yata ako" bulong ko kay Rhonnel na katabi ko. Ganito kasi ang seating arrangement

Panget/ako/rhonnel/Jenny

Ewan ko ba at napapayag na naman kami ni panget na magtabi eh pwede namang magkatabi sila ni Jenny at magkatabi kami ni Rhonnel. Hayst!  Blackmailer everywhere.

"Kung sinabi mo lang sana kanina na takot ka sa manika,  hindi sana tayo nanonood nitong anabelle" diin na bulong ni Rhonnel sakin kaya umayos na ako ng upo nung nagsisimula na ang movie.

At first, wala pa namang nakakatakot pero hindi parin ako permanenteng nakatingin sa screen. Mahirap na. After few minutes.

"Pwede ba?  Wag kang sumiksik sakin?" napipikon na sabi ni Panget nung isiniksik ko ang mukha ko sa likod niya. Marami na kasing nakakagulat!  Bwesit!  Takot ako sa doll.

"Nakakatakot kaya" patuloy parin ako sa pagsiksik sa likod niya at nararamdaman kong iniipit niya ang ulo ko sa likod niya at sa sandalan ng upuan. "Aray panget!  Wag mokong ipitin" sigaw ko sakanya. Buti nalang talaga at kaming apat tsaka tatlong ibang tao lang ang nanonood plus malakas ang sound effects kaya walang nakakarinig samin.

"Eh wag ka kasing sumiksik" sabi niya pero di ako nakinig at nagtago pandin sa likod niya. "Aminin mo nalang kasi na takot ka" pang-aasar niya.

"Oo na,  takot ako sa manika" sabi ko na ikinatawa niya.

Nakalabas na kami mula don at pareha kaming hindi nakapanood ng maayos kasi natatakot ako at siya naman ay Tawa lang ng tawa sabay asar sakin. Bwesit.

"Nagkakadevelopan na ata kayo ah? Kita ko kayo sa madilim na sinehan" bulong sakin ni Mark habang naglalakad na kami patungong parking lot.

Pero mas nagtaka ako sa sunod na nangyari. Sabay pa talaga kami at nagkatinginan.

"No!  Never!"

<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>

Are you enjoying?

Don't forget to vote and follow!!!
Enjoy reading!!!



I Won't Give UpWhere stories live. Discover now