Chapter 12: Foreign Feelings
Andrea's POV
"I can see there's nothing wrong with your apo Don Alejandro, and he'll wake up minutes or an hour from now" sabi nung babaeng Doctor kay Sir Alejandro na pinagmamasdan lang ang kalagayan ng kanyang apo.
"How are you so sure about that Doc? I mean, is there any results na pwede mong maexplain samin? Just to ease our worries" tanong naman ni Madame Alejandro na nasa gilid ng kanyang ama. Makikita mo sa mga mukha nila ang labis na pag-aalala sa apo nila and I understand them, because even I, know to myself that I am worried.
"Well, we tested the substance na ginamit and saw that para lang sleeping pills ang effects nito" Panimulang explanation ng Doctor habang pinapakita kay Madame Alejadro ang mga papel na sa tingin ko ay about dun sa topic nila. The Doctor flipped the papers to the next page. "We Also tested your nephew's health and it's all normal which means wala talagang problema" dagdag pa nito dahilan ng pagbuntong hininga ng dalawang Alejandro.
"Good to hear that Doc, Thank you" pagpapasalamat ni Mr. Alejandro sa Doctor na tumango lang tsaka nagmamadaling lumabas.
It's already 11:30 AM in the morning and it was around 9:04 AM in the morning when we got stucked on that stupid gymnasium. If you're asking kung pano kami nakalabas, well nung time na nakarinig ako ng kadenang naputol, The door opened and saw there's nothing out there.
Agad akong lumabas sa Jacket ni Jushua ng hindi humihinga at kahit nahihirapan akong mag-adjust sa bigat niya ay pilit kong kinarga kahit ang katawan lang niya para mailabas ko siya and I did it successfully. After a Few minutes of waiting and regaining my strength, Mr. And Madame Alejandro with 2 securities came and rescued us.
"Ms. Billones, are you listening?" aaminin kong nagulat ako sa biglaang pagtawag sakin ni Madame Alejandro dahilan para maputol ang malalim kong pag-iisip.
"Po? Hindi ko po narinig" pagpapaulit ko naman kay Madame Alejandro. Im sure she knows that Im over thinking.
If you're gonna ask kung alam naba nila ang nangyayari, it's a No, they just think na coincidence lang ang lahat ng ito. Hindi din lami nag-abala ni Jushua na ipaalam sa kanila ang mga nangyayari kasi di namin alam ang susunod na mangyayari, baka madamay pa sila.
"I was asking kung pwede bang ikaw muna ang magbantay sakanya cause I need to watch over the school and may meeting naman si Papa sa mga investors ng mga Resto namin dito sa Manila, would that be okay?" tanong sakin ni Madame Alejandro na Tinanguan ko lang sabay ngiti. "Good!" nakangiti ding tugon niya at sandaling nagpaalam tsaka umalis.
"Why is this happening to us? I mean, sa dami ng tao, bakit tayo pa?" tanong ko sa natutulog na si Jushua na para bang naririnig niya ako. I pulled the chair and sat beside his table. I'm just watching him sleeping like an angel, na kapag tinignan mo ay hindi mo aakalaing makakagawa ng masama. I continued staring at his angelic face and Unintentionally I slept.
Nagising ako when I heard a sound of camera kaya agad akong napabalikwas ng bangon at nakitang may hinayupak sa kama na tinatawanan ang isang litrato sa cellphone niya and Im sure na ako yan.
"Bwiset! Idelete mo yan!" gigil na sambit ko at pilit na inagaw ang cellphone niya pero mabilis niya itong naiiwas. Sumampa na din ako sa kama para mas madali kong maagaw ang cellphone niya pero ang hinayupak, ang bilis ng galaw at naiiwas niya pa lagi. "Hoy idelete mo yan sabi!" mas gigil na sambit ko sakanya sabay agaw ulit ng phone pero naiiwas niya talaga.
Wala na akong pake kung masira man namin itong kama ng ospital pero gusto ko na talagang maagaw yung cellphone niya to delete my picture.
"Ibibigay mo o bibigwasan kita?" pananakot ko sakanya sabay agaw pero iniwas niya ulit. Bwiset na lalake! Wala nang matinong gawain, palagi nalang akong binibwiset.
"No way! Maganda tong gawing poster at ipakalat sa school" mas lalo kong binilisan ang pag-aagaw sa phone niya na mas binilisan din niya ang pag-iiwas.
"Naku! Subukan mo lang talaga at sisiguraduhin kong hindi ka na makakahinga" banta ko sakanya and hinawakan ang isang kamay niya para hindi niya mailipat sa kabila pero sadyang mas malakas siya at nakawala din.
Ang bilis naman niyang maiwas ang phone niya. Likot lang kami ng likot and we both fell from the bed pero ang ipinagtataka ko, parang slow mo ang pagkahulog namin. Nakita ko ang pag-inda niya sa sakit nung bumagsak na ang likod niya pero agad itong nawala nung nagkatitigan kami.
My eyes roamed his face.
From his thick eyebrows.
To his brown and pleasing eyes.
To his pointed nose.
To his thin and pinkish lips.
Dug.dug
Pinagmasdan ko lang ang mukha niya in slow motion. Ngayon ko lang nasabi na ang gwapo niya pala pag ganito kalapit.
Dug.dug
I can feel my heart beating slowly pero malakas ang bawat pintig nito. I can also feel his heart na parang sinasabayan ang akin. I can feel butterflies flying in my stomach and the feeling is so new to me. Ngayon ko lang naramdaman to sa tanang buhay ko.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang paggalaw ng Adam's apple niya as a sign na lumunok siya and only one word can describe him when he does that. HOT!
Agad namang nanlaki ang mata naming dalawa when our eyes met again kaya mabilis kaming tumayo.
"U-uhm bibili muna ako ng pagkain sa labas" nauutal na sambit ko. Shit! Act normal Andrea, ba't ba nauutal ka! Remember, gago siya and you hate him. Yeah. You hate him.
"A-ah sige, aayusin ko na din ang hinigaan ko a-at ihahanda ang lamesa para kumain na t-tayo" nauutal din na sambit niya habang nakakamot sa batok at hindi makatingin ng diretso saakin.
Agad akong tumungo sa pinto at sinulyapan muna siya ulit and our eyes met kaya mabilis kong iniwas ang mata ko tsaka dali-daling lumabas.
What was that Foreign feeling?
<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>
Kilig ba?
Ano kaya yung nararamdaman ni Andrea?Abangan...
Please don't forget to Vote and follow!!!
YOU ARE READING
I Won't Give Up
RomanceWill You Fight? For the Sake of Freedom? For the Sake of Life? and For the sake of Love?